Mabilis at wakang humpay akong nag tatatakbo palayo sa lalaking kanina pa ako sinusundan! Tangina! alam ko talagang yung lalaking yun ang may pakana nun eh!
Ano bang problema nya!? Di porque nasakal ko lang sya doon sa bwiset na eroplanong yun eh galit agad sya!? Kasalanan din naman nya eh! Bat kasi nandun sya sa tabi ko?
Mabilis akong nag tago sa isang eskinita nag sumisik ako sa Drum ng tubig. Habol-habol ko ang hininga ko dahil sa kakapusan ng hangin!
Maya-maya pa ang naririnig ko mga mabibigat na yapak ng paa nya kaya napa takip ako sa bibig ko. "f**k! Where did she go?" Rinig ko pang bulong nya kaya naman mas nag sumiksik pa ako sa kina tataguan ko.
Kahit gwapo pa ang boses nya eh..sorry sya hindi ko parin balak lumabas dito! Nakaka inis! Isang linggo narin ako nyan sinusundan kahit san pa ako mag punta!
Oo sa mga naka lipas na araw ramdam ko talagang may sumusunod sakin! Bawat galaw ko rin! Kaya hindi kona natiis pa! At ito na nga! Tinataguan ko yung Punyetang yun na pinadala ng demonyong lalaking yun para matyagan ako!
Kilala kona ngayon ang lalaking yun! Kilalang-kilala pala sya sa buong mundo! Idk why? Pero nung malaman kong Isa syang Mafia doon ako naka ramdam ng subrang kaba!
Masyado kasi akong enteresado sa lalaking yun kaya ginawa kona lahat para ungkatin kung ano pang meron sakanya maliban sa isa syang Sikat na Businessman.
Doon ko nakita ang kaka kurampot na impormasyon tungkol sakanya 'Mafia' Tangina! Yan lang yung nakalagay na kaka kurampot! Bitin tuloy!
Tsaka duh! Una di ko alam yung meaning ng Mafia eh pero dahil curious ako ayun! Hehe...sinearch ko sa google kung anong meaning ng Mafia And then ka boom! Dun na ako nilukob ng kaba!
Naka hinga ako ng maluwag ng maramdaman kong wala na sya kaya bahagya kong sinilip iyon, Nang mapag tanto kong wala na sya ay dali-dali na agad akong tumayo ng maayos.
"Ha! Akala nya mahahabol nya ako ng ganon-ganon nalang? Pwe! Asa sya!" Sabi ko. Hehe baliw na kung mukha man akong baliw sa paningin ng iba basta! Proud akong hindi ako nahabol ng tauhan ni Damon! or should I call him a Demonyo!
Pinagpag ko pa ang nagugusot kong Uniform dahil dapat papasok ako ngayon eh, kaso nga alam nyo na! Habulin ako ng mga lalaki kaya ito nag tatago ako hihihi.
"Men! Hahaha! Bobo naman pala yun! Nihindi manlang ako nahanap? Tsk. tsk. tsk. Masyado rin akong maganda para habulin nya-" Natigilan ako sa pag sasalita ng maka ramdam ako ng maraming presensya.
"What did you say?" Nanigas ako sa kina tatayuan ko dahil sa Galit nyang boses! Yung lalaking sunod ng sunod sakin! Ngayon nandito sa likod ko! Punyeta!
Dahan-dahan akong humarap sakanila at napa kurap-kurap pa ako ng makita ang gwapo nya ring mukha! Waahh! eng wefu pele~
"A-ah..Huh? A-anong sinabi ko? w-wala akong sinabi ah" Pag sisinungaling ko pa habang panaka-naka akong napapa tingin sa likuran nya kung nasaan ang mga di yata bababa sa sampu! Pota!
Tumaas naman ang kilay nito tsaka humalukipkip na pinaka titigan ako. Tagos sakin yung mga titig nya! Parang pati loob ko kinikilatis amp! Manyak!
"S-sigeh! May pasok pa ako eh! B-babye-"
"Hindi ka makaka takas" Natigil ako sa balak kong pag alis ng marinig nanaman sya! Bwiset! Ano daw? Tatakas? Bobo amp! Sayang gwapo sana eh.
Nginiwian ko syang nilingon "Hindi ako tatakas bobo! May pasok nga ako diba? Di mo ba ako naintindihan? Pasok! Pasok sa Skwelahan!" Medyo malakas ang pag kaka sabi ko non.
Nag salubong ang kilay nito kaya naman napa lunok ako, T-teka...galit bato? "I'm not stupid as you're Ms.? Alam kong hindi kana papasok sa skwelahan nyo at alam ko ring bina balak mo nang umalis dito sa maynila right? You want to scape from our boss because you're afraid of him right? So..tell me? Am'I right?" Napa lunok ako nang Sunod-sunod dahil sa mga sinabi nya!
Mahilig ata sya sa 'Right' Dahil puro may right yung mga pinag sasabi nya. Pero...Pano nya nalamang bina balak ko nang lumuwas ulit papuntang probinsya!?
Nag lilikot na ang mata ko kung saan ko ibabaling dahil sa kabang lumulukob sakin ngayon! Shet! Bat ngayon pa?
"Silent is Yes, Take her" Mabilis akong napa baling sa mga kasama nyang mga lalaking may mga dalang baril! Waahhh!
"T-teka! b-bitawan nyo ko!" Nag pumiglas ako sa pag kaka hawak ng mga damuhong to habang hina hatak nila ako pasakay ng Van!
"W-woy! Bitaw sabi eh!" Sigaw ko nanaman "Sabing bitaw! Ang panget mo para humawak sa maganda kong braso! Ikaw rin! Bitawwww~" Napa kanta pa tuloy ako sa huling salita dahil sa Kaba! Naman oh!
"Do'it Fast! Take her in!" Sigaw nanaman nung gwapo na balis namang sinunod ng mga gunggong! Balak ko sakanang humingi ng tulong ng mabilis nilang natakluban ang bibig ko!
"Hmpp!!! Hmmmmmmppp!!!!" Pilit kong tili pero ang mga gago! Ang lalakas! Pesteee!!! Walang pasabing tinulak nila ako papasok dahilan ng pag kaka sub-sob ng nguso ko sa upuan!
"Pak shet! Ano ba! Bat ka na nunulak ng dyosa!?" Inis na sigaw ko sa panget na tumulak sakin! "Pwe! Ang baho rin ng kamay mo!" Diring sigaw ko nanaman.
"Manahimik kang babae ka! Boss! pigilan mo ako boss! Ma sasapak ko tong babaeng to!" Parang akala mo iiyak na si panget dahil sa lukot na lukot nyang mukha! HAHAHA!
"Gusto mo yatang mapunta sa impyerno? kapag nalaman ni Damon yan" Chill na pag kaka sabi yon ni Gwapo habang prenteng naka dekwatro pa at nag titipa sa cellphone.
"Sabi ko nga boss Hindi" Bawing sabi ni panget! ha! Takot pala eh! Pero waahhh! Saan ba nila ako dadalhin!? '
'Obviously self! Malamang dun sa demonyong lalaking yun ka dadalhin! Boba talaga'
Napa ngiwi pa ako, Pati ba naman sarili kong utak sina bihan akong boba? Ang bad ah! Napa nguso tuloy ako. papatayin naba nila ako?
Bigla akong naka ramdam ng hilo ng bigla ba namang ilapat sa ilong ko yung panyo dahilan para malanghap ko yun!
Hindi agad ako naka palag ng unti-unti nang napapa pikit ang talukap ng mata ko. JUSKO!
And everything went black...