Azul Healer 2

1345 Words
“Alright! Nakakain na ako, Let's continue reading!” bulalas ni sarili, may patunog pa ng mga daliri. ----------- Habang naglalakad si Jessica malapit sa gate ng school na pauwi na sana ay may ma bumati sa kanyang grupo ng mga estudyante. Nginitian lamangan mga  ito ni Jessica. Si Jessica Vega ay isang campus sweetheart. Maganda , Matalino, Mabait at kabilang sa Blue Mountain Pack. Bukod sa kanyang mga BFF na si Rhoda at Jake, ay marami pa siyang mga kaibigan at lahat ng tao o taong lobo ay nginingitian nya, kahit di pa nya kilala. Siya ay may mahabang itim buhok, hanggang baywang. Hazel brown eyes, maliit na ilong at may kakapalang labi. ( ay sana all, ikaw na Jessica, din a kailangan ng lip filler. Pero feeling ko magkamukha tayo.  Charot! hehehe, singit ng isip ni Jessie sa nabasa. )She is already 20 years old and in her 2nd year taking  pre-med. Ang pamilya nya ay halos mga nasa larangan ng panggagamot. Ang kanyang Lola na si Apo Metring ay ang pinakamatandang Healer sa kanilang Pack na gusto nyang sundan ang yapak. Natural sa kanya ang maging matulungin at pangarap din nyang magpatayo ng sariling Hospital someday. ( “naku day, feel ko na talaga ang connection natin. Nursing naman ako eh“ pagbibida ng sarili ni Jessie) Nakarating si Jessica sa bahay ng kanyang Lola na si Apo Metring. Ang bahay na iyon ay katamtaman lamang ang laki. Dito rin siya natutulog minsan lalo na pag gusto nyang samahan ang Lola dahil nga ito ay matanda na. Napapaligiran ng mga halamang gamot ang buong bakuran pati na rin sa loob. Samo’t saring ugat din ang mga nakalagay sa mga garapon. Biglang naalala  ni Jessica ang kwento ng kanyang Lola na noong unang panahon, mayroong isang manggagamot na na tinatawag nilang Healer na di na kailangang gumamit ng kahit na anong aparato o ano mang gamot. Hahawakan lamang ng may karamdaman at sugat ay kusa na itong gagaling. Ang mga taong Lobo kagaya nila ay may kakayahang pagalingin ang sarili ng mas mabilis kaysa sa ordinaryong tao. Pero iba ang Level ng isang Healer. Instant ang pag galing hanggat tumitibok pa ang puso ng isang nilalang. Mapa tao, taong lobo o hayop man ito. Ayon sa kasaysayan ng lahi ng mga taong Lobo, Minsan lang sa isang daang taon may pinapanganak na may  ganoong kakayahan at ito ay nabibilang sa lahi ng mga manggagamot na Lobo. Ibig sabihin, kasapi si Jessica sa lahing iyon. Wala na rin sa isip ng kanilang Pack na maaaring magkaroon sila ng isang Healer sa mga darating na mga taon. Sadyang pinagpala ang Pack na magkakaroon ng isang Healer , ang pagpapalang yon ay may kaakibat na panganib. (“syempre Duh! Alangan namang puro Happy happy na lang, syempre kung may happy may sorrow” . Kontra - bidang komento ni Jessie sa kanyang isip). Sa tagal na ng panahon na walang Healer, di na rin maisa larawan ng tama ang itsura nito. Basta ang alam lang ng kanyang Lola ay, ang katawang tao nito ay may mga tattoo at may halimuyak ng isang Rosas. Mayroong Libro tungkol dito na nakatago sa isang baul ng kanyang Lola, ngunit di nya pinapansin. Nahinto ang pagmumuni muni ni Jessica ng tawagin siya ng kanyang Lola. “Iha, aking apo, pumarini ka nga at may ipag uutos ako sa iyo bago dumating ang mga bisita” sabi ni Apo Mering. “Opo, Lola. “ lumapit siya sa kanyang Lola at nagtanong  “ Ano po ang inyong ipag uutos? At ano po ang sabi ninyo? Mayroon tayong bisita?” “ Oo iha, darating ang ating Alpha na si Alpha Mateo kasama ang kanyang anak na si Matthew” anas ng kanyang Lola “ Kaya maghanda ka ng mamemeryenda at maiinom . Parating na sila maya maya lamang.” dagdag nito “ Sige po Lola. Gagawa po ako ng sandwich at juice. “ dumiretso na si Jessica sa kusina at naghanda. ( aw, nice! baka naman. Loka lokang komento lang ni Jessie. Natawa pa siya sa sarili at muling nagbasa) Lumipas ang kinse minutos ay dumating na ang inaasahan.  “Magandang hapon  ho sa inyo Apo Metring! “ Bati ng Alpha na si Alpha Mateo. “ Good afternoon po!” sunod naman ni Matthew. “ Hi Jessica.” lingon sa kanya. Si Matthew ay may clean cut na buhok, Brown eyes, matangos na ilong. In-short Gwapo! Maganda rin ang pangangatawan na alaga sa pagsasanay sa pakikipaglaban. (“ Oh yeah,  papalicious!” Malanding komento ni Jessie sa kanyang isip..” .ok tuloy ang pagbabasa, maya na landi“) “ Magandang hapon sa Inyo, upo kayo ” Bating balik ni apo Metring “ Magandang hapon din po sa inyo Alpha Mateo at Matthew” ngiti at yuko ni Jessica bilang paggalang. Naupo na ang Dalawa. Masyadong seryoso ang dating ng Alpha. Gayunpaman ay di maitatanggi ang gandang lalaki nito at ang taglay na kakisigan. Ramdam din ang Awtoridad nito at pag nagsalita ito ay mapapasunod agad and sino man.  “ Iha, umupo ka sa tabi ni Matthew. “ Utos ng kanyang Lola “ Naghanda po kami ng mamemeryenda at inumin, heto po. “ nilagaya na ni Jessica ang mga ito sa harapan ng mga bisita.  “Iho at iha, Matthew at Jessica, hindi na ako magpaliligoy ligoy pa. Ma-awtoridad na sabi ng Alpha “ Kayong dalawa ang magiging mag asawa!”  “What?! Dad, are you crazy? Gulat na sabi ni Matthew.  “ Hoy Matthew, don't what what me , baka gusto mo makatikim ng hagupit!” may halong panlilisik na sabi ng kanyang ama. Napasimangot na lang si Matthew. Si Jessica naman ay nakanganga lamang sa gulat. Hindi nya magawang magsalita, dahil kung magsasalita man siya ay tiyak na ito ay pag tutul lamang at baka magalit ang Alpha at siya ay makatikim ng parusa.” Kung ibang babae lamang siya ay tiyak na kikiligin siya, ngunit hindi. Iniisip niya, paano na lang kung biglang dumating ang inilaan sa kanila ni Moon Goddess at sila ay nakatali na. Mahirap naman yun at baka magkasala pa sila sa isa’t isa. Paano ba magsabi na tumututol ka ng hindi sinasabing tutol ka? “ tanong niya sa kanyang sarili. Bumuntong hininga si Jessica para maka ipon ng lakas ng Loob at nagsalita. “ Ahmmm...Alpha Mateo,Lola,  hindi naman po sa tumututol ako, nais ko lang naman pong itanong kung ano po ang dahilan? At paano po ang mangyayari kung sakaling dumating po ang panahon na matagpuan namin ang aming mate na inilaan ni Moon Goddess?” “ Jessica, iha… “ sagot ni Apo Metring “ nauunawaan namin ang inyong nararamdaman at tanong. Unang-una, pareho kayo ni Mathew na wala pang mate sa ngayon , so walang masama. Pangalawa, Si Matthew ay magiging isang Alpha pagdating ng panahon, at ikaw naman ay magiging punong manggagamot din. At dahil sa kaakibat ng responsibilidad ng Alpha, kasama ang pakikipaglaban, mas mainam na ang kanyang kabiyak na lagi sa tabi nya ay may kakayahang gumamot. Pangatlo, Ayon sa aking mga panaginip at pangitain, kayo talaga ang itinakda. Kaya kung inaalala mo ang tungkol sa inilaan ni Moon Goddess, ay wala na kayong alalahanin pa.  Patango tango lang ang Alpha na ama ni Matthew at di na sinundan pa ang pahayag ni Apo Metring. Nakahinga naman ng maluwag si Jessica at Matthew.  “Kung gayon, wala naman palang problema , right?” baling ni Matthew kay Jessica na mukhang nakumbinsi naman sa sinabi ni Apo Metring. “ Yes” tipid na sagot ni Jessica na may tipid nag ngiti din. “ siguro nga na wala akong dapat ipag alala. Masuwerte na nga ako kung tutuusin. Biruin mo magiging Luna ako. Sana nga lang talaga , na si Matthew ang nakalaan sa akin ni Moon Goddess…”  (“ Ahhhhh…. Kinikilig ako! Grabe naman to si Jessica, di man lang kinilig kahit papaano, samantalang ako, parang kiti kiti na sa kilig to the bones.” sigaw ni Jessie habang pagulong gulong sa kama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD