CHAPTER 33 - Liham ni Manding

1531 Words

Liham ni Manding Matapos ang libing, nagkaroon ng panauhin ang magkakapatid. Dala ng abogado ang mga katibayang ipinagbili ni Manding ang bahay at lupa kina Cristina, Romer at Mercedes, pati na rin ang junk shop. Isang sobre ang iniabot ng nakangiting abogado. Susi ang nakita ni Cristina sa loob. Inilipat ng dalaga ang paningin sa bisita. Pagtataka ang nakarehistro sa kanyang mga mata. Itinuro naman ng abogado ang kalakip na sulat ng susing iyon. Nangangatal ang mga kamay, inalis niya sa pagkakatupi ang papel at sinimulang basahin ang mga letrang nakasulat. Mahal kong anak, Sa oras na mabasa mo ang liham kong ito’y papunta na ako sa lugar na walang balikan. Huwag ka sanang malungkot, anak. Napakasaya ng mga araw na kapiling ko kayo ng iyong mga kapatid. Kaya wala na akong pinanghih

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD