Jessie / Azul Healer

1040 Words
" Good Morning World!!!! " masayang bati ni Jessie sa hanging. good mood ang dalaga. Maganda ang gising nya dahil napanaginipan nya ang main character sa Movie na pinanood nilang magkakaibigan. Mabuti na lang at walang alarm clock na nag pa spoil ng kanyang panaginip dahil Linggo ngayon. Kung pwede nga lang di na magising . charot! huwag naman sana! "Hoy Bruha! ang ingay ingay mo"  Biglang sulpot ng kanyang ina na ikinagulat nya. " Ma naman, ang aga aga bruha tawag mo sa akin. Sabi nila , sa mata ng magulang maganda ang anak!" wika ni Jessie sa ina. "Anak naman, tanggapin mo na lang ang katotohanang di ka talaga kagandahan. May itsura oo, kumbaga, average" pang aasar ng nanay nya. Umasim ang mukha ni Jessie. " No no no... mother dear... I am Jessie Gandonor! Apilyedo palang tunog Ganda na. Call me... Jessie Ganda! Bwahahhahah . sambit sabay halakhak ni Jessie. Inirapan na lang cya ng Ina. "At dahil nga Linggo ngayon, wala akong gagawin kundi  mag internet maghapon!”. bulalas ni Jessie sa kanyang isipan. "Makapagbasa na nga lang ng Online Novels... ay eto , parang maganda ang title "Azul Healer" Hmmmm, mukhang interesting ito at  aba!  Jessica ang name ng main Character! Parang tinadhana talaga na mabasa kita. sana maganda." dagdag nito.  “Jessie, Kumain ka muna ng almusal!” sigaw ng kanyang nanay “Mamaya na po Ma, di pa ako gutom” sagot naman ni Jessie. “Bahala ka kang Bruha ka. Ang tigas ng ulo mo. Pag ikaw ay nagkasakit , ikaw din.” babala ng ina “Opo, sandali lang po” sagot nya sa ina, pero di naman siya kakain agad. Para lang matapos na ang usapan. ---------- Blue Mountain University - isang unibersidad sa Syudad ng Sierra . Ang nagmamay ari nito ay ang pamilya ng Alpha ng Blue Mountain. May dalawang Pack ang Sierra. Ang Blue Montain at Red Rock. Ipinangalan ang kanilang lugar at Pack dahil sa precious stones na namimina dito. Sa Blue Mountain ay Sapphire at sa Red Rock naman ay Garnet. Ang mga precious stones na ito ay matatagpuan lamang sa vicinity ng kanilang nasasakupan at linggit sa kaalaman ng iba., Ang lugar na ito ay pinamamahayan ng mga tao at mga taong lobo. Pero hindi yun alam ng mga tao, kailangang manatiling lihim iyon at piling piling tao lamang ang nakakaalam para makaiwas na rin sa kung ano mang hindi magandang mangyayari. ( hmmm… Interesting!, so parang may representative lang ang peg! at Ika nga nila "prevention is better than cure"   Sambit sa isip ni Jessie habang nagbabasa) Papasok na ng gate si Jessica ng tawagin cya ng kaibigan nyang si Rhoda at Jake. Si Rhoda ay may maikling buhok , itim ito at may highlights na Red sa bandang harapan. Si Rhoda ay nabibilang sa Red Rock Pack. Siya ay may pagka Kikay, Happy go lucky at mahilig sa Cookies. ( Hahahhah, cookie Monster! Singit ng isip ni Jessie) Si Jake naman ay may pagkabinabae. Siya ay isang tao. May itsura si Jake at matipuno, lalaking lalaki rin ang pananamit. Yung tipong  sa unang tingin ay di mo aakalaing may pusong mamon pala, kaya nga kahit ganun pa man ay madami ring nag kaka-crush dito. “Hi Jessica, So pretty today, I like your outfit! Excited na bulalas ni Rhoda. Jessica is wearing a Pink off-shoulder top , tucked –in with her high waisted not so mini skirt, a pair of white sneakers and a shoulder bag. “Hi Jessica, awra today ha.” Dugtong naman ni Jake. Jessica smiled at them, “ Mana lang sa inyo guys!”Sabay tawanan nilang tatlo. “Oo nga pala guys, baka maaga akong umuwi mamaya, naimbitahan kasi ako ng isang kasapi ng Konseho sa kanyang bahay. May pag uusapan yatang importante.” Paalam  ni Jessica sa Dalawa. “ Ano daw ba yun girl?” curious na tanong ni Jake“ “ Hindi ko alam eh. “ sagot naman ni Jessica “ Any idea that pops in mind?” na mas lalong curious na tanong ni Rhoda “ I really don't know guys, but whatever it is, importante yun at kinakabahan na ako ngayon pa lang” kabadong sagot ni Jessica.  Papasok na sila sa kanilang silid aralan ng may narining silang tawanan sa Hallway. “ Ano naman kaya yun?” Pagtatakang tanong ni Jake sa dalawa. “ Aba ewan, baka naman may pinagtritripan dun o may nagkakasiyahan lang. Tara na at nang makaupo na at malayo nilakad natin. Bakit naman kasi nasa dulo tong Department building natin eh” pagrereklamong sambit ni Rhoda. Bago pa man pumasok si Jessica sa silid Aralin ay sumulyap muna sya kung saan may nagtatawanan. May natanaw syang lalaking nakayuko “Na bubully siguro”sa isip ni Jessica. Nag ring na ang bell at siya ay pumasok na rin. --------- Kruuuuk kruuuuk…. “Ano ba yan, kasarapan ng pagbabasa ko, naghuhumurentado mga bulate ko” kausap ni Jessie sa sarili. “. Ay oo nga pala, paano ba naman kasi, kagigising lang ay pag babasa agad and inaatupag” sagot naman ng kanyang isip.” Hindi pa nga nag aalmusal.” Dagdag pa ulit ni isip. Ganun naman kasi talaga sya. Hindi sanay mag almusal pagkagising. Hintay pa ng at least   isang oras bago kumain. Minsan nga pumapasok sya sa school ng hindi nag aalmusal. Mabuti na nga lang sa edad nyang 20 years old ay di pa niya nararamdaman na baka may Ulcer na cya. Keri pa naman. “Ma, What’s for breakfast?” Maarteng tanong ni Jessie sa kanyang ina “ Why don’t you check it for yourself my dear daughter… pwe! pati ako nahahawa sa kaartehan mo” ngiwing sagot kanyang nanay. “Hay naku, ang aking inay, masungit na naman” sagot ni Jessie “Hoy ikaw nga Jessie, magtigil ka. Hambalusin kita ng hawak kong Tambo, sige ka” angil pa ding kanyang ina “ fine , fine , fine mother dear….matanong ko lang Ma….Are you pregnant? Pinaglilihian mo ba ako? “ tanong ni Jessie sabay karipas ng takbo. Muntik na siyang mahambalos ng tuluyan ng kanyang ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD