bc

Forbidden Love Affair (The Illicit Affair Book 2)

book_age0+
232
FOLLOW
1.0K
READ
forbidden
arranged marriage
CEO
drama
bxg
bxb
like
intro-logo
Blurb

Masaya, kumpleto at masasabi nating perpekto na ng pagsasama nina Zeek at Hazel. May kanya-kanyang trabaho silang dalawa at mataas na ang kanilang posisyon. May anak na sila na ubod sa ka-kyutan , magandangMasaya, kumpleto at masasabi nating perpekto na ng pagsasama nina Zeek at Hazel. May kanya-kanyang trabaho silang dalawa at mataas na ang kanilang posisyon. May anak na sila na ubod sa ka-kyutan , magandang bahay na pinaghirapan nila mula sa kanilang ipon. At ang pagmamahalan nila sa isa't-isa na hindi matitinag na anu mang problema.

Pero may mga pangyayari na magpabago sa kanilang lahat. Ano kaya iyon at paano makakasira sa kanilang relasyon at sa kanilang pamilya?

Tunghayan muli ang buhay ni Zeek at ng kaniyang pamilya... at paano babalik si George sa kanyang buhay.

chap-preview
Free preview
FLA: Chapter 1 (Panibagong Simula)
Hazel Magbanua – Lacsamana. Ito na ang bagong pangalan ni Hazel pagkatapos magpakasal ito sa kanyang nobyo na si Zeek, mga ilang buwan na din ang nakalipas. Nanganak na siya sa isang malusog at napaka-cute na baby boy, na si Jayson Magbanua – Lacsamana o tawag nila sa palayaw na Ace. Limang buwan na siya ngayon at mahal na mahal siya ng lahat lalung-lalo na ang kanyang lola na si Vivian. Hindi kasi umaalis si Baby Ace sa tabi ni Vivian dahil parati siyang iniiwan sa lola. May mga trabaho kasi ang kanyang mga magulang at wala na silang oras na alagaan ito. “Cookie...?” tawag ni Hazel sa kanyang asawa habang nakaharap ito sa malaking salamin sa kanilang silid. Tinitignan niya kasi ang kanyang mga stretch marks sa kanyang tiyan. “Yes...?” sagot naman ni Zeek sa loob ng banyo. “Punta ka nga dito, Cookie. May ipapakita ako sa’yo” “Saglit...” at magkalipas ng ilang sandali ay lumabas na nga si Zeek sa banyo at pinuntahan ang asawa sa harapan ng salamin “Oh bakit, Berry?” “Hindi ba pangit?” “Ang alin?” “Ito oh...” turo niya sa mga marka niya sa tiyan “Mga stretch marks na ‘to” “Hindi naman. Sino ba ang may sabi na pangit yan?” “Ako siyempre. Sobrang pangit kaya” pag-iinarte niya sa asawa “Cookie. Ang pangit-pangit ko na talaga oh” iyak niya ng parang baby. “Ano ka ba, Berry. Hindi ka pangit noh. Maganda ka, okay?? Normal lang siguro yan dahil nagka-anak ka, at lumabas diyan sa sinapupunan mo ang napaka-gwapo nating anak na si Baby Ace” “Alam ko naman yan, Cookie. Pero parang hindi kasi ako ‘to eh” Huminga ng malalim si Zeek at niyakap ang asawa para mawala ang lungkot nito. “Kahit ano man ang maging mukha mo, Berry. Mahal na mahal kita. Tandaan mo yan” “Promise mo yan ah?” “Oo naman. Promise” “Sige...” biglang ngumiti si Hazel at hinalikan ang kanyang asawa sa labi “Salamat dahil andiyan ka parati para mapagaan ang loob ko” “Of course. Anything para sa reyna ng buhay ko” halik muli ni Zeek kay Hazel “I love you” “Mahal din kita” sagot naman ni Hazel “Oh sige na, Cookie. Pumasok ka na sa trabaho mo. Baka ma-late ka na” “Sige. Mag-ingat ka dito ha. Oo nga pala, anong oras ba ang pasok mo Berry?” “Day-off ko ngayon, Cookie. Baka nakakalimutan mo” “Ay oo nga pala. Sorry nakalimutan ko” sabay ngiti niya sa asawa “So pano, alis na ako ha. Ba-bye” “Bye. Ingat ka” “Ikaw din Berry. Sabihin mo na lang kay Mama na umalis ako ng maaga” “Okay Cookie. Ako ang bahala” *** Samantala. Sa bahay ni George at Anthony. “Good morning babe” halik ni Anthony sa kanya sa kama “Galit ka pa rin ba sa akin?” pero hindi sumagot si George at bumangon na lang ito sa kanyang kama “Uy babe...” “Tigilan mo muna ako, Anthony. Huwag mo muna akong kausapin” “Galit ka pa rin ba?? Parang ganon lang, ganyan ka na magalit sa akin” “Bahala ka nga” at tumayo si George sa kama at nagtungo sa banyo. Hindi manahimik si Anthony dahil sa nangyari kagabi na away nilang dalawa. Sinundan niya si George sa banyo para kausapin ito. “Babe... bakit hindi mo ako kinakausap ng maayos?” “Huwag kang makulit. May trabaho pa ako” sagot niya habang hinuhubad niya ang kanyang mga suot at pinihit ang shower “Mamaya na tayo magusap” “Sige. Ikaw ang bahala” tanging sagot ni Anthony at lumakad palabas ng banyo. “Teka...” sabat ni George at pinigilan siya sa kanyang paglabas. Napahinto naman si Anthony at tumingin muli sa kanya “Gusto mo ba talagang malaman kung ano talaga ang nararamdaman ko sa’yo...? Ang totoong dahilan kung bakit galit na galit ako?” “Oo naman. Sabihin mo sa akin para naman mai-tama ko ang ano man ang pagkakamali ko sa’yo” “Yan. Diyan ka magaling. Ang pagmamakaawa mo at parang ikaw ang lumalabas na biktima” “What do you mean?? Hindi kita maiintindihan” “Alam mo, simula nung nagkabalikan tayo two years ago, malaki na talaga ang pagbabago mo” panimula ni George habang hubo’t-hubad ito habang kinakausap niya si Anthony “Hindi na kita kilala. Parang ibang tao na ang kaharap ko ngayon” “Hindi kita maiintindihan babe” “Hindi mo ba talaga ako naiintindihan...? O sadyang dine-deny mo lang?” sagot niya “Oh sige. Sasabihin ko na lang if you’re playing dumb.... sige... let’s start nung hindi mo pagsabi sa akin na may naging karelasyon ka pala na ginamit mo... sino ba yun...? Si Mike...?” “Ilang beses ko bang pinaliwanag sa’yo na nakalimutan ko lang sabihin sa’yo. Besides, hindi naman siya importante eh” “Yun nga eh. Ginamit mo siya” pagdidiin ni George sa kasalanan niya “Ginamit mo ang feelings niya. Para ano?? Para mag-move-on lang dahil sa akin...?” “Oo. Tama ka” pag-aamin ni Anthony at doon na bumagsak ang kanyang luha nung inaalala niya ang nangyari sa kanya noon “Pero hindi mo lang alam kung ano ang naramdaman ko noon nung nagkahiwalay tayo. Muntik na ako mabaliw at magpakamatay nang dahil sa’yo...” “Pero mali pa rin na ginamit mo siya. Sobra mo siyang nasaktan. Kitang-kita sa mga mata niya at nararamdaman ko sa bawat salita na lumalabas na mahal ka niya” “As I said, wala na akong pakialam sa kanya” dugtong ni Anthony habang tumutulo ang luha niya sa galit “Galit na galit ako sa kanya dahil pinahiya niya ako ng kanyang tito sa maraming tao” “Ikaw lang naman ang nag-umpisa nun diba? At ikaw ang may gusto na sumama sa akin kahit hindi ka imbitado. Para ano?? Para maranasan mo ang pagiging marangya..?” “Shut up. Alam mo na hindi ako ganyan” tanggol ni Anthony sa kanyang sarili “At bakit ba ganon ka lang ka-affected sa Mike na yon...?? Bakit?? Gusto mo siya...?” “Huwag mong ibalik sa akin ang pinaggagawa mo, Anthony. Hindi ako ang issue dito... kundi ikaw” balik niya “Pinapaalam ko lang sa’yo ang mga ginawa mong nagpabago ng pakikitungo ko sa’yo” “Seryoso ka...?? Ang tagal-tagal na nun. Yan pa rin ba ang issue mo?” “Hindi. Meron pa. Sa loob ng dalawang tao nating pagsasama ngayon, marami ka pang nagawa na nagpapabahala sa akin. Hindi ka na talaga ang dating Anthony na nakilala ko noon at minahal ko” “Babe. Ano ka ba. Ako pa rin ‘to. Si Anthony na nagmamahal sa’yo” at lumapit siya kay George sa loob ng shower “Hindi ako nagbago” “Sana nga...” sambit ni George “Sana nga totoo lahat ng mga sinasabi mo... kasi parang iba ka na talaga. Sa totoo lang?? Gustong-gusto na kitang iwanan... pero pinipilit mo pa ako na manatili sa buhay ko. Pero ito ang pakatandaan mo, sa susunod na gagawa ka pa ng hakbang na hindi ko magugustuhan, pasensiya na lang” sabay tingin niya kay Anthony na nanlilisik ang mga mata “Sige na. Lumabas ka na dahil maliligo na ako” *** Dakong alas-diyes ng umaga nang makarating si George sa kanyang opisina sa The Deluxe Suites Hotel. Dalawa ang kanyang opisina; ang una ay nasa kanyang hotel at ang pangalaw naman ay nasa Dy Group of Companies (DGC). Nang pag-upo niya sa kanyang upuan sa opisina niya ay sakto din may biglang pumasok. “Knock...! Knock...!!” sambit ni Bek patungo sa kanyang dating asawa. “Oh Bek. Bakit ka nandito?” tanong niya kay Bek at kumuha ng isang baso na alak sa office table “May problema ka?” “Hmmmm. Wala naman. E ikaw? May problema ka ba?” “Wala din naman” “Talaga?? E bakit ang aga mong umiinom ng alak?” “Wala naman ‘to. Pampagising lang. Wala naman masama diba?” “Meron. Kapag may problema ka...” at umupo ito sa bakanteng upuan at tumingin kay George “Meron ba...?” Napasinghap si George sa sinabi ni Bek at humigop ng alak sa kanyang baso. “Nonesense. Bakit mo ba binibigyan ng dahilan ang mga ginagawa ko...?” “Kasi kilalang-kilala kita, George. Remember?? Naging asawa kita?” paalala nito sa kanya “Alam ko lahat ang mga kilos o galaw mo. Kapag masaya ka... kapag may problema ka. Kaya huwag mo na akong gawing tanga” “Oh sige...” buntong-hininga ni George at inilagay ang baso sa mesa “Huli mo na ako. Panalo ka na” “See.... sabi na eh” ngiti ni Bek “So tell me, George. Ano ba ang problema mo ngayon?” “Kay Anthony” “Anthony?? Sa partner mo ngayon? Bakit? What about him?” “Kasi parang hindi ko na siya kilala. Hindi na siya ang dating Anthony na nakilala ko noon” kuwento niya kay Bek “Parang iba na siyang tao dahil ang laki na ng pinagbago niya” “Well George. Lahat naman ng mga tao ay nagbabago...” dugtong ni Bek sa dating asawa “Tulad ko, ang laki ng pinagbago ko ngayon kasi hindi na ako nababaliw sa’yo dahil tanggap ko na na hindi talaga tayo para sa isa’t-isa” “I’m happy to hear that, Bek. Pero iba si Anthony eh. Iba na ngayon ang ugali niya, simula nung pinahiya niya ang kanyang ex sa maraming tao. Hindi siya ganyan noon eh. Nagulat talaga ako” hindi napigilan ni Bek ang sarili kundi tumawa na lang sa kuwento ni George. Nagtaka naman siya kung ano ang nakakatawa at kaagad niyang tinanong ito “Anong nakakatawa sa sinabi ko...? Hindi hindi naman ako nagpapatawa eh” “I know...” ngiti ni Bek “Nakakatawa lang kasi noon na akala ko ay magkakatuluyan talaga kayo ni Zeek pero naghiwalay pa rin kayo. Naalala ko yung mga araw na grabe ang pagtatanggol mo sa kanya dahil sobra mo siyang mahal... pero ang ending... bumagsak ka pa rin kay Anthony” sabay tawa ni Bek “Akala ko rin eh” buntong-hininga ni George “May pangyayari kasi sa aming dalawa na hanggang doon na lang ang aming relasyon” “How sad. Pero mahal mo pa rin siya?? O wala na talaga?” “Sa totoo lang?? Minahal ko si Zeek... at hanggang ngayon ay hindi pa rin magbabago iyon” “So what are you waiting for...?? Iwan mo na si Anthony at balikan si Zeek. Huwag mong sayangin ang pagsakripisyo ko sa marriage natin na mapunta naman sa maling tao” “Ang hirap Bek eh” “Why..?” “Kasi masaya na siya ng asawa niya. At nang anak nila” “Sus. Edi iwan niya ang babae. Katulad nung pag-iwan mo sa akin noon” “Iba naman ang kwento nila kesa sa kwento natin, Bek” dahilan ni George “Ipinaglaban ko siya noon dahil mahal ko siya. Pero iba ang mahal niya. Si Hazel. At masaya na ako ngayon dahil masaya siya” “Oh well. Ikaw ang bahala. Pero basta, mas boto pa rin ako kay Zeek kesa kay Anthony na yan” pero hindi sumagot si George at tinignan niya lang ang dating asawa “Oh. Bakit ka ganyang makatingin sa akin?? Don’t tell, nagugustuhan mo pa rin ako” “Hindi. Sobra ka talaga” ngiti ni George sa biro ni Bek “Nakatingin lang ako sa’yo dahil sobrang laki na ng pinagbago mo, Bek. Sobrang bait ka na ngayon at supportive sa akin” “Sus. Yan lang naman pala. Kasi nga diba.... I’m over you... at tanggap ko na hindi na talaga tayo magkakatuluyan. Kontento na ako ngayon sa buhay ko” “Salamat ulit Bek” “You’re welcome” ganting ngiti ni Bek sa kanya “Oh pano, balik na ako sa opisina ko. May gagawin pa ako...” tumayo si Bek sa kanyang inuupuan at lumakad palabas ng opisina niya “Sige..” sagot din naman ni George at sabay kuha ng baso niyang may alak at inubos ang laman nito “Bye....” huling sabi ni Bek bago sinara ang pintuan. *** Samantala. Inaanyaya ni Anthony ang kanyang kaibigan na si Grace na magkape sa isang coffee shop dahil wala itong magawa sa bahay nila ni George. Pumayag naman si Grace na magkita silang dalawa para naman makapag-usap ng masinsinan. “Hay sa wakas” buntong-hininga ni Anthony habang nakita niya si Grace na kakarating lang “Dumating ka rin. Bakit ang tagal mo?” “Sorry baks. Naglaba pa kasi ako eh” at umupo siya sa bakanteng upuan “Teka. Nag-order ka na ba?” “Wala pa nga. Hinihintay kita dahil ikaw ang manglilibre sa akin” ngiti ni Anthony sa kaibigan “Ganon?” taas ng kilay ni Grace “Ikaw ang nag-invite na mag-kape tapos ako pa ang manglilibre sa’yo?? Galing mo din noh?” “Sorry na baks. Wala kasi akong pera ngayon eh” paliwanag niya sa kaibigan “Nag-iipon kasi ako. May bibilhin kasi ako eh” “Naku. Yan ka naman parati eh” “E ikaw muna ang taya baks. Promise. Bawi na lang ako kapag may pera ako” “Haaay. Ano pa nga ba” buntong-hininga ni Grace “Eh kamusta ka na?? Anong ganap natin..?” “Wala nga eh. Boring nga sa bahay namin ni George” “E bakit hindi ka maghanap ng trabaho...?” “Hay naku baks. Kung alam mo lang. Ilang beses na akong naghanap ng trabaho” “Ganon?? E bakit hanggang ngayon ay tambay ka pa rin? Don’t tell me, nagpakasasa ka na sa yaman ng boyfriend mo noh?? Kamusta ang bank accounts niya, baks? May nakuha ka na bang pera??” “Gaga ka ba?? Hindi ako ganong tao noh” kunot ng noo ni Anthony “Hindi ako makapasok sa trabaho kasi parang sinasadya” “Sinasadya?? What do you mean?? At sino naman ang sumasadya yan?” “Kasi nga Tito ng ex ko si Jeffrey Dy. Alam naman natin na majority ng mga negosyo dito ay nakapangalan sa kanya. Idagdag mo pa si ex at ang hawak niya ding mga kumpanya” “Ahhh. Yan pala ang dahilan. E kasalanan mo din kasi baks” “Alam ko naman yun. Alam ko na may kasalanan akong nagawa kay Mike na yan. Pero naman, bigyan naman nila sana ako ng pagkakataon na magbago at huwag nila sanang sirain ang buhay ko. Bigyan nila ako ng trabaho” “Pero kung sa bagay, tama ka. Sumusobra na talaga ang mga mayayamang Intsik na yan eh. Kung makapag-hari at mag-kontrol ng mga buhay ng mga Pilipino dito sa Pilipinas, akala mo sa kanila ito” pagsang-ayon ni Grace “Pero baks. Kung hindi ka makapasok at makahanap ng trabaho, bakit hindi mo subukan kay George na mag-apply...?” “Sa kanya...? Okay ka lang...? Ayaw ko nga noh” “E bakit naman? Mag-partner naman kayo diba?” “Ayoko. Oh sige, kung doon ako mag-apply at makapasok nga ako dun. Sandamakmak namang tsismis ang masasabi at maririnig ko dahil ang rason lang na nakapasok ako ay boypren ko ang may-ari. Hindi ba masamang pakinggan yon?” “Hindi kaya, qualified ka naman siguro sa posisyon na a-applyan mo” “I don’t think so. Kahit ano naman ang gagawin ko na mabuti, ako pa rin ang lumilitaw na masama. So why bother?” Natahimik na lang si Grace dahil nasa punto naman ang kanyang kaibigan. Huminga muna siya ng malalim bago siya napaisip ng kanyang isasagot kay Anthony. “Kung sa bagay, tama ka. Wala ka namang choice at magpapaalaga ka na lang kay George” buntong-hininga muli ni Grace “Pero baks, sana ituloy mo pa rin ang paghahanap ng trabaho ha. Ikaw kasi eh. Sa lahat ng mga lalaki na pwedeng irelasyon, sa mga mayayaman ka pa talaga pumatol” “E hindi ko naman sinasadya yon. Lalung-lalo na kay Mike. Hindi ko naman alam na negosyante ang tao” tanggol ni Anthony sa kanyang sarili “Hindi halata kaya, sobrang low-key niya” “DUH!! He’s Michael Teng. Hindi mo kilala?” “As a negosyanteng mayaman?? Hindi” sagot niya sa kaibigan “Basta. Ang gulo-gulo na ng buhay ko, baks. Tapos idagdag pa ‘tong si George” “Oh bakit?? Nag-away ba kayo...?” “Hindi eh. Wala naman kaming pinag-awayan. Pero parang nagagalit siya sa akin and he’s cold na for these past few days” “Baka may nagawa o may sinabi ka na ikinagagalit niya” “Hmmmm. Parang wala naman” habang inaalala niya ang kanyang mga nagawa o sinabi “Except lang yong pinahiya at pinagalitan ko si Mike noon. Diba sobrang tagal na yon? It was two years ago pero parang hindi pa siya nakapag-move-on doon” “Oo nga. Sobrang tagal ng isyu na yun” dugtong naman ni Grace “O baka naman naghahanap lang siya ng dahilan” “Dahilan...? What do you mean, baks?” “Dahilan... para mag-away kayo. Kasi baka may nakita na siyang bago” “Parang hindi naman. Sobra ka naman, baks” “Isipin mo ‘to ha. Gumagawa lang siya ng rason para magalit siya sa’yo at para mag-away kayo. Kahit ang sobrang tagal na isyu ay pinapalala niya para lang mag-away kayo... pagkatapos nun, hiwalayan. Para malaya na siya sa bago niyang relasyon” paliwanag ni Grace sa kaibigan. Itutuloy...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Forced To Have The Alpha's Baby

read
2.4M
bc

Sold to the Billionaire Alpha

read
1.7M
bc

My Miracle Luna (Complete)

read
12.0M
bc

Their Gemini Wolves

read
1.7M
bc

Desert Nightmare (Book 3 to Desert Series)

read
1.2M
bc

My best friend and his brother

read
369.7K
bc

The Lycan Prince's Huntress

read
866.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook