Azul Healer 3

1706 Words
Lumipas ang isang linggo mula ng mangyari ang kasunduan, hindi pa rin  makapaniwala si Jessica na siya ang magiging kabiyak ng future Alpha ng Blue Mountain Pack  na si Matthew. Wala pa ring masyadong nakakaalam nito, maliban sa Konseho, Apo Metring, Ang Alpha na si Alpha Mateo , anak ng Alpha na si Matthew , si Jessica at syempre pahuhuli ba naman ang mga BFF ni Jessica na sina Rhoda at Jake. (“Malamang girl, baka sumabog si Jessica kung wala siyang pagsasabihan. Alam nga ni Jake na siya ay isang taong Lobo, eh, pagpapakasal pa kaya”.  kontrabida komento ni Jessie sa binabasa.)    Kung dati ay pag aaral lang kinaaabalahan  ni Jessica, Ngayon ay kailangan na rin nyang bigyan ng pansin ang magiging Future nila ni Matthew. Mabuti na nga lang at pumayag ang kanilang Alpha at si Apo Metring na makapag tapos muna siya ng pag aaral. Si Matthew ay tapos at kasalukuyang sumasailalim sa matinding pagsasanay dahil malapit na rin nito gampanan ang pagiging Alpha. Si Jessica naman ay may hindi pa. Gusto nga niya i-suggest na pagka graduate na ng pagiging Doctor , ang kaso, ay baka baliin na ng tuluyan ang leeg nya ng Alpha. Kaya pagka graduate na lang ng Pre-med Course niya. Nabawasan na din ang time niya sa mga BFF nya, at lalo sa iba niya pag friends. Hindi na rin niya pinapansin ang paligid kung anong mga nangyayari. Sa ngayon, kailangan muna na i manage ang time niya sa pag aaral, sa BFF, sa mga tinuturo ni Apo Metring at ang pag bubuild nag relationship nila ni Matthew. Sa lahat ng iyon, doon siya mahihirapan...and pag build ng relationship with Matthew. Ang alamin ang mga gusto at ayaw nito at iba pa. Kaya sa tuwing weekends ay nag bobonding sila. Matuling lumipas ang isang buwan. Masaya naman kasama si Matthew. Hindi rin malayo na mahulog ang loob niya dito balang araw. ( “ so kailan ang chukchakan? Hahahha” pilyang tanong sa isip ni Jessie ) Gumising si Jessica na mabigat ang pakiramdam. Sabado ngayon at may lakad sila ni Matthew. Uminom lamang siya ng halamang gamot para gumaan ang kanyang pakiramdam. Si Matthew ay naghihintay na sa kanya kaya naman naghanda na siya at gumayak. Pupunta sila ngayon sa may Waterfalls para mag swimming at mag Picnic. Parang may nararamdaman siya kakaiba sa kanyang katawan na hindi niya mawari pero isinawalang bahala niya na lang ito. Medyo may nangangati rin parte ng kanyang katawan habang papunta sila sa Talon, pero nawala naman bago pa sila makarating sa patutunguhan.  ( “naku ha! Mag Do-doctor?, isasawalang bahala? Ewan ko kung kay Jessica ako maiinis o sa writer eh, kaloka” siyempre kontrabida na naman na sabi ni Jessie. “Sana may chukchakan na dito hehehehhe” dagdag pa nya) “ Matthew , dito tayo pumuwesto sa may puno para naman may lilim ng konti” suggest ni Jessica kay Matthew “Ah, oo sige. Mas mainam at para hindi mabasa ang mga kakainin natin at paliting damit. Medyo kasi tumatalsik ang buhos ng Falls sa gilid ng batuhan” sang ayon naman ni Matthew. “ Kakain ba muna tayo?, o maliligo muna?” tanong ni Jessica. “ Ikaw, nagugutom ka na ba?” sagot-tanong naman  ni Matthew. “ Medyo lang naman, pero Sige kain muna tayo ng kaunti” si Jessica “ Okay sige.” Sang ayon naman ni Matthew. Nagkwentuhan din sila habang kumakain , kamustahan sa pagsasanay at pag aaral. They are taking is slow. (“whatttt?!!!” dismayadong komento ni Jessie sa binabasa. “ so , wala pang chukchakan? “ napanguso pa si Jessie. “ OMG Jessie, puro ka na lang chukchakan , sabik lang girl?” pagalit ng isip ni Jessie sa sarili… “  ok, ok, continue…”) “Halika na , maligo na tayo” yaya ni Matthew kay Jessica Habang naghuhubad ng damit si Jessica ay nakita nyang nakakunot ang noo ni Matthew habang nakatingin sa katawan nya. (‘ayan na...ayan… ang hinihintay ko. Chukchakan na talaga!” excited na sambit ni Jessie nga nakangisi pa) “What’s wrong? Bakit ganyan ka makatingin? Tanong ni Jessica kay Matthew Hindi pa nakakapagsalita si Matthew ng tingnan ni Jessica ang kanyang sarili. Napasigaw ito sa gulat. “Ahhhhh! Ano to? Bakit may mga parang tattoo sa katawan ko! ang dami! Di ko maalala na nagpa tattoo ako!!!!”  Napa atras si Matthew na animoy medyo nandiri sa itsura ni Jessica. Medyo nasaktan naman si Jessica sa reaction na yun ni Matthew. ( “ What the freakin’ hell! Akala ko talaga chukchakan na” bagsak balikat ni Jessie “Buwisit na writer to, binibitin ako!” “ eto naman si Matthew ang arte pala, s**t!” dagdag reklamo pa ni Jessie. “ hoy Jessie, bakit ba mas marunong kapa sa writer. At di kasalanan ni Matthew na ganun reaksyon niya, ika nga… Utos ng direktor” pagdedepensa naman ng isip ni Jessie sa kanyang sarili. “ Ok you win brain…. Let's continue” )  “Mabuti pa at umuwi na tayo, sabihin mo rin sa iyong Lola kung ano ang nangyayari. Para naman malaman natin, impossible naman na bigla ka na lang magka tattoo” sabi ni Matthew Tumango na lamang si Jessica, pero mangiyak ngiyak pa rin to at tuliro. “ Paano ba ito?, anong nangyayari? , tanong nito sa sarili Pagkauwi ay dumiretcho na agad si Jessica sa kanyang silid. Hindi muna niya sasabihin sa kanyang Lola ang nagyayari dahil takot siyang malaman kung ano ito at bakit siya may ganito. Mas nilamon siya ng takot at pinili na lamang magkulong sa kuwarto. Kinuha nya ang isang bagay na nakakapag pakalma sa kanya. Ang kanyang bracelet na bigay ng kanyang yumaong ama at ina. Gawa ito sa white gold at may mga palawit na stages ng Moon, meron ding letrang J. Pinasadya talaga ito ng ama na regalo sa kanya noong Sweet 16 birthday nya. Yumao ang kanyang ama sa pakikipaglaban sa mga Rouge. Sa ngayon ay sila lamang ng kanyang Lola na si Apo Metring ang magkasama sa buhay. Mag isang naninirahan si Jessica sa bahay ng magulang na namana na niya. Ayaw nya itong iwan dahil sa mga alaala. Paminsan minsan lamang sya matulog sa bahay ng kanyang Lola. ( omg girl! Bakit di mo na ipaalam, my god, kung ako sayo gora na agad kay Lola hay naku….. Malapit natalaga kita kutusan girl! Angil ni Jessie) Lunes, papasok na sa school si Jessica. Napansin nyang umabot na sa balikat ang kanyang biglang litaw nag mga tattoo. Kaya naman nagsuot sya ng medyo conservative at walang nakikitang balat. Mahirap na, baka ma shock ang lahat ng estudyante sa school. After school ay nagyayang pumunta sa Mall sina Rhoda at Jake. Miss na miss na daw nila mag bonding. “ Uy Jessica, kwentuhan mo naman kami, ano na ang update sa inyo ni Matthew?” tanong ni Jake “ Guys, huwag na muna natin siyang pag usapan” sagot naman ni Jessica“ I smell LQ!”  Singit ni Rhoda “ at speaking of smell Jessica, nagbago ka ng pabango? Amoy Rosas ka. “ Anong amoy Rosas Rhoda?” , sabat ni Jake “ wala naman akong naaamoy ah! Ung usual na pabango lang ni Jessica “ Wala guys, gusto ko lang na tungkol sa atin ang pag uusapan at mga gagawin natin. Set aside muna nating yang lovelife” pagdadahilan naman ni Jessica. Nagtataka nga rin siya at bakit parang may naaamoy siyang Rosas “ Ok! Tara doon tayo sa Arcade! “ yaya ni Rhoda ( “Kasi nga Jessica, kaw ay isang Healer, nag tratrasform kana. Di mo ba  naaalala nag kwento? ,naku kukuritin kita talaga” singit na komento ni Jessie sa binabasa) Masaya silang naglaro ng mga games. Medyo napagod sila at nagpasyang mag meryenda. Nasa isang kainan na sila ng Biglang may napansin si Jake kay Jessica. “ Girl,  nagpa-tattoo ka? Kelan? Bakit di namin alam? Ani Jake “ Oo nga ano, teka, arang wala naman yan kanina ah!” manghang sabi ni Rhoda Kinuha ni Jessica ang kanyang pocket Mirror at tinignan ang sarili. Nagulat din siya. Umakyat na sa leeg ang tattoo na wala naman kanina. Kinabahan si Jessica. “ Guys, kailangan ko nag umuwi! “   Tumakbo palayo si Jessica sa mga kaibigan. Nag aalala naman ang mga kaibigan at siya ay sinundan. Nasa parking Lot na sila ng may limang  lalaking humarang sa Kanya. “ Rouges” sabi ng isip ni Jessica. “ Anong Kailangan ninyo!” sigaw ni Jessica “ Ikaw, ikaw ang kailangan namin! Sige kunin siya!” utos sa apat na kasama “ Jessica! “ sigaw ni Rhoda at Jake.  Hindi papayag na lang basta si Jessica at Rhoda na hindi lumaban, ngunit si Jake ay isang tao. Hindi nito kayang tapatan ang lakas ng mga taong Lobo “ Jake magtago ka! Lalaban kami ni Jessica! Utos ni Rhoda kay Jake” “ Tatawag ako ng tulong guys! Sagot naman ni Jake Nakikipaglaban na si Jessica at Rhoda sa apat na lalaki. Hindi nila namalayan na ang panglima ay humabol kay Jake para pigilang tumawag ng tulong. Huli na para matulungan ang kaibigan. Nanlumo ang dalawa ng nakita nila si Jake na nakahiga sa semento at may dugo… “Jaakkkeeee!!!!!”  Luhaang sigaw ni Jessica “Bakit nyo ba ito ginagawa, ano bang kasalanan namin sa inyo!” dagdag din nya “ Babae, wala kang kasalanan. Pero kailangan ka ng aming pinuno para maging asawa! Dahil sa taglay mong kakayahan ay masasakop namin ang Blue Mountain at Red Rock Pack! “Hindi ko alam ang sinasabi nyong kakayahan! At hindi rin ako makakapayag na maging asawa ng pinuno ninyo!” pagtanggi ni Jessica ( “ s**t! Ayoko nang basahin to. Nanggigigil ako sayo Jessica. Dapat kasi , kumunsulta ka agad sa Lola mo at dapat na realized mo na rin na ito ang signs ng transformation to become a Healer. Diba nga, nasa lahi, at naalala mo nung bumisita ang Alpha sa bahay nyo. My god!  Katangahan.com lang ang peg!” inis na inis na sigaw ni Jessie na umalingawngaw pa sa kwarto)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD