Diskarte ni Marites SA PAGKAMATAY ni Manding, nawalan na si Marites nang mapagkukunan ng pantustos sa bisyo. “Wala na nga akong delihensiya, Jeorge. Patay na nga si Manding, ‘di ba? Ano’ng gusto mo, sundan ko sa langit ang santong ‘yon at hingan ko ng pera?” Singhal ni Marites. “Nagpapatawa ka ba? Gago! Baka sa hagdanan pa lang ay ilaglag ka na ng mga anghel papuntang impyerno!” Pang-iinsulto ng tomboy. Hindi nagpatalo si Marites. “Mas gago ka! Alam mo naman pala, e!” Nagtatalo ang mga ito dahil kinakapos na sa pera. Napagtatalo kasi sa sugal at ang konting nakukuha sa tong ay ginagamit pa sa pagbili ng droga. “Ang tanga mo. Do’n ka manghingi sa mapera mong anak!” “Bakit hindi ikaw ang gumawa ng sinasabi mo at nang malaman mo kung gaano kadamot ang punyetang ‘yon!” “Tang-in

