GAELS POV [Gael, isa yan sa dahilan at hindi ako pinapatulog ng aking konsensya. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanila at ano ang ugnayan ni Ate sa mga Weitzner at kung bakit kailangan niya gawin ang mga bagay na iyon. Nag- iisang pamilya ko na si Ate, Gael at alam kong hindi matatahimik sina Papa kung alam kong hindi ko pinigilan si Ate sa pagtahak sa maling landas] muli nitong sabi.. Hindi ako muling nakapagsalita dahil sa sinabi nito. Matagal ko ng kakilala si Mara at mas lalong kakilala ni Ate Rhea pero ni minsan ay hindi ko pa nakitang pumunta ang ate niya o dumalaw man lang sa kanya. [Gael, pakisabi kay Miss Karishma na humihingi ako ng tawad sa kung anumang kasalanan ang nagawa ni ate sa kanyang pamilya pero handa akong tumulong kung sakaling kailanganin niyo ng tulong.

