Chapter 1.
"Pwede ba!? Bitawan mo nga akong panget ka!" Inis na tinulak-tulak ko sya papalayo sakin pero ang Animal! May pa nguso-nguso pang nalalaman.
"Eh! Bakit ba? Gusto ko lang naman umangkla sayo eh.." Parang tangang sabi nito. pano ba naman hindi sya magmumukhang tanga? Eh may pa beautiful eyes pa ang gaga.
Nginiwian ko sya tsaka binatukan. "ARAY! huhuhu~ It really hurts ang mag mahal ng ganito ~" Namilog ang mga mata ko dahil sa kinanta nya.
"Aba't G*go ka ah!" Akmang babatukan ko nanaman sya ng mabilis syang sumiksik sa Panget nya ring jowa! Sanaol!
"Babe~ Sasapakin ako ni Zeina oh~" Sumbong ng gaga kaya mabilis na dinuro ko sya ng samaan ako ng tingin ng panget nyang jowa!
"Hoy! gaga ka ah! Ano sapak!? Bobo! batok yun hindi sapak! bobo ng animal na to.." Sabi ko tsaka pabalang na binulong ang huling salita.
"Hoy! Zei narinig ko yun ah!" Singhal ng jowa nyang panget! mabilis akong napa takip sa ilong.
"Yuck! Di ba uso sayo ang toothbrush? Tsaka weng!? natitiis mong laplapin yang jowa mong mukhang drugpusher? ni hindi nga nag totoothbrush yan!" Diring-diring sabi ko.
Parehas nila akong sina maan ng tingin pero irap lang anb iginanti ko, Eh sa nag sasabi ako ng totoo eh!
"Zei! inggit kalang! kasi kahit ano pang ganda at pananamit mo ng mga masesexy walang pumapatol sayo! dahik dyan sa ugali mong demonyita!" Napa taas ang kilay ko.
"Sexy? Ulol kaba? Sexy nayung simpleng dress na hanggang taas ng tuhod ko-" Natigilan ako sa pag sasalita kung pag sasalita na ngabang matatawag dun.
Napa titig naman sila sakin ng naka kunot ang noo. Napa ngisi ako ng ma realize ang sinabi ni Weng. "Nginingisi mo jan?" Nahihintakutang tanong ni Kokoy.
Umupo ulit ako tsaka ng cross leg at nag cross arm din sa ilalim ng dibdib ko. Masyado itong malaki pero wala akong pake.
"Thank you for your compliments Weng, Di ko akalaing sexy at maganda ako sa paningin nyo*Chuckled*" Sabi ko habang bukubungisngis.
Eh..sa nakaka tuwa lang! Sexy daw kasi ako at maganda Grabe! Napa tingin na pati ang ibang nasa loob ng room.
Yeah asa loob kami ng room! Kasi may pasok kami. Tinignan nila ako ng parang tanga pero pinanlakihan ko lang sila ng mata ko.
"Haluh sya..feelingera"
"Grabe..pero may point naman sya, ang kaso lang yung ugali nya ang malala"
"Oo nga kaya walang nag tatangkang ligawan
sya"
"Duh, mas maganda parin ako"
Bulungan nila pero di ko nalang pinansin. T*ng*na, mag bubulungan na ngalang rinig ko pa mga bobo!
"GOOD MORNINGGG! OH KAMUSTA ANG MGA PUDAY AT ETITS NYO MGA-ARAY! inaano ka ba jan!?"
Mag sasalita pa sana ako ng marinig namin ang Nag iisang reyna ng mic! Kaya nadako lahat ng pansin sa pinto.
Wag nyo nang tanungin kung bat "REYNA NG MIC" ang tawag namin sakanya, halata naman eh..Makapal pa mukha ng gaga.
"Bunganga mo! Ang aga-aga ini-on mona agad yang mic sa ngala-ngala mo! tsaka anong sabi mo? Puday at Etits? Mahiya ka nga!" Saway sakanya ni Jace.
Napa nguso naman si Shaina dahil dun. Sa totoo lang mag jowa rin yan eh..ewan ko nga kung pano nagka tuluyan yan. Ang laki kasi ng pinag kaibi ng ugali sa idealtype si Shaina.
Maganda nga sya pero over to the mic naman ang bunganga nyan, si Jace naman mala angel! As in OO napaka bait nyan at mahaba ang pasensya.
Pero minsan sinusumpong rin ng kag*gohan yan. "Sorry na honey~" Napa ngiwi ako. Saming limang mag kaka ibigan ako lang ang nag iisang walang bebe!
Tsaka wag nyo kong tawanan! wala rin naman kayong bebe noe! "Ehem" Napatingin kami sa pinto ulit.
Mabilis namang nag si ayusan at nag sibalikan sa mga upuan ang mga kaklase namin pati yung dalawang mag jowa na si jace at shaina ang bilis maupo sa upuan.
Pumasok naman ang may panot naming teacher na si sir Don. Humarap ito samin ng seryoso ang tingin.
"Morning,So..our discussion is about of Cancer" Panimula nito bago ipinag patuloy ang pag sasalita "It's a common myth that injuries can cause cancer. But the fact is that falls, bruises, broken bones, or other such injuries have not been linked to cancer. Sometimes a person..Blah..blah..blah.."
Marami pa syang sinabi na hindi kona pinakinggan pa. Iniisip ko kasi kung bat wala pa akong jowa! nakaka inis! Sayang ang ganda ng hubog ng katawan ko at ang ganda ko kung wala namang lalaking gustong pumatol sakin!
"So..Ms.Asteria give me an example about of the cancer" Nabalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang magandang surename ko.
"Ako ba panot-E-este..Sir?" tinuro ko pa ang sarili ko habang mukhang tangang naka tingin sakanya na salubong ang kilay.
"May iba pabang Asteria bukod sayo?" Sarkastikong sabi ni panot! Kapal ng mukha! akala mo ikina tubo na ng buhok nya yan sa panot nya hindi naman!
"Wait lang sir" Sabi ko tsaka tumayo.
"Bakit? anong gagawin?" Kunot noong tanong ni panot pati ang mga kaklase ko eh takang naka tingin sakin.
Ganda ko sheyt! "Diba sabi mo mag bigay ako ng example ng cancer?" sabi ko, tumango naman ito sakin "Yun naman pala! Ito na nga mag bibigay ako ng sample. teka lang kukunin ko lang ang lata rito sa bag ko pano-Sir" Sabi ko.
Hinalungkat ko ang bag ko, meron kasi akong naitabing lata rito kanina eh...asan nabayon..Ayun! Ngiting-ngiti akong tumingin kay sir.
Lumapit ako sakanya tsaka iniabot ang lata. Nag tataka naman nya itong kinuha. "What's this?" Tangang tanong nya.
"Boba lang sir? malamang lata ano paba yan?" Sinamaan ako nito ng tingin kaya nag peace sign ako.
"So! Ayun nga sir ito ang halimbawa ng cancer. Itong hawak mo sa english ay CAN at ikaw naman sir ay katunog ng SIR ang CER, So...ayun nga sir..ang halimbawa ko" Proud ko pang explain sakanya.
Malakas na nag tawanan ang classmates ko na ikina pag taka ko. Haluh? Bakit sila tumawa? Teka baka mamaya may nadapa sa labas kaya natawa sila...sayang di ko nakita.
"Ms.Zeina lee Asteria!!!"