KARISHMA'S POV Kahit lasing kagabi at masakit pa ang ulo ay mas maaga pa kesa pangkaraniwan ako nagising ngayong araw. Naiinis ako, isipin palang na magiging lolo ko siya but at the same time ay excited ako na palagi siyang makita. It's just our second time to meet each other Pero iba na kaagad ang nararamdaman ko rito. Bumaba ako sa kusina ngunit wala ito roon, maging sa sala at garden ay wala ito. "Rona, nasaan na yung kasama ni Mamita kagabi?" tanong ko sa kasambahay na nagluto ng almusal. "Maaga po umalis ma'am." "Si Mamita? Nasaan?" "Magkasama po sila,Ma'am." Nakagat ko ang aking kuko dahil sa sobrang inis. Ngayon lang ako nagising ng maaga Pero hindi ko pa ito naabutan. Bagsak ang balikat na bumalik ako sa aking kwarto at muling nahiga sa aking kama. Ilang minuto rin akong

