" Tinupad ni Lucas ang pangako n'ya sa girlfriend na si Smart. Pinuntahan nga n'ya ito para pag usapan ang tungkol sa kanilang kasal. Laking pasalamat ni Smart dahil ang lalaking makakasama n'ya ay may isang salita.
Salamat babe at dumating ka sa pangako mo! Napaka swerte ko talaga sa'yo halika pumasok ka sa loob.
Syempre 'di ba sabi ko sayo pupunta ako? Kilala mo ako Smart kapag sinabi ko? Gagawin ko talaga yan, kumosta nga pala kayo dito? Andito ba ang lola Lally mo? Ang tahimik n'yo naman ata anong meron?
Wala naman babe nag linis lang ako kunti kasi alam ko darating ka. Oo andito si lola tayka lang tatawagin ko.
Salamat babe maghintay lang ako rito.
Ok sige, Lola tawag ko sa kanya mula sa labas ng kwarto n'ya. Hindi naman gaanong malaki ang apartment ni Lucas pero malaking tulong narin sa amin ni lola ito. Dahil wala kaming mahanap na matirhan at dahil mag girlfriend kami? Dito n'ya kami pinatira sa apartment n'ya.
Anong sadya mo apo?
Andito si Lucas lola gusto ka n'yang makausap pwede ka po bang lumabas?
Sandali lang apo lalabas din ako mauna kana susunod lang ako sayo. Para naman may kasama yong boyfriend mo sa sala sige na.
Ok sige po lola bilisan n'yo lang po, alam n'yo naman si Lucas laging busy.
Oo malapit na ako rito,
Babe susunod din daw si Lola may ginagawa lang sa kwarto n'ya.
Ok lang, kumosta kana? Hindi ba kayo naliitan sa apartment nato?
Babe mabuti at naitanong mo yan, ok lang naman ako pero kasi yong mga kaibigan ko gusto nilang dumalaw dito sa bahay.
Oh bakit anong problema don? Papuntahin mo sila dito ok lang naman sa'kin.
E nahihiya ako kita mo naman ako babe maganda sexy at alam ng lahat mayaman ako. Nakakahiya naman kong dadalhin ko sila dito? Duhh baka ma-bush lang nila ako.
Hindi naman siguro babe? Pero kong ayaw mo dito? Pwede naman kayo lumipat ni lola Lally sa isang condo ko. Don malaki at pwede mo ng dalhin ang mga kaibigan mo.
Talaga babe? Ang bait mo talaga sa'kin, sige babe sasabihin ko sa kanila pwede na silang dumalaw sa'kin. Kapag nakalipat na kami sa condo mo.
Hindi ako papayag Lucas. Yan ang hindi ko papayagan ang gusto mo Smart.
Lola? Andiyan na po pala kayo? Mano po.
Kaawan ka ng dios ijo. Anong atin? Bakit na padalaw ka? Hindi ba't busy ka sa trabaho mo?
Bakit hindi po kayo papayag na lumipat sa condo ko? Malaki at malawak don lola. Nakakabuti din yon sa'yo para sa kalusugan n'yo.
Lucas tama na ito sapat na ang pagpapatira mo sa amin ng libre dito sa apartment mo. Hindi na kami mag hahangad pa ng malaki at magandang condo. Smart mahiya ka nga libre na nga ang pagtira natin at s'ya pa ang gumastos sa pang araw-araw natin. Tapos gusto mo pa talagang tumira sa condo n'ya?
E bakit ba? Girlfriend n'ya ako at dapat lang patirahin n'ya ako sa mas maganda at malaking bahay.
Ang desisyon ko ang masusunod sapat na ito at malaki na ito para sa ating dalawa. Wag mo ng alalahanin yang pinagsasabi ng girlfriend mo Lucas dadagdag lang yan sa iisipin mo. Ano nga pala ang sadya mo? Hindi ba't busy ka? Mabuti at nakadalaw ka sa amin?
Oo Lola marami ngang trabaho pero ok lang po gusto ko lang kasi personal kong sasabihin sa inyo ang pagpakasal namin ni Smart. Gusto ko pong hingiin ang kamay n'ya sa inyo lola kong papayag po kayo?
Kasal? Talaga? Totoo ba yan? Baka kinulit kalang ni Smart kaya gusto mong maikasal sa kanya?
Lola? Kong may problema ka? Wag mong idamay ang love life ko. Wala kang karapatang umayaw hindi ikaw ang ikakasal kami ni Lucas.
Babe tama na, ano ba? Lola mo yan.
Nakakainis na kasi kanina pa s'ya napaka drama pa. Kong ayaw mong sumama sa'kin sa pag-lipat ng condo ni Lucas? Ay di maiwan ka dito mag-isa.
Babe, tama na pasensya kana lola ha siguro ay wala lang sa mood ang apo n'yo. Ganito nalang babe habang nag iisip pa si lola? Syaka ka muna lilipat sa condo kapag kasal na tayo. Ok ba yon?
Sige na nga. Sige kayo nalang ang mag usap nakakawalang gana.
Uulitin ko Lucas handa ka nabang maikasal sa apo ko? Hindi na ba talaga magbabago ang desisyon mo?
Oo lola gusto ko narin bumuo ng pamilya kasama si Smart. Kong papayagan n'yo po ako? Asikasuhin ko na po ang mga kailanganin namin para sa kasal.
Ok lang naman sakin ijo!! Walang problema alam ko namang nag mamahalan kayong dalawa. Pero sana hindi mo yan pag-sisihan sa huli. Gusto ko sana bago kayo ikasal? Dapat sigurado na kayo sa isa't isa. Ang kasal ijo hindi biro malaking responsibilidad yan bilang lalaki. Dahil sa'yo naka-salalay lahat ang buhay n'yo.
Salamat po Lola! Paano po yan ako lang po ang mag isa dito sa pilipinas wala si daddy nasa hongkong pa. Hindi kasi n'ya maiiwan ang kompanya don lola, ok lang po ba?
Ok lang ijo! Andito naman ako hindi na siguro kailangan ng mamanhikan pa ang importante maikasal kayo tulad ng gusto n'yong dalawa.
Ok lang po sayo Lola? Handa naman akong mamanhikan kahit ako lang mag isa.
Ijo hindi na kayo mga bata ilang taon na kayong magkasintahan at alam n'yo na ang tungkol sa mga sarili n'yo. Isa pa kilalang kilala n'yo naman siguro ang isat-isa hindi ba?
Opo naman lola maraming salamat nga po pala sa pag-payag n'yo na maikasal kami. Kahit wala si daddy. Hayaan n'yo po pag usapan namin ni Smart sa lalong madaling panahon kong kailan ang kasal namin at kong saan gaganapin.
Sige kayo na ang bahala tungkol d'yan sige mauna na ako sa'yo ijo may gagawin pa ako.
Sige po Lola maraming salamat po ulit.
Walang anoman yon kilala na kita Lucas kaya ok lang ang lahat. Smart apo halika samahan mo dito ang boyfriend mo at ako'y babalik na sa kwarto ko.
Sige po Lola, mabuti pa nga asungot kalang sa plano ko. Bulong ko sa sarili ko habang matulis ang tingin ko kay lola Lally.
Maiwan na kita dito ijo.
Opo lola salamat po ulit.
Umalis na agad ako baka kasi ano pa masabi ko sa kanya. Hindi ako sigurado pero kawawa ka ijo kong maikasal kayong dalawa. Sana malaman mo ang totoong pagkatao ng babaeng yan! Kong alam mo lang ang pinag gagawa ng girlfriend mo sayo? Iwan ko nalang kong pakakasalan mo pa s'ya? Siguro nga ikaw pa mismo ang maghahatid sa kanya sa kulongan kong mangyari yon.
Babe ito meryenda mo salad!
Nako nag abala kapa babe pero salamat ang swerte ko naman sa magiging misis ko. Alam mo na talaga ang gusto ko at ang hindi ko gusto. Pa kiss nga!
Yon lang ba? Sige na nga mwuuhh.
Ang sarap naman non babe.
May mas masarap pa don!! Halika bilisan mo d'yan at doon natin itutuloy sa kwarto. Ipapakita ko sa'yo hindi lang ako sa halik masarap sa kama rin.
Ikaw talaga Smart pero ok narin namiss kita e. Binuhat ko s'ya pagkatapos kong iwan ang inihanda n'yang salad para sa'kin. At dinala ko s'ya sa kanyang kwarto dahil sabik narin ako sa gusto n'yang mangyari.
Hahahaha kailangan ba talaga kargahin mo ako ng ganito Lucas?
Dapat lang para makarating tayo agad sa kwarto mo. Ayaw mo ba?
Pwede narin pero bilisan mo pa baka makahalata si lola.
Ito na nga ohh pasok na tayo bilis, mag kasama na naman kami ni Smart sa kama!! Habang sarap na sarap ako sa pag-iibayo ni Smart sa'kin. Biglang pumasok sa isip ko si Scarleth. At hindi na si Smart ang nakikita ko kundi si Scarleth. Pinikit ko aking mata at muling idinilat baka kasi namalik mata lang ako. Pero sa aking pagdilat mukha parin ni Scarleth ang nakikita ko hindi ko alam kong bakit? Pero totoo ang nakikita ko si Scarleth ang kasama ko ngayon. Gumawa agad ako ng paraan para hindi makahalata si Smart sa'kin. Pinalitan ko s'ya sa ibabaw para malibang ko ang sarili ko. Kunwaring sarap na sarap ako sa pag iibayo ko dahil nakapikit pa ako. Ang totoo pala ay ayaw ko lang dumilat para hindi ko makikita si Scarleth sa katauhan ni Smart. Dumating sa puntong hindi ko na mapigilan pa kahit nakapikit ako mukha parin n'ya ang nakikita ko. Nawalan na ako ng gana sa pagkalito huminto ako at tiningnan si Smart.
Bakit ka huminto Lucas? Hoy ano ba? Singhal n'ya sa'kin.
Ahh? Wala naman pasensya kana, pagkukunwari ko.
Bakit kaba ganyan? Andito na tayo sarap na sarap ako sa pag mamaniho mo tapos bigla kalang titigil? Ano ba?
Pasensya kana may naisip lang ako e.
Puro ka nalang ganyan Lucas ha? Nakakawala ka naman ng gana. Hanggang dito ba naman trabaho parin ang iniisip mo?
Sorry na promise dina mauulit! Sige na ituloy na natin to..
Sige na galingan mo ng mawala ang init ng ulo ko.
Promise hindi na mauulit. Napa bulong ako sa sarili ko bakit ganito? Bakit mukha ni Scarleth ang nakikita ko? Bakit sa tuwing umoungol s'ya boses ni Scarleth ang ang naririnig ko? Bahala na nga baka magalit pa si Smart sakin..
Scarleth pinatawag ka ni momshe bilisan mo daw.
Bakit daw mela?
Diko alam? Puntahan mo nalang?
Sige salamat mela pupuntahan ko nalang.
Scarleth pinatawag kita dito? Dahil may sasabihin ako sayo tungkol sa nanay mo!!
Tungkol saan po?
Nasa ospital s'ya ngayon dalawang araw na.
Ho?? Bakit daw po? Anong nangyari sa kanya?
Diko alam basta yon lang sabi n'ya nasa ospital s'ya.
Momshe pwede ko bang puntahan ang mama ko?
Pwede wag muna ngayon scarleth? Marami pa tayong customer.
Pero momshe!
Scarleth yon na decision ko. Kong gusto mo sa makalawa ka nalang pupunta don.
Sige po' Sorry ma di kita masasamahan ngayon! Pasensya kana talaga mama ano ba kasi nangyari sa'yo? Bakit ka nand'yan sa ospital? Akala ko nasa casino kalang.
Bakit ka umiiyak? May problema ba?
Santa ang mama ko!
Bakit anong nangyari?
Galing ako kay momshe at sinabi n'ya nasa ospital ang mama ko. Pero ayaw n'ya akong payagan pumonta don.
Mahirap talaga yan scarleth wala tayong magawa lalo na't oras ng trabaho natin.
Bukas nalang ako pupunta pero nahihiya ako Santa baka may maka kilala sa'kin sa labas.
Wag mona isipin yon! Ang isipin mo yong mama mo. Sige na mag trabaho na tayo. Alam mo naman ang daming mata dito ni momshe.
Oo nga e sige dito lang muna ako ayusin ko lang sarili ko.
Buti pa nga.
Kinaumagahan tamang tama paglabas ko. Agad akong pumonta sa ospital at andito na ako sa labas . Kahit wala pa akong tulog ok lang basta makita ko lang si mama. Excuse me po ma'am pwede mag tanong?
Ano po yon miss?
Saan ang kwarto ni Lorna Zamora?
Kaano-ano n'yo ang pasyente miss?
Anak n'ya ako!
Ah ganon ba' Sa room 19 andon ang mama mo.
Salamat po ma'am sige po. Agad kong hinanap ang kwarto ni mama!! Sa room 19,, 15 16 17 ah yon ang room 19.. Pumasok na ako sa loob at nakita ko si mama tulog na tulog. Ilang sandali pa nakita kong gumalaw ang kamay n'ya. Mama kumosta na po kayo?
Anak? Scarleth andito kana!
Mama ok lang ba kayo? Bakit kayo nandito?
Anak ok lang si mama?
Bakit ganyan ang buhok n'yo?
Anak scarleth pasensya kana kong naging masama si mama sa'yo!
Ok lang po yon ma!
Anak matagal na ako may sakit sa kidney diko lang sinasabi sayo! Para san pa eh mawawala rin naman ako sa mundo.
Po?? Mama wag naman kayo gan'yan? Paano naman ako mama?
Anak' Pasensya kana dahil sakin naka pasok ka sa ganyang trabaho? Gusto ko lang kasi kalimotan ang sakit ko kaya nag lalaro nalang ako.
Mama naman ok lang yon sa'kin. Alam ko may gamot pa n'yan gagawa ako ng paraan para makahanap ng pera..
Anak wag na.
Mama di pwede basta babalik ako ha ipapagamot kita basta kapit kalang mag pakatatag ka! Wag mo akong iwan?
Oo anak pangako! Pasensya kana Scarleth dahil sakin naging masama ang imahe mo sa ibang tao. Dahil sa'kin wala ng mag mamahal sayo. Dahil sinira ko na ang kinabukasan mo sorry talaga anak gusto ko lang kasi kalimotan ang nararamdaman kong sakit.
" Kailangan na bang isuko ang bataan ni Scarleth upang makahanap ng pera? Oh mananatili lang s'yang takot sa mangyari dahil alam n'ya. Kapag once mawala yon sa kanya ay wala na s'yang pinagkaiba sa mga kasamahan niyang pokpok
ABANGAN..