Natuklasang Lihim ANG paglipas ng mga taon ay matuling lumipas. Tuwang-tuwang niyakap ni Cristina ang ama pagkababang-pagkababa nila sa stage. Sa wakas, nakapagtapos na siya ng Sekondarya. Bagama’t siya ang pinakamatandang mag-aaral na nagtapos sa edad na disinuebe, masayang-masaya pa rin ang kanyang pakiramdam. Siya ang nagkamit ng medalyang ginto at tinangghal na pinakamahusay na mag-aaral sa kanilang pangkat para sa taong iyon. Buong pagmamalaki namang nakaakbay ang ama sa kanyang balikat. Nang matapos ang seremonyas sa eskwelahan ay nagmamadali na silang umuwi. May munting salo-salong nakahanda sa kanilang bahay upang ipagdiwang ang isa sa mahahalagang araw ng kanyang buhay. Nadatnan nilang naghihintay sina Romer at Mercedes, si Aling Nene, at mga tauhan. Bawat isa ay sumalubong

