Ganti ni Bridgette SA LABAS ng eskinita ay nag-aabang na si Regina. Nang makitang paparating ang kaibigan ay agad itong sumalubong. "Ang tagal mo naman," nakangiti nitong reklamo. Iniaangat nito ang braso at may dinukot sa loob ng damit, "O, eto 'yong pangako ko sa'yo. Pasensiya ka na ngayon ko lang naiabot. Gabi na ako nakauwi kahapon, e. Pinag-straight ako ng bisor namin." Iniaabot nito ang isang panyolitong nakabuhol. Alam ni Cristina na pera ang laman ng panyo, ganoon kasi kung magtago ng pera ang kaibigan. "Bakit ang dami nito?" Nahihiya niyang sabi nang makapang makapal ang nakatago sa panyolito. "Kasama na kasi diyan ang pinaaabot na tulong ni Alicia at Denden. Pinasasabi nilang 'di na sila makakadalaw sa lola mo dahil nadestino sila sa malayo. Ipinaabot na lang sa sekretary

