Banta ng isang ina SANDALING nabalot ng purong puti ang utak niya. Pakiramdam niya'y namanhid ang dila at nalunok iyon. Sa ilang beses nilang paghaharap at pagtatalong mag-ina ay parating ito ang walang tamang katwiran. Ngunit sa mga oras na iyo'y tamang lahat ang lumabas mula sa bibig nito. Kung hindi nagkamali ng akala ang Tatay Manding niya, hanggang ngayon ay naroon pa sana sila sa bakuran ng kanilang Lola Rosie. Patuloy na naghihirap, patuloy na inaapi at tinatapakan. Walang kapayapaan. Hindi sana nila naranasang magkakapatid ang magkaroon ng maayos na masisilungan, ng matutulugan. Hindi sana nila naranasang kumain sa tamang oras, ng limang beses isang araw. Hindi sana nila naranasang magkaroon ng mga gamit na 'di galing sa napupulot na basura. At lalong hindi sana sila nagkaroon

