This is really happening!

1479 Words
Jessie's POV Nakarating kami ng bahay ni Lola ng pinsan ko daw na si Ate Darlene. In fairness din kay Darlene ha, maganda ito. Maliik ang buhok at may isang biloy. Medyo hawig nga kami. " Wow, inaako mo na ang beauty ni Jessica ha Jessie " singit ng aking kontrabidang isip. Inimbitahan pa nga ako na bumisita sa kanila paminsan minsan at nang makita ko daw ang kayang pup. Pinakita pa sa akin ang litrato. Sobrang cute, ang sarap kurutin ng pisngi. Tinulungan nya ako pababa patungong veranda. Nakaupo doon si Lola na naghihintay. Nauna nang magmano si Ate Darlene at sumunod naman ako. Kumunot ang noo ni Lola. Kinabahan naman ako… hindi kaya mahalata niya na hindi talaga ako ang apo nya? Patay na… mukha pa namang malakas ang pakiramdam ni Lola. "Anong nangyari sa iyo iha ?" Tanong ni Lola Metring "Masama po kasi ang pakiramdam ko at natapilok po ako" sagot ko naman  " Ay sya, mag iingat ka lagi, nakainom ka na ba ng gamot? O maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ulit ni Lola. " Mayroon gamot sa loob kung hindi pa." Dagdag pa ni Lola " Okay na po ako Lola, maya maya lamang po makalakad na ako ng maayos" wika ko. "Konting Arte pa…" said ko sa isip ko. "Sige , sige" sang ayon ni Lola " Lola, pwede po bang makahingi ng halaman gamot?" Tanong ni Ate Darlene kay Lola.  " Halika sa loob, pumili ka doon" sagot naman ni Lola kay  ate Darlene. Inakay na ni Ate Darlene si Lola at ako naman ay naiwan sa Veranda. Kakaiba ang bahay ni Lola. Para itong bahay kubo pero may pagka moderno. Tama ang nasa istorya na napapaligiran ito mga halaman. Mga gamot na halaman to be exact. Maayos ang pagkaka arranged ng mga halaman, animoy parang bilihan ng mga halaman. Naalala ko tuloy ang aking nanay. I miss her. Namimiss ko na din ang mga sigaw at batok at kutos ng nanay ko sa akin. Mahilig din Yun sa mga halaman. Isa diyang plant- tita. Nakikiuso at sabay sa panahon. At ang bango ng amoy. Hindi yung tipong amoy gamot. Amoy fresh… (sniff sniff) mint… ( sniff sniff) woods … ( sniff sniff) bulaklak … ( sniff sniff)... what the heck? Ngayon ko lang napansin na umaamoy amoy ako ba parang aso at grabe, lakas ng pang amoy ko ah! Sana lang walang umutot! Baka himatayin Ako, gosh... Hahahaha. Baliw sa sabi ko sa sarili ko. Lumapit ako sa may pinto at nakita ang loob. Typical na bungalow type but modern bahay kubo ito. Open plan, derecho salas, dining at tanaw din ang kusina . Maayos ang pagkakasalansan ng mga Garapon sa may mga kabinet at may mga nakasabit din na mga tuyong tangkay ng bulaklak. At syempre, Gumana na naman ang  kalokohan ng utak ko at bigla ko naisip si"Uncle ng Jackie Chan Adventure" na pinapanood ko noong bata pa ako . Hayyy, those days. Ang saya saya maging bata. Walang problema. Magulang lang namromroblema. I wonder, ano kaya ang mga orasyon ni Lola pag nang gagamot , hehehe. Katulad din kaya ni Uncle? That would be very funny.  Lola chanting  " Yu Mo Gui Gwai Fai Di Zao ". Hahahaha. Ay oo nga pala, pang to defeat supernatural forces of evil nga pala un, hindi pang gamot. Hehehe .  Palapit na sila sa akin at paalis na yata si Ate Darlene. Pinagmasdan ko si Lola at parang may kumirot sa aking puso. Wala na kasi akong Lola sa aking mundo. Sumakabilang buhay na kumbaga. Nagpaalam na si ate Darlene sa amin ni Lola Metring. At maalala ko nga pala, ito rin yung part na Biglang naalala  ni Jessica  ang kwento ng kanyang Lola na noong unang panahon, mayroong isang manggagamot na na tinatawag nilang Healer na di na kailangang gumamit ng kahit na anong aparato o ano mang gamot. Hahawakan lamang ng may karamdaman at sugat ay kusa na itong gagaling. Ang mga taong Lobo kagaya nila ay may kakayahang pagalingin ang sarili ng mas mabilis kaysa sa ordinaryong tao. Pero iba ang Level ng isang Healer. Instant ang pag galing hanggat tumitibok pa ang puso ng isang nilalang. Mapa tao, taong lobo o hayop man ito. Ayon sa kasaysayan ng lahi ng mga taong Lobo, Minsan lang sa isang daang taon may pinapanganak na may  ganoong kakayahan at ito ay nabibilang sa lahi ng mga manggagamot na Lobo. Ibig sabihin, kasapi si Jessica sa lahing iyon. Wala na rin sa isip ng kanilang Pack na maaaring magkaroon sila ng isang Healer sa mga darating na mga taon. Sadyang pinagpala ang Pack na magkakaroon ng isang Healer , ang pagpapalang yon ay may kaakibat na panganib. Sa tagal na ng panahon na walang Healer, di na rin maisa larawan ng tama ang itsura nito. Basta ang alam lang ng kanyang Lola ay, ang katawang tao nito ay may mga tattoo at may halimuyak ng isang Rosas. Mayroong Libro tungkol dito na nakatago sa isang baul ng kanyang Lola, ngunit di nya pinapansin. woah! kabisado ko.  Tama , ito yung part na yun at kailangan ko mahanap ang librong iyon, dahil may hangganan lang ang alam kong mangyayari sa kwentong ito.  Niyaya na rin ako mi Lola sa loob. Heto na, uutusan na ako ni Lola na gumawa ng meryenda at maiinon… on cue, biglang magsalita si Lola. Sasabay na lang ako sa agos ng usapan. “Iha, aking apo, pumarini ka nga at may ipag uutos ako sa iyo bago dumating ang mga bisita” sabi ni Apo Mering. “Opo, Lola. “  “ Ano po ang inyong ipag uutos? At ano po ang sabi ninyo? Mayroon tayong bisita?” tanong ko, kahit alam ko naman na. “ Oo iha, darating ang ating Alpha na si Alpha Mateo kasama ang kanyang anak na si Matthew” anas ng kanyang Lola “ Kaya maghanda ka ng mamemeryenda at maiinom . Parating na sila maya maya lamang.” dagdag nito “ Sige po Lola. Gagawa po ako ng sandwich at juice. “ dumiretso na ako sa Kusina at naghanda. Medyo hindi naman mahirap hanapin ang mga bagay bagay sa kusina dahil ito naman ay organized.. Parang excited ako makita ang Alpha na si Alpha Mateo at Matthew ah. Sigurado ako na magagandang lalaki ang mga iyon. So far naman kasi, wala pa akong nakikitang pangit dito. Kahit nga mga napag tanungan ko sa daan, ibang estudyante at mga guro, puro may mga itsura. Kung nandito lang ang tunay na Jessie, ayayay… lalabas ako na Pangit! Panlalait ko sa aking sarili.  Tamang tama, after 15 minutes, dumating na nga ang inaasahan and Oh my God…. hinawakan ko nag garter ng aking panty at baka malaglag. Sinara ko rin ang aking bunganga dahil baka tumulo ang aking laway. Juice colored! Nasa langit na ba ako? Sa Mount Olympus perhaps? Grabe, kung may magandang lalaki, may mas gaganda pa palang lalaki sa magagandang lalaki! Papable talaga. Tiyak maiingit nito si Bear Chelsea. Si papa Mateo, este, Alpha Mateo… may medyo wavy itong buhok na lagpas tainga, brown eyes, makapal na kilay, matangos na ilong at strong Jaw. take me fafa…. Malanding sabi ko sa aking isip. Sa tingin ko, nasa 45 years old ito pero parang nasa 35 lang. Madaming nahuhumaling dito tiyak. Ang swerte naman ng asawa nto. At si Matthew, kamukha ng ama. Parang mini me lang ni fafa Mateo, este Alpha pala. Wavy din ang buhok pero clean cut. Okay lang na ma dedbol ako sa huli , atleast nakakita na ako ng ganito ka papalicious na nilalang. Charot! Kung ang malanding isip ko lng ang tatanungin ay mas type ko ang Ama. chukchakan na ba ito? heheheh , naku, ano ba tong naiisip ko. Ang mga katawan day! Kumbaga sa ulam, may favorite Adobo. Habang tumatagal, sumasarap! Este, ung katawan nila, habang tumatagal, masarap pagmasdan. Batak na batak teh.. Daks kaya?! Napatawa na lang ako sa aking isip. “Magandang hapon  ho sa inyo Apo Metring! “ Bati ng Alpha na si Alpha Mateo. “ Good afternoon po!” sunod naman ni Matthew. “ Hi Jessica.” lingon sa kanya. “ Magandang hapon sa Inyo, upo kayo ” Bating balik ni apo Metring “ Magandang hapon din po sa inyo Alpha Mateo at Matthew” ngiti at yuko ko “ Naghanda po kami ng mamemeryenda at inumin, heto po. “ nilagay ko nag ang mga iyon sa kanilang harapan. Hinihintay ko na ang dialogue na matindi…. “Iho at iha, Matthew at Jessica, hindi na ako magpaliligoy ligoy pa. Ma-awtoridad na sabi ng Alpha “Kayong dalawa ang magiging mag asawa!” “ Oh s**t, Na-ah! This is really happening… I better run for my life!!!!” sabi ko sa aking isip...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD