Pagpanaw ni Manding GALIT na galit si Marites. “Aba’t, putang-ina ka!” sigaw nito. Hinablot ang buhok ng anak. Hindi lumalaban si Cristina, ni hindi umiilag, o sumasalag. Hinahayaan lang ang ina sa ginagawa. Tinatanggap ang bawat sampal at hampas ng mabigat nitong kamay. Hindi dumadaing, hindi umiiyak at tila...walang nararamdaman. Panay ang sigaw ni Marites, walang tigil sa pagmumura habang sinasaktan ang sariling anak. Nagbabagsakan sa sahig ang nadadagil ng katawang nais yatang ipagwagwagan. Walang pagod na nararamdaman makagawa lamang ng gulo at ingay. Ingay na nakapagpalabas sa mga taong naroroon sa silid ng may sakit. “Tumigil ka, Marites. Kapag hindi ka tumigil, magpapatawag ako ng pulis!'” Sinulyapan ng ginang ang pinanggalingan ng tinig. Si Manding, nakatayo at nakakap

