Mabilis na lumipas ang mga araw at ngayon ay Biyernes na. Masaya naman kami ni Boo ko. Hatid- sundot , este, Hatid at sundo niya ako. At lagi din kaming nag bo- bonding before class, lunch and after School.
Bukas naman ay may usapan kaming mag Da- date. Ang usapan namin ay pupunta kami sa isang Restaurant then a movie like usual na Date ng nakararami. Pero dahil nga may iniiwasan ako… ang may makaalam sa pamilya ng aming Alpha….tiyak malalagot ako. Kaya ang suggestion ko is a picnic sa Baluwarte ng Red Rock Pack. Idinahilan ko na lang na gusto ko ma explore ang kanilang gubat.
Naiintindihan naman niya ang gusto ko dahil nga taong lobo kami. At isa pa, pinilit ako ni Dakota. Dahil hindi daw sya papayag na kami lang ni Lennox ang mag Da- date. Sila din daw ni Dark.
Alam nyo ba na pinilit nya ako mag practice mag shift every evening sa kwarto. Una nahiya ako kasi kailangan ko maghubad muna, kung hindi, wasak ang damit ko. Ang sabi ni Dakota, normal lang naman daw sa kanila ang walang damit. Wala daw malisya, their kind do not get attracted to someone easily, maliban na lang kung mate mo ang makakakita, malamang pumatong na agad sa iyo. Kaya naman pala ganoon na lang ang reaksyon ni Matthew sa nabasa ko noong nasa mundo pa ako ng mga tao, dahil wala talaga itong nararamdamang attraction si Matthew kay Jessica.
That gives me hope na pwedeng hindi mag habol si Matthew kung malaman man niyang kami ni Lennox Boo ang tinakdang mag sama habang buhay.
Isa pang inaalala ko ay si Jessica, kailangan ko ang opinyon at ang gusto din niyang mangyari. Dahil after all, this is her story and life.
Matutulog na sana ako ng may narinig ako, nag mimindlink sa akin ang aking Lola. Gusto daw niya ako makita ora- mismo at may pag uusapan kami. Kinakabahan akong nagbihis at pumunta agad sa kanyang bahay. Ang sabi pa nya ay doon na ako matulog. Hindi na ako nagdala ng ano mang gamit dahil sabi rin ni Dakota na mayroon naman akong gamit at bihisin sa bahay ni Lola.
Dinala ko din ang susi ng Baul ni Lola, hindi ko pa ito na che- check dahil sa naging busy din ako. At ayon sa pagkakatancha ko, Meron pa akong isang buwan.
Nakarating ako sa Bahay ni Lola at nagmano. Halatang kababalik lamang nito mula sa kanyang paglalakbay.
“Kamusta po Lola, ano po nangyari sa inyong lakad?” Kinakabahang tanong ko “Gusto nyo po bang ipaghanda ko kayo ng makakain o maiinom?” dag dag ko pa
“Huwag na iha, ayos lang ako, at may nag asikaso na rin sa akin kanina” sagot naman ni Lola
“Maupo ka at may pag uusapan tayo…. May idea kaba kung ano?” tanong ni Lola sa akin
Hindi ako naka sagot at nakayuko na lamang. Hindi naman siguro ako kakastiguhin ni Lola, tutal katawan parin naman ito ni Jessica at nandito rin sa nasa loob si Dakota.
“Sige , naiintindihan ko kung bakit ayaw mo mag salita. Ako na ang mag papaliwanag…..” sinalaysay ni Lola ang nagyari sa kanyang lakad at lahat ng nalaman nito.
Alam na niya rin na hindi ako si Jessica, hindi naman siya galit, mahinahon naman. Pumunta lang siya sa isang lugar kung saan taimtim na nagdasal at nag meditate kung nasaan ang presensya ni Jessica. Simula pa lang daw ay maypagdududa na siya sa aking katauhan at parang nagbago daw kasi ang kanyang mga pangitain. Nalaman naman nya ito at oorasyunan daw nya ako para pumasok si Jessica sa akin.
Nagtanong ako kung makakauwi na ba ako, pero hindi pa daw. Oo at papasok si Jessica, pero magigng katulad ni Dakota, sila ay magkakasama at ako pa rin daw ang main controller ng katawang ito.
Maya maya lamang ay may narinig na akong tinig.
“Hi Jessie, how are you?” sabi ng tinig…. ito naba si Jessica.
Inilipat ko ang aking consciousness sa tagpuan namin ni Dakota, at doon nakita ko ang tunay na Jessica. Parang may ilaw din ito sa buong katawan na animo ay parang kaluluwa lamang.
Nakayakap ito kay Dakota na wari bang sabik na sabik sa kanyang Wolf. Napangiti ako sa tagpong iyon at nalungkot na rin at the same time. It must be very hard for Jessica.
“Okay lang naman ako,ikaw? Kamusta? ,inalalayan naman ako ni Dakota at mga friends natin…. At ni Lennox…” sagot ko. “ At si Lennox ang ating.. I mean inyong Mate…” dagdag ko pa
“Yes Jessie, lahat ng nagyari for the couple of days ay nag flashback sa akin in an instant, naramdaman ko din ang unang pagkikita at ang mga kilig “ kinikilig na sabi nito
“At nagpapasalamat din ako na hindi muna bibigay ang …. Hihihihi” hagikgik niya. Malandi rin pala to si Jessica hahahhaha. Mukhang magkakasundo naman kami.
“Ikinagagalak kitang makilala, masaya ako at nandito kana dahil kailangan ko ang mga opinyon at suggestions mo sa mga susunod na araw, sa plano nating umayos ang lahat. Pati narin kay Lennox.” wika ko kay Jessica
“Oo nga, pati na rin kung paano natin maipapaliwanag ito sa ating Alpha” sagot naman ni Jessica
Bumalik na ang consciousness ko at kinausap si Lola. sinabi ko sa kanya ang tungkol kay Lennox at tungkol sa magiging pagbabago sa akin…. Na magiging isang Healer.
Una ay nagulat si Lola, pero naglaon ay natuwa din naman. Maaasahan ko daw ang kanyang pag suporta. Hihingi din daw sya ng pag pupulong para ma address ang mga bagay bagay at bawiin ang kasunduang maging asawa si Jessica ni Matthew.
Inilabas ni Lola ang aklat tungkol sa Healer. Ang aklat ay may cover na prang leather at may mga simbolo na parang alibata.
“Apo, kailangan nating pagka ingatan ang aklat na ito, Ito ang ating magiging gabay para hindi ka mapahamak, pati na rin ang buong Pack. Blue Mountain Pack man o Red Rock Pack. Sa mga susunod na mga araw, ikaw ay magsasanay sa pakikipag laban, at pag aaralan ang librong ito. Kailangan maging handa tayo sa ano mang mangyayari!” mahabang sabi ni Lola
“Opo Lola” tanging sagot ko lamang.
“Sige na Apo, magpahinga na tayo, at alam kong marami din kayong mag uusapang tatlo” ang tinutukoy ni Lola ay si Jessica, Dakota at ako.
“Okay po Lola, goodnight.” wika ko
Pumasok na ako sa kwarto ko sa bahay ni Lola. Medyo may pagkakahawig ito ng style sa kwarto ko, i mean, ni Jessica sa bahay. Marami kaming napag usapan, mga plano, mga dapat gawin. At alam na rin ni Jessica ang date, at inunahan na nya ako at sinabing, huwag muna kaming bumigaw gawa ng ito pa din ang unang pagkakataon na makakabonding nya si Lennox na talagang present siya.
Nakakaloka, para kaming may General Meeting tatlo. Isang katawan na may tatlong katauhan. Kung sa mundo ko ito, malamang nasa Mental na ako. Ipapasok na ako ng nanay ko… baliw lang ang peg….