( SCARLETH POV )
Pagkatapos kong kausapin si mama sa loob ng kwarto n'ya. Agad kong pinuntahan ang doctor upang kausapin tungkol sa kalagayan ni mama. At gusto ko rin alamin kong malaki ba ang pag-asa naming mabuhay pa si mama ng matagal. Wala man akong sapat na ipon para pang opera ni mama kahit hindi malaki ang laman ng bangko ko. Ipapa opera ko pa rin siya para gagaling pa ang mama ko. Bahala na gagawin ko parin lahat ng paraan para madugtungan pa ang buhay n'ya. Habang iniisip ko ang mga bagay na yon! Hindi rin ako tumigil sa paglalakad papunta sa Doctor ni mama. Hanggang sa nakita ko si Doc Daniel, nakilala ko s'ya dahil yon ang nakalagay sa gilid ng kama ni mama. Nilapitan ko s'ya kahit hindi ko pa alam kong ano ang sasabihin. Bumontong hininga pa ako bago pumasok sa kwarto ni Doc Daniel.
Doc pwede ko ba kayong maka-usap?
Bakit anong sadya mo ija? Tanong agad sa'kin ni doc Daniel dahil napapansin n'yang kinakabahan ako.
Doc Daniel ako po si Scarleth Zamora, anak po ako ng pasyente n'yong si Lorna Zamora.
Ah ikaw pala ang anak ni Lorna Zamora? Mabuti naman at nakarating kana rito. Alam mo bang dalawang araw na ang nanay mong naka-confined dito? Akala ko nga noong una e wala na s'yang kamag-anak pero nong nagkamalay na s'ya. Na e kwento n'ya rin sa'kin na may anak siya at naki-usap nga sa'kin tawagan ko ang kaibigan niya.
Yes po Doc at siya din po ang nagsabi sa'kin andito daw si mama. Maraming salamat po pala doc.
Walang anuman yon ija, ang importante ngayon ay alam mo nang andito ang mama mo at nasa piligro na ang buhay n'ya.
Oo nga doc ngayon ko lang din alam na may sakit siyang gan'yan. Hindi rin nag-sasabi si mama sa'kin tungkol sa naramdaman niya.
Alam mo ija noong una ayaw sana n'yang sabihin ang sakit niya. Pero pinaliwanag ko sa kanya ang tungkol sa naramdaman niya at sa awa ng dios pumayag siyang malaman ng kaibagan nkya at ikaw na may sakit siya.
Doc maari po ba akong magtanong? Magiging ok pa po ba ang mama ko? Sa palagay niyo po ba doc gagaling pa siya?
Ija tatapatin na kita, Maliit lang ang pag-asang mabuhay pa siya kahit maoperahan pa natin ang mama mo. Malala na ang sakit niya at nahirapan na kaming agapan ito.
Pero doc magiging ok pa naman siya diba? Makakasama ko pa naman siya diba doc? Sabihin niyo po sa'kin ang totoo doc.
Kong noon pa sana naipagamot na niya ang sakit niya? Siguro ay magagamot pa namin siya pero ngayon hindi na ako sure.
Po? Sahihin n'yo po sa'kin doc mabubuhay pa naman ang mama ko hindi ho ba? Please po sahihin n'yo po sa'kin ang totoo.
Diko masabi yan ija mahirapan na kaming malinis ang lason na kumalat sa buong katawan n'ya. Oo tama ang narinig mo kaya delikado na ang mama mo.
Please po doc gawin n'yo naman lahat para gumaling lang ang mama ko. Kahit magkano magbayad ako doc basta buhayin n'yo lang ang mama ko.
Gagawin ko sa abot nang aking makakaya ija, hindi ko sinasabi sa'yo na maliligtas s'ya pagkatapos ha? Alam mo na ang sakit n'ya isa itong napaka delikadong sakit. Kaya kailangan maging handa ka. Hindi natin alam kong anong mangyari sa mama mo.
Pipilitin ko doc wala na kasi akong kamag anak kundi si mama lang. Nagmamakaawa ako sa inyo please po dugtongan n'yo pa ang buhay ng mama ko.
Tatapatin na kita ija sa kalagayan ng mama mo mahihirapan na kami kasi nasa stage 4 na ang sakit n'ya. Kailangan pa n'ya ng donor kaya nga nag-sasabi na ako sa'yo ngayon dahil mahihirapan tayong mag hanap ng donor para sa kanya. Kong sinabi sana n'ya agad ang sakit n'ya at nag check up din s'ya sa amin? Hindi sana magiging malala ng ganito ang sakit n'ya.
Pasensya na po doc kahit po sakin doc nilihim n'ya yon. Kahit nanay ko yon meron din talaga ako isang bagay na hindi ko alam tungkol sa kanya yan ang sakit n'ya.
Gan'yan talaga ang mga nanay ija kong maari lang nilang itago ang sakit na naramdaman nila. Itatago nila ito para hindi kayo mag-alala na mga anak nila. Kaya kong maari kilalanin niyo pa ng mas maigi ang pamilya niyo para alam niyo kong may dinamdam ba ito.
Ok naman siya noon doc malakas siya kahit isang beses hindi ko nakita si mama na nang-hihina oh dinamdam ang sakit niya. Pero dapat pala tinatanong ko rin ang mama ko kong kumosta na ang kalagayan niya.
Hayaan mo nalang yon ija nangyari na yan wala na tayong magagawa pa. Ang mahalaga ngayon magamot natin siya at para sa kanyang kaligtasan.
Salamat doc opo magpalakas ako para sa kanya. Hindi talaga ako makapaniwala kasi doc ang lakas pa niya at mukhang walang sakit. Yon pala naka suot na siya ng peking buhok para diko malaman.
Tulad nga ng sabi ko sa'yo kong kaya niyang itago ang sakit. Sa'yo? Itatago n'ya ito habang buhay.
Doc nag mamakaawa ako sa inyo sana po dugtongan niyo pa ang buhay ng mama ko.
Wag kang mag alala maliit man oh malaki ang pag asa natin? Gagamotin namin siya.
Salamat ng marami doc.
Ang kailangan mo lang ihanda ang pera para sa operation lalo na pag kailangan na natin ang donor.
Magkano naman po kaya ang gastosin doc?
Mahigit kumolang 200,000 ija dahil mag hahanap pa tayo ng donor niya.
Po? 200,000 Saan naman ako hahanap ng ganyan kalaking pera? Kahit siguro isang buwan akong mag sasayaw sa club hindi ko kikitain yan.
Ija wala na akong magagawa. Yon lang ang paraan natin at kong may donor na akong makita kailangan operahan na siya agad. Kaya kong gusto mo pang mabuhay ang mama mo maghanap kana agad ng pera para sa operation n'ya.
Sige po doc salamat ngayon din hahanap ako ng paraan.
Kaya mo yan. Manalig kalang sa panginoon magiging ok din ang lahat ng problema mo.
Salamat po aalis na po ako.
Mag iingat ka sa paglakad mo.
Opo, Ano na ang gagawin ko? Ang perang naitabi ko sa bangko mahigit 40,000 palang. Ang laki pa ng kulang. Ano na dapat kong gawin lord? Tulongan mo naman ako huhuhu diko makakaya tong mag isa. Napaupo ako sa gilid ng kalsada habang sapo ko ang ulo ko at umiiyak. Nang naramdaman kong may nakatingin sa'kin! Mabilis akong tumayo at nakita ko sa unahan ang malaking simbahan ni San Vicente. Pumasok ako kahit alam ko isa akong makasalanan sa lipunan. Wala na akong ibang malapitan kundi siya lang. Si lord lang. Siya ang may alam sa nangyari sa'kin ngayon.
Andito ako ngayon sa harap mo panginoon nag mamakaawa sayo! Please bigyan mo ako ng lakas upang labanan ang problema ko. Wag mo namang kunin pati mama ko panginoon. Sana po bigyan niyo po siya ng pagkakataong mabuhay pa ng matagal. Tulongan mo naman ako lord. Ituro mo po sa'kin ang dapat kong gawin kong paano at saan ako kukuha ng pera para sa operation ni mama.
" Sino kaya ang makakatulong kay Scarleth gayong busy na si Lucas sa pag hahanda ng kanilang kasal? May pag-asa pa kayang mabuhay pa ng matagal si Lorna? Gayong malaking halaga ang kailanganin ni Scarleth? Sa gitna ng problema niya ngayon. Sino ang makakatulong sa kanya? Sino ang matakbuhan niya? Para sa halagang 200,000 pesos para sa operation.
Anong nangyari Scarleth bakit ka matamlay? Bungad sa'kin ni Santa habang pinag buksan ako ng pinto sa apartment namin.
Santa anong gagawin ko?
Umayos ka nga ano ba ang nangyari? Kumosta nga pala ang mama mo?
Hindi ko na alam anong gagawin ko Santa gulong-gulo na ang utak ko ngayon. Kulang na kulang yong pera ko.
Anong ibig mong sabihin? Kulang yong pera mo? Para saan? Ano ba talaga ang nangyari sa mama mo?
Kailangan ng operation ni mama nasa stage 4 na ang sakit niya sa kidney. Hanggang ngayon wala pang donor para sa kanya. At wala pa along pera.
Ha? Malaking problema nga yan Scarleth pero anong gagawin mo? Paano na yan?
Di'ko alam Santa nagugulohan na ako malaking halaga ang kailanganin para sa operation. Tapos yong ipon ko kunti lang kahit siguro isang buwan kong gagawin ang pagsasayaw hindi ko kikitain ang 200,000 pesos Santa.
Huh? Gano'n kalaki? Pasensya kana wala akong maitulong sayo gipit din ako.
Ok lang yon. Hahanap lang ako ng paraan..
Paano?
Diko alam siguro kong kailangan ko ng isangla ang kaluluwa ko kay satanas. I mean ibinta ko na lang sarili ko kong kailangan ko ng maraming customer gagawin ko..
Paano kong gusto nila ang MUNAY mo?
Wala akong magawa? Kundi Papayag nalang ako kaysa naman mamatay ang mama ko.
Kong may pera lang ako Scarleth mababawasan sana yang problema mo ngayon kaso pariho lang tayo.
Ok lang yon salamat parin dahil nand'yan ka.
" Nakalipas ang mga araw di pa nakahanap ng pera si Scarleth dahil kahit anong sayaw oh hanap niya ng customer. Hindi parin niya mabuo ang 200,000 para sa operation ng nanay niya. Samantalang si Lucas naman dalawang araw nalang bago ang kasal nila ni Smart at may plano ang tatlong kaibigan nito para sa kanilang groom.
Dodd's congrats talagang ikakasal kana, magbabago na ang buhay mo hindi kana pwedeng sumama sa amin.
Thank you Rain alam mo naman ako diba?
Talaga bang seryoso kana sa kanya? Baka pagsisihan mo sa huli yan may dalawang araw kapa para nag isip. Kong ako sayo ayaw ko pang maitali sa babae. Sa akin lang naman.
Hindi na Rain mahal ko siya kaya nga pakakasalan diba?
Kong ganon kailangan namin maghanda ng STAG PRTY para sayo.
Ayan ka naman Rain! Puro ka naman kalokuhan baka masabit ako d'yan.
Wag kanang umangal Lucas gift ko na to sayo.
Bahala ka d'yan, Basta siguradohin mo lang di malalaman ni Smart to.
Sos ako pa ba? Pero kailangan galawin mo rin yong babae? Wag yong titigan mo lang hanggang umaga?
Kaw talaga oo nah! Para naman tayong bata nito e..
So kong ganon kailangan na namin ihanda ang STAG PARTY mo?
Bahala kayo!! Basta wag mo akong pababayarin?
Oo na!!
" Tinawag ni Rain ang dalawang kaibigan upang planohin ang STAG PARTY para sa kaibigan nilang si Lucas.
Suggest naman kayo kong saan tayo kukuha ng babae? Panimula ni Rain sa kanilang plano.
Diba nakita natin siya kasama yong babae sa club? Sagot ni Ethan.
Oo nga siya nalang kunin natin? Maganda at sexy siya mukhang type pa ni Lucas. Puna naman ni Junny.
Diba nga umaayaw yon sa customer pag gusto ng s*x. Pag dadalawang isip naman ni Rain tungkol sa babaeng ginarantor ng dalawa.
Mas maganda nga yon diba? Ayaw niyo pa non kakilala na ni Lucas ang babae. Hindi na tayo mahirapan sa pag-payag ng pokpok na yon.
Sa bagay nga naman may point ka don pero paano? Tanong naman ni Ethan.
Anong paano ka d'yan Ethan? Tayong tatlo ang gagawa at kailangan bukas ng gabi gaganapin ang STAG PARTY.
Sige ba? Papayag kami Rain.
" Pagkatapos nag kasundo ang tatlo kinagabihan pumonta na sila ng bar at tulad ng plano nila si Scarleth ang babaeng iregalo sa kaibigang ikakasal.
Waiter pakitawag nga po yong babaeng sumasayaw? Utos ni Rain sa Waiter.
Ok po sir pakihintay nalang po.
Bilisan mo lang may lalakarin pa kami.
Atat naman tong customer nato kong di lang kayo gwapo nako!! Scarleth halika muna!!
Bakit?
May customer ka don?
Saan d'yan?
Yong tatlong mayayaman ohh.
Ok salamat baste, Joy palitan mo muna ako dito.
Ok ako ang bahala Scarleth.
Salamat, habang papalapit ako sa kanila napansin kong kasamahan ni Lucas ang mga ito pero bakit wala siya?
Andito na siya Rain,
Hay po mga sir!!
Maupo ka miss.
Salamat po. Bakit niyo po ako pinatawag?
Dina kami pagpaligoy-ligoy miss! Ikaw ang napili naming tatlo para gawing regalo sa kaibigan naming si Lucas..
Ako?? Anong iregalo?
Kasal niya sa susunod na araw kaya gusto namin bigyan siya ng party at ikaw ang regalo namin.
Ayaw ko po!! Natatakot ako ikakasal na siya at baka malaman ng girlfriend niya kakalbuhin pa ako..
300,000 ang bayad namin sayo basta pumayag kalang sa gusto namin at sa ipapagawa namin sa'yo. Sabi ni Rain
300,000 parang paulit ulit na bumabalik sa isip ko ang perang binigkas nila kong papayag ba ako? Wala na akong problemahin sa operation ni mama.
Ano papayag ka ba oh hindi? Muling tanong ni Rain sa kanya.
Po? Hindi ba pwedeng pag isipan ko muna?
Wag na kailangan na namin ngayon ang decision mo para makapag handa na kami diba? Puna naman ni Ethan.
Paano kong ayaw niya sakin?
Wag mo na isipin yon? Ang importante may mairegalo kami sa kanya?
Sige kailan po ba yan?
Bukas ng 6 pm kailangan andon kana kailangan kang sumonod sa rules namin para wala tayong problema.
May trabaho pa ako niyan dito.
Wag kang mag alala magbabayad din kami sa oras mo, Basta nag oo kana sa inalok namin sa'yo huh? Malaking halaga ito sayang naman.
Sige po payag na ako.
Sige alis na kami kailangan dika ma-late bukas maliwanag?
Yes po mga sir salamat po sa inyo. Yes may pera na ako at maipagot ko na si mama. Alam ko mabubuhay pa si mama kaya gagawin ko to para sa kanya.
ABANGAN...