CHAPTER 36 - Sugat ng Kahapon, Pilat ng Ngayon

1221 Words

Sugat ng kahapon, Pilat ng ngayon KABISADO na ni Regina ang ugali ng kaibigan. Kapag nanahimik, hindi na makakausap. Mula nang mangyari ang araw na ‘yon, hindi na nila pinag-usapan pa ang tungkol kay Marites. Hindi na rin ito nagpakita pa sa junk shop, o sa bahay ng magkakapatid. Naging ordinaryo na uli ang pang-araw-araw nilang gawain. Isang araw, may dumating na bisita sa junk shop. Bisitang hindi inaasahan ni Cristina. “Kanina pa sila naghihintay sa’yo.” Bulong ni Regina. Galing siya sa isang lumang pabrika at nakipagsara ng usapan sa pakyawang bilihan ng mga bakal at yerong ipinagbibili ng may-ari. Maganda ang pagsisimula ng araw niya at nakangiting binati ang mga tauhang sumalubong. Subalit sa narinig na balita, nag-iba ang pakiramdam niya. Sandali siyang nag-isip kung haharap

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD