GAEL’S POV Muntik na may mangyari sa amin ng apo ni Kamila, mabuti na lang at napigilan ko pa ang aking sarili pero aaminin ko na kaunti na lang ay madadala na ako sa init ng aking katawan lalo na ng dumampi ang kanyang su/so sa aking hubad na dibdib. Hindi ko mapigilan ang pag-init ng aking katawan. Nagdesisyon akong maagang umalis sa bahay ng mga Weitzner. Sakto naman na paalis na ako ng lumabas si Kamila kaya hinatid niya ako sa Terminal ng Bus. “Gael..Gael!” tawag sa akin ni Mara. Napakurap ako at saka tumingin dito. “Tulala ka na naman, Gael. Alam mo, simula ng dumating ka galing Maynila ay parati ka na lang. Ano bang nangyari sa iyo doon?” tanong ni Mara. “Wala ito” kaila ko at lumayo rito. Nababaliw na yata ako kung pati si Mara ay nakakahalata na sa pagiging lutang ko.

