Dala-dala ni Ella hanggang sa pag-uwi ang isiping iyon tungkol sa pagkatao ni Jerod. Kung kaya kanina pa pala siya kinakausap ni Blesilda ay tila hindi niya ito naririnig. “Ano ka ba, Cinderella?” sigaw ng stepmother niya. Muntik na tuloy niyang mabitawan ang hawak na bandehado ng kanin. Kasalukuyan kasi siyang naghahain kung bakit nakipagsabayan ang bibig ni Blesilda sa pag-iisip niya tungkol kay Jerod. “Ano? Wala ka na naman sa sarili? Magmula nang umalis si Nick, hindi na kita nakausap nang matino. Hindi ko alam kung sinasadya mong magbingi-bingihan o talaga lang may sarili kang mundo,” sunod-sunod na litanya nito. “P-pasensiya na po, tiya Blessy. May iniisip lang po ako tungkol sa school,” nagkakandautal niyang sabi habang ibinababa ang bandehado ng kanin sa dining table. Nakaup

