Masamang plano “NAPAKAWALANGHIYA talaga ng anak mong 'yan, hal. Hindi ka na nga tinutulungan, ipinakulong ka pa!” panggagatong ni Jeorge. Wala namang kakibo-kibo si Marites. Katatapos lang nitong maligo. Pagdating na pagdating mula sa presinto ay agad itong nagtuloy sa palikuran. Nanlalagkit ang pakiramdam sa ilang araw na pagkakakulong. “Kunsabagay, sinira mo kasi ang gate nila at bintana. Ayan tuloy, sa kalaboso ka bumagsak!” paninisi naman nito. Napahinto lamang ang tomboy sa pagsasalita nang pukulin ni Marites ng masamang tingin. Nilapitan nito ang babae at inako ang pagtutuyo sa basang buhok. Pagkatapos, iniwanan sandali ang kapartner at ipinagtimpla ng kape. Naupo si Marites sa harapan ng mesa at inumpisahang higupin ang laman ng tasa habang tahimik nag-iisip. “Putang-ina k

