GAEL’S POV Nang makarating kami sa kotse ay doon ko lang inilabas ang folder na itinago nit Karishma. Habang abala si Karishma sa pagliligpit ng iba pang mga folders at libro ay kinuha ko mula sa aking bag ang folder na ipinalagay nito. Hindi ko alam kung ano ang laman niyon pero may nag- udyok sa akin kanina na ilipat ito ipinasok ko ang folder sa aking damit saka inipit sa aking pantalon. At dahil nakasuot ako ng coat ay hindi ito masyadong halata. Bakas sa mukha ni Karishma kanina ang kaba nang ipabukas ni Agatha ang aking bag at nakahingahinga ng maluwag ang dalaga ng makitang hindi ito nakuhha ni Agatha. “Oh” sabi ko at ibinigay kay Karishma ang folder,medyo basa iyon dahil sa pawis ko kanina dahil sa sobrang kaba. Nagningning ang mga mata nito ng makita iyon at sa labis na tuwa ay

