Unang araw ngayon ng duty ni Ella bilang student assistant sa library ng pamantasan. May dalawang student assistant din na kasama siya, ang baklitang si Ash at ang mahiyain na si Nesly. Malaki ang library ng pamantasang iyon at maraming estudyante at mga guro ang kinakailangan nilang i-assist. Sa tulong ng mabait na assistant librarian na si Ms. Robichelle Quibael, madali niyang natutunan ang mga dapat niyang gawin. Abala siya sa pag-aayos ng mga borrower’s card nang nakangiting lumapit sa kanya si Ms. Quibael. “Ipinapatawag ka ni ma’am Portia, Elay. Kakausapin ka raw sa loob ng office niya,” malumanay nitong sabi. “Thanks, ma’am,” sabi niya habang maingat na ipinapatong sa mesa ang hawak na sangkaterbang borrower’s cards. “Ako na ang magtutuloy niyan,” wika ni Ash habang kumekendeng

