Dakota

1196 Words
Jessie’s POV Nagpatuloy ang pag uusap, at naaayon pa rin sa Dialogue ang lahat so far.  “What?! Dad, are you crazy? Gulat na sabi ni Matthew.  “ Hoy Matthew, don't what what me , baka gusto mo makatikim ng hagupit!” may halong panlilisik na sabi ng kanyang ama. Napasimangot na lang si Matthew. Siyempre di na ako nakakitaan ng pagkagulat, bagkus parang kinikilig pa nga ako. Paano ba naman, ang gwapo kaya ni Matthew. Pero hindi ko iyon pinahalata. Wait muna ako ng ilang seconds na kunyari nag iisip at sasabihin ko na ang part ni Jessica sa Dialogue. Mabuti na lang talaga, natatandaan ko. “ Ahmmm...Papa Mateo, este, Alpha Mateo ( nadulas ako doon ah!) ,Lola,  hindi naman po sa tumututol ako, nais ko lang naman pong itanong kung ano po ang dahilan? At paano po ang mangyayari kung sakaling dumating po ang panahon na matagpuan namin ang aming mate na inilaan ni Moon Goddess?” “ Jessica, iha… “ sagot ni Apo Metring “ nauunawaan namin ang inyong nararamdaman at tanong. Unang-una, pareho kayo ni Mathew na wala pang mate sa ngayon , so walang masama. Pangalawa, Si Matthew ay magiging isang Alpha pagdating ng panahon, at ikaw naman ay magiging punong manggagamot din. At dahil sa kaakibat ng responsibilidad ng Alpha, kasama ang pakikipaglaban, mas mainam na ang kanyang kabiyak na lagi sa tabi nya ay may kakayahang gumamot.” Napakunot ang noo ko, nasaan ang pangatlo? Ang part na sinabi ni Lola na ” Pangatlo, Ayon sa aking mga panaginip at pangitain, kayo talaga ang itinakda. Kaya kung inaalala mo ang tungkol sa inilaan ni Moon Goddess, ay wala na kayong alalahanin pa. “ … that is weird, nababago na kaya ang istorya? Hindi ko naman pwede banggitin…. Patango tango lang ang Alpha na ama ni Matthew at di na sinundan pa ang pahayag ni Apo Metring. Nawala na rin ang parteng pag sang ayon ni Matthew … Hindi kaya… Nabago dahil hindi naman na talaga ako si Jessica?, na hindi na kami ang tinadhana talaga? Apo Metring POV Kahapon lang ay sigurado ako na si Matthew at Jessica ang magkakatuluyan, Pero bakit parang hindi na ako sigurado ngayon. Mayroon talagang nagyayari at kailangan ko alamin iyon sa lalong madaling panahon. Mayroon ding parang iba sa aking apo, pero ano? Hindi ko mawari. Ipapaalam ko mamaya sa aking apo na ako ay aalis ang mag sisimulang mag imbestiga.  ------------ Back to Jessie’s POV Natapos na ang pag uusap at umalis isinabay na ako ni Papa Mateo , este, Alpha Mateo at Matthew para ihatid sa aking bahay. Nakarating na ako sa aking bahay at naghanda na ng hapunan. Grabe, para akong patay gutom. Laging gutom lang ang peg.Madami bang bulate tong babaeng to?  Buti, hindi tumataba itong katawan ni Jessica. Pagkatapos kumain ay naglinis na ako ng katawan at pumunta sa kwarto para matulog. Papikit na ang mata ko ng biglang may nagsalita… “ So ano, ganun na lang? Di na tayo mag uusap?” sabi ng tinig “ Huh?! Sino yan?” Tanong ko sa kawalan “ Aba, aba , aba, at talagang pangangatawanan mo yang di pag pansin sa akin ha!” sabi ulit ng tinig “ Sino ka ba talaga? Multo Ka ba?” Tanong ko ulit “ Ay wow! Sobrang ganda ng wolf mo para maging multo noh!” anggil ng tinig Omg, oo nga pala. Bawat taong lobo ay may wolf … ok… relax lang. Hindi ko pa nabasa ang part na ito. I to na nga ba sinasabi ko eh, dapat talaga binasa ko na lang nag buo iyong kwento at di na naging kontrabida. Relax…. Ayon sa ibang nabasa ko in the past na tungkol sa taong Lobo, ay it’s all about concentration. Ipinikit ko ang aking mata, nag concentrate at binuksan ang isip… pati mata sa aking isip at sa aking pagkabigla, nasa isang kubo ako sa gubat at naroon ang aking Wolf. May parang pangalan din ako na naiisip… Dakota…. Sambit ko. “Ay ako nga, wala ng iba!” pataray na sabi ng aking wolf “Ahmmmmm … ahmmmmm….” tanging nasambit ko lang. Parang kanina lang nung tinawagan ako ni Jake. Di ko alam ang aking sasabihin. Nilakasan ko ang aking Loob. Kailangan ko maging tapat sa aking wolf… sa wolf pala ni Jessica. Tutal, iisa naman kami at pwede nya ako matulungan. Buhay namin pareho ang nakataya dito. “ Gusto ko lang maging Honest sayo, may sasabihin sana ako…” panimula ko “ Ano? Na hindi ikaw si Jessica? “ wika nito na ikinagulat ko naman “ Alam mo? , paano?” tanong ko “Ay kaloka ka, alam ko kaya mga nasa isip mo. Pati pag tawag mo kay Alpha Mateo na fafa, pati pagnanasa mo… hala, maghunos dili ka nga!.....” sabi ni Dakota. “ pero in all fairness naman may point ka dun ha . Hehehhehe”. Dagdag nito “Ay, malandi ka rin pala” komento ko “Oo naman! “ proud na sabi nito Ngayong kampante na ako, ay saka ko lang namasdan si Dakota. Puti ang balahibo nito at may maamong mata. Kulay…hazel  brown na may  pink? Parang may sparkle pa. Ang ganda! “ Alam ko… maganda ako. “ biglang sabi ni Dakota. Oo nga pala , alam nya iniisip ko. “So, alam mo na pala, ano na gagawin natin…. Alam mo na rin siguro na tayo ay isang Healer. The Legendary Healer ng ating lahi”  “Nararamdaman ko na rin na mag nagbabago sa akin” sabi naman ni Dakota “ Hindi kaba nagtataka kung nasaan si Jessica? At bakit parang ang dali mo akong tanggapin” tanong ko kay Dakota “Alam mo, Death flashes in to my mind at nababasa ko din ang nasa isip at lahat ng nalalaman mo, kaya naiintindihan ko, nasaan si Jessica? Who knows, but i can still feel her. Narito lang sya sa atin., do not worry. Mas mahalaga ngayon na malampasan natin ito at gawin ang nakabubuti para sa ating lahat.” mahabang sagot naman ni Dakota.  “At huwag ka mag alala, hindi mo na kailangan umarte at isipin ang mga bagay bagay kung saan ka papunta, sino si ganito… sino si ganyan… ako ang magiging guide mo. Alam ko lahat ng alam ni Jessica.” confident na dagdag pa ni Dakota “Mabuti naman kung ganun. Maraming salamat ….. May tanong lang ako…. Bakit ang lakas ko kumain? “ tanong ko “ Ay ano ba yan, common sense din Jessie, Duh, dalawa tayo kumakain hahahahaha” tawa ni Dakota “Nge!.... Ganun pala hahahahah” natawa na din si Jessie “Cge na at magpahinga kana., one of these Days, ituturo ko sa iyo paano mag transform. For now pahinga ka muna. Dami na nagyari ngayon.” suggestion ni Dakota  “ OO nga eh, sige , matulog na tayo” wika ko Tuluyan na ngang nilamon ako ng antok. Tomorrow is another Day….
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD