Jessie's POV
Habang nagmamaneho si Lennox ay nakahawak pa din sa kamay ko. Parang takot na takot sya makawala o baka tumakbo ako. Binibitawan lang nya ang kamay ko pag kailangan like pag paikot ng manibela o pag maniobra ng clutch nito at balik na sa kamay ko
Sobra talaga akong pinapakilig ng lalaking ito. Sa talambuhay ko, ngayon lang ako nakadama ng ganito. Yung tipong maiihi na sa kilig… hehehe. Paano na lang kung bumalik na ako sa mundo ko? Huwag lang sana akong masanay, dahil in the first place, hindi naman talaga sya sa akin bilang Jessie. Kay Jessica siya at kay Dakota. Nasaan na kaya si Jessica ngayon…. Sana ok lang sya. At kung nagkapalit man kami ng katauhan, o kung nasa mundo ko siya, ay sana nagkakasundo sila ni Mama ngayon. Speaking of Mama, naku, mother dear, patawarin mo ako at kumakarengkeng ako ngayon. Huwag ka mag alala Mama, dahil pag balik ko ay magiging mas mabuting anak na ako. Char!
Madali naman natuntun ni Lennox boo ang address ko . Di ko namalayan na narito na pala kami sa harap ng aking bahay. Unang lumabas si Lennox at pinagbuksan ako ng pinto. Hay naku… sana pag totoong nagka boyfriend na ako sa mundo ko ay ganito din. Mapait akong napangiti…. Sana all…
“Halika muna sa loob at nang makapag meryenda o kape man lang” yaya ko kay Lennox
“ Yes, thank you” sagot naman ni Lennox
Binuksan ko na ang pinto at pinapasok si Lennox.
“Maupo ka muna, isasara ko lang itong pinto” wika ko . Hindi lumakad si Lennox papuntang sofa at nanatili sa aking likuran. Nagulat na lang ako ng yumakap ito s aking likuran at isinubsob ang ulo nito sa aking leeg.
“ I am so glad i have found you my love, all my life i have been waiting for you. I promise to protect you and love you at any cost” sambit ni Lennox. Inamoy amoy din nito ang aking leeg pababa hanggang balikat. Una mahigpit ang pag kakayakap, pero lumuwag din ng naglaon.
Hindi pa rin ako makagalaw, wari ay nanigas ako at di ko alam ang aking magiging reaksyon. Sandaling naging blanko ang aking isip. Biglang sumingit si Dakota. “ Ang sarap naman ng yakap nya…. Ano Jessie, di ka makagalaw, gusto mo ba na I will take over?”
Ilang segundo pa ako nakasagot kay Dakota “ No, huwag, baka pag ikaw ang ag take over, ay baka maghubad na tayo agad agad! “ irap na sa bi ko kay Dakota. “Fine…” sabi nya.” I che- cheer kita. GOGOGO Jessie!” masayang dagdag pa nito.
Ninanamnam ko ang bawat sandali. Sadya ngang ang sarap sa pakiramdam. Bawat amoy nya sa akin ay dumadampi ding ang dulo ng kanyang ilong. Ang pag sayad na iyon ay nagbibigay sa aking ng kakaibang pakiramdam. Tumataas ang aking balahibo sa pakiramdam na iyon.
“Uhmmmm….” Di ko naiwasang umungol. Doon pa lang ay darang na darang na ako sa sensasyong dulot nito.
Maya maya lamang ay hindi na dulo ng ilong ang aking nararamdaman. Labi na , na dahan dahan umaakyat mula sa balikat papuntang puno ng tainga. Nararamdaman ko ding lumalakbay na ang mga kamay nito. Pumasok sa loob ng aking damit, Malapit na sa aking Boobs.. Humarap ako sa kanya para maiwasan ang kamay nitong umunta sa aking boobs, pero bigla naman akong hinagod nito mas malapit at patuloy na hinalikan ang aking leeg, madiin na ito ngayon, huwag naman sanang mag iwan ng kissmark! Naramdaman ko din na may matigas na bagay na tumutusok sa aking uson, Is it what i think it is? Yes, it is!
Natauhan ako at bilang kumalas. Nakita kong bakas ang pagnanasa sa mga mga ni Lennox. Pagnanasa na nangungusap at the same time.
“I’m so sorry…” sambit lamang nito “ Hindi ko dapat ginawa iyon, hindi ko lang talaga mapigilan."
“Naiintindihan ko, hindi naman kita masisi dahil ito ang nature natin. Once we found our mate, expected na natin na eventually, mayroon talagang mangyayari. May pakiusap lang sana ako sa iyo.” wika ko
“Ano iyon? “ parang kinakabahang tanong ni Lennox Boo
“Can we take this slow, kc, una nag aaral pa tayo. At saka, gusto kitang makilala pa ng lubos, bago pa man tayo tuluyang…. You know...At dahil din may kailangan din akong dapat ayusin.” sagot ko
Kung talagang ako lang si Jessica ay itutuloy ko na ito. Ito yung inaabangan ko dati sa mga binabasa ko. Ang chukchakan! It’s not everyday na makakatagpo ako ng ganito ka gandang lalaki, sweet at alam kong magiging tapat sa akin dahil sa Bond na umuugnay sa amin.
Gusto ko din maging Honest sa kanya, Paano ko sasabihin ang sitwasyon ko…. Kailangan ko ng guidance. Ang hirap pala nito. Napakadali pag binabasa lang, madaling mag comment ng dapat gawin, pero pag nasa katayuan na nila.
“I see, please tell me kung may maitutulong ako sa iyo, Our Bond will make us one. Share your thoughts and worries with me, sabay natin itong harapin magkasama” sinserong sabi ni Lennox.
“I will think about it. I promise, I will tell you when the right time comes…” sabi ko naman
Nagatitigan kami… unti unti syang lumapit sa akin at hinawakan ang aking mukha gamit ang dalawang kamay. Hahalikan nya ba ako sa labi, ano kaya ang lasa ng labi nya? “ Bakit di mo tikman para malaman natin?” singit ni Dakota. “ Maghunos dili ka dyan, Parang ang unfair kaya kay Jessica ang ginagawa nating ito. Tayo lang nakakaranas. “ sagot ko naman kay Dakota. “Ewan ko syo hmp!” inis na sagot naman nya.
Maya maya lamang ay naramdaman ko na ang kanyang labi sa aking mga labi. Punong puno ng pag iingat. Saglit lamang iyon… pero sobrang tamis. Ang tamis ng unang halik….sa labi. Napapak na leeg ko kani kanina lang eh!
“ I better go ahead na, baka hindi pa ako makatiis. Nahihirapan na akong pigilan din ang wolf ko na si Dark. I’ll see you tomorrow , susunduin kita dito para sabay na tayo pumasok ” sabi ni Lennox
“Sige, hindi kana nakapag kape man lang … or kumain ng meryenda….” sabi ko
“Iba ang gusto kong kainin….” pilyong sabi nito
“Sige, go na” tarantang sabi ko naman, baka malintikan na
“Alright, see you….” paalam nya.
Ramdam ko ang kanyang lungkot…. Bakit ganun, parang ako ang nahihirapan … malungkot din ako dahil malungkot sya…. Kailangan ko bumawi.
Bigla ko naalala ang gusto ko sanang endearment namin. Palabas na siya ng aking tawagin.
“Boo…” Lumingon siya “Boo ang gusto kong tawag mo sa akin..., Boo na ang tawagan natin. Paiba iba ka ng tawag eh” nakangiting sabi ko. Lumapit pa ako at kinintilan siya ng mabilis na halik. Ngumiti na ito at nagliwanag ang mukha. Success!