Chapter 5
Tomorrow
Kristine's POV
Isang malakas at nakakainis na ingay ng alarm clock ang gumising sa akin. Hindi ko maipinta ang mukha ko nang subukan iyong abutin ng kamay ko. Medyo maliit lamang ang bias ko. Kaya hindi ko gaanong abot at kulang din lagi ako sa exercise kasi hindi naman talaga ako mahilig sa exercise. Ayos na yung naglalakad ako sa campus.
Isa pang ingit saka ko iyon inabot at dahil nakatalukbong ako kinailangan ko pang sumilip kasi ayoko ring naliliwanagan agad yung mata ko kapag bagong gising. Masakit sa mata. I squinted to check out the time mula sa alarm clock na nasa kamay ko na and good thing I did.
Nanlaki ang mga mata kong napabangon bigla. May pasok ka ngayon Kristine Emerdia. May pasok. Lunes lang kahapon hindi Biyernes. Impit akong napasigaw saka ako napabalikwas sa kama.
Kahit kailan talaga Kristine! Nakakabwisit ka!
Nagmamadali akong tumakbo patungon sa banyo. Uso naman ang wisik-wisik lang hindi ba? Pero siyempre hindi ko gagawin iyon. Mamadaliin ko na lang ang paliligo ko mas mabuti pa. Aba'y siyempre kailangan lagi akong presentable at mabango baka mamaya makasalubong ko ulit si Hart.
Matapos maligo'y diretso na ako sa baba para kumain. Saglit lang din kasi late na nga ako magpapakababoy pa ko nang kain. Hindi ba? Wish ko lang may masasakyan na ko sa labas. I soar like a bird palabas pero joke lang kasi hindi ako ibon. Kumaripas lang ako ng takbo na halos malimutan kong bukas ang zipper ng bag ko kaya naman huminto muna ako sa tapat ng gate.
"I've been waiting here since half-past six. Ngayon ko lang lumabas? Ganyan ka bang talaga?" Marahan akong napatingin sa harap. Wishing na hindi iyon totoo at wala talaga siya sa harap ko. I thought he was joking.
Nasapo ko ang noo ko. Kristine, kaya ka nga nag-set ng alarm dahil sa kanya. Hindi ba? Para magising ka ng maaga dahil nga may mayabang na susundo sa iyo? How stupid can you get? Umirap na lamang ako. Okay hindi ako sanay na may sumusundo sa akin. Kaya I can be excused. Tama?
"I'm sorry. Nalimutan ko." Ngayon tignan mo gusto mo pang nako-konsensiya ka dahil sa taong iyan?
"It's alright. Isang oras lang naman ang hinintay ko. Kaya ayos lang." Malinaw ang pagiging sarkastiko ng ngiti niya. Kaya hindi na ko pumalag at napailing na lamang.
"Hop in." Nangongonsensiya pa. Pinagbuksan niya pa talaga ako ng pinto habang nakatingin sa malayo. Inayos ko ang nalalaglag kong salamin mula sa ilong ko pataas saka ako lumagay sa passenger's seat. Mabilis din siyang sumakay na at saka nagsimula nang magmaneho. Palabas na kami ng village namin nang mapansin kong sa ibang direksyon siya dumaraan. Kunot noo akong tumitig sa kanya. Ayos pa naman siya mukhang alam naman niya yung ginagawa niya. Pero...
Paano ako?
Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Hindi kaya may balak na masama sa akin itong mayabang na 'to? Jusko po. Iligtas mo ang aking pagkatao. Hindi dapat ako nagtiwala kagabi. Hindi dapat ako pumayag!
Isang malalim na paghinga ang aking ginawa. Kalma Kristine. Kalma. Tanungin mo na lang at baka mamaya may bibilhin lang siya o ano.
P-pero...
Hindi! Tama? Hindi pwedeng may bibilhin siya kasi hindi excuse iyon kapag na-late na kayo. Limang minuto na lamang at late na kayo o.
"A-ah, G-Gerald..."
"Bakit?" tanong niya habang nakatuon pa rin ang mga mata sa kalsada.
"S-saan ba tayo pupunta?" Saglit siyang natigilan saka na lamang humagalpak ng tawa.
"Hindi ko nga rin alam e." Sabi pa niya habang sumisinghap pa galing sa pagtawa. Sinasapian na yata itong isang ito. Jusko Ma! Gusto ko ng umuwi!
"I-ibaba mo na lang ako kung ganoon. M-magco-commute na lang ako." Lakas loob kong sinabi sa kanya. Hindi ako pwedeng magpahalata na natatakot ako sa pwede niyang gawin. Isa pa, paano yung scholarship ko? Hindi ako pwedeng malate or magpaliban man lang.
"Hindi pwede. Isa pa, you're excused." Excused? Ako? Paano?
"Pina-excuse kita kaya tigil na katatanong." Sabi ko nga pina-excuse niya ko. Saan ba naman kasi kami pupunta? Nababanas na ko, na naiiyak, na nawiwindang. Palagi na lang akong pinangungunahan ng mga tao sa paligid ko. Mabuti sana kung kaibigan ko ang isang ito. E hindi naman.
"Ang aga-aga pa. Wala naman tayong ibang mapupuntahan pa. Kung balak mong mag-cutting huwag mo akong idamay. Inutusan ka ba ng best friend mo na parusahan din ako? O baka naman magdo-DOTA ka lang? Mas may kailangan pa akong i-prioritize kaysa sa mga trip mo sa buhay. Kaya please lang, sa ayaw at sa gusto mo itigil mo itong sasakyan at bababa na ako." Sa haba ng sinabi ko isang ngiti lang ang isinagot niya saka niya ko tinawag sa pinaka-nakakainis na call name.
"Nerdy." At dumiretso pa rin siya sa pagmamaneho. Hindi ko na talaga mawari kung anong problema ng isang ito!
"Ibababa mo ba ko? O bubuksan ko 'tong pinto ng kotse saka ako tatalon? Mamili ka." He smirked at me. That was the most annoying smirked I saw in my whole life. Dahil sa lagay na iyon. Talo ako. He knew na hindi ako makakatalon kasi masyado kong mahal yung buhay ko.
"May pupuntahan lang tayo sandali. Kaya huwag ka nang mag-ingay at mangulit. Kung inaalala mo schorlarship mo. Nasabihan ko na yung buong faculty na bigyan ka ng special quizzes, activities at kung anumang kailangan mo. Kaya wala kang dapat ipag-alala." Nanahimik naman ako bigla.
Iyon nga rin ang sabi ko. Diba, Kristine? Papakuhanin ka nung mga iyon. Kaya bakit ba masyado kang highblood? Nasapo ko na lamang ang ulo ko sa sobrang stress na natamo ko ngayong umaga. Maya-maya lang huminto na ang sasakyan niya. Luminga pa ko sa tapat kung saan niya ni-park yung sasakyan. Isa iyong maliit na boutique. Marahan ko namang tinaggal yung seatbelt ko saka ako sumunod na bumaba sa kanya.
Napatakip ako sa bibig ko nang makita ko yung kabuuan nung boutique. It's all pink in colour kaya naman pabalik-balik ang naging pagtingin ko kay Gerald at sa boutique na iyon.
OMG!
Lumingon siya sa akin nang nakakunot yung noo hanggang sa magkaroon siya ng idea sa kung anong nasa isip ko.
"It is not what you think. Hindi ako bakla. Kung iyon yung nasa isip mo." Tinanggal ko naman yung takip ng bibig ko saka ako napangisi.
Defensive.
"Eh aano tayo rito?"
"Ikaw. You need this shop." Bakit naman kakailanganin ko ito? Kunot noo akong napatingin muli sa kanya.
"What do you mean?" Paano ako mamimili ng damit ni wala nga akong dalang allowance ngayon. Tsaka may sinabi ba akong gusto kong mamili ng damit ngayon? Bakit ba kasi ganito itong tao na 'to? Hindi ko siya mabasa. I don't know, ang hirap i-explain. Basta ang alam ko lang, he always decides for me.
"Can I ask you something?" Tumaas naman yung kilay niya saka niya hinagod yung panga niya in an annoyed manner.
"No. Now get in and get what you want. My mom owns this shop kaya hindi mo kailangang mamroblema sa panggastos."
"Si tita?" tumikhim pa siya saka na ko niyakag sa loob.
"Sabi ng halika na. Wala akong pakialam sa ayaw mo at sa gusto mo basta kailangan mong mamili." Tumangu-tango na lamang ako. Nahiya naman ako bigla ng iwan niya ko sa b****a kaya naman nagmamadali ako ulit na lumapit sa kanya saka ako pumulupot sa braso niya.
Ayokong pumasok ng walang kasama. Nakakahiya. Halata namang napapitlag siya sa ginawa kong iyon. Pero hindi ko pinansin. Ang gusto ko, may kasama sa loob.
"W-what do you want?" Tanong niya pa.
"Samahan mo ko sa loob." Sabi ko nang nakanguso. He tried to get rid of my hands pero mahigpit akong kumapit doon. He went here with me, kaya kailangan hanggang sa makauwi ako. Kasama ko siya. Hind sa feeling close pero...siya rin naman kasi feeling close.
"Ayoko. Ikaw na lang." Tanggi niya pa. Ngumiwi ako saka ako bumitaw sa braso niya.
"Okay. Madali naman akong kausap e." Sabi ko sabay ngiti at patakbong bumalik papasok sa loob ng sasakyan niya. Sinarado ko yung pinto noon agad-agad saka ko ni-lock lahat.
Malakas akong napatawa sa loob habang nakikita ko siya sa labas na hindi na maintindihan yung gagawin.
"Bahala ka sa buhay mo diyan." Sabi ko pa saka sumandal at pinikit ang mga mata. Panay ang pagkatok niya sa mga bintana na hindi ko pa rin pinapansin. I'm the genius Kristine. Kung ayaw niya, e 'di ayaw ko rin. Halos marinig ko na yung sigaw niya na tumatawag sa pangalan ko. Ibang klase.
Binelatan ko pa siya saka ako humarap sa kabila. Maya-maya lang nag-ring na yung phone ko. Sinulyapan ko saglit iyon. Hindi naka-register yung number. Pero sinagot ko pa rin.
"Hello?"
"Goddamn it! Are you nuts?! Bumaba ka na diyan!" I winced saka ko nailayo yung cellphone ko sa tainga ko. Bakit kailangang sumigaw?
"Open the door or I'll break you into pieces!" Humarap ako sa kanya saka ako sumibi.
"Kahit na si Sophie ang papatay sa'yo pagkatapos?" naihilamos niya naman yung kamay niya sa mukha niya saka parang sumusukong tumingin ulit sa akin.
"Sasamahan na kita. Bumaba ka lang diyan." Mahinahon na pero ramdam ko yung iritasyon sa bawat salita niya. One thing's for sure. Sophie gave him my number.
"Is that a promise?" panga-asar ko ulit saka muli siyang sumagot.
"Oo."
-----------
Gerald's POV
"W-what do you want?" Tanong ko pa kahit hindi ko maintindihan kung saan nanggaling iyong boltahe na iyon mula sa pagpulupot niya sa braso ko. What the even heck was that? Mangkukulam ba itong isang ito?!
"Ayoko. Ikaw na lang." Pagtanggi ko pa. Bakit ba kasi kailangang ako pa yung sumama sa loob? Malamang nasa loob si mama. Pipilitin lang ako non na umuwi sa bahay kapag nakita ako.
"Okay, Madali naman akong kausap e." Sabi pa niya saka na lang ako kinabahan nang makita kong pumasok siya sa loob ng kotse ko. Damn it! I tried opening all the doors nang makarating ako sa kotse pero huli na. Naka-lock ng lahat iyon. Ilang beses kong kinatok yung mga bintana baka sakali. Halu-halong kaba at iritasyon yung nararamdaman ko.
Damn it Sophie! Bakit ba ganito itong kaibigan mo? Parehong-pareho kayo! I swear if this is Sophie's influence parehas ko silang ibibitin patiwarik! Kinuha ko mula sa bulsa yung cellphone ko saka ko hinanap yung number ni Kristine doon. Mabuti na lang at nahingi ko iyon kay Sophie kagabi.
"Hello?"
"Goddamn it! Are you nuts?! Bumaba ka na diyan!" Sigaw ko sa kanya.
"Sino ba 'to?" Bullshit! Ganito ba talaga kalakas mang-asar ang isang 'to? Hindi na ko magtataka kung bakit mainit ang dugo ni Hart dito. Kundi ko lang alam yung totoong dahilan talaga hindi ako magtataka.
"Open the door or I'll break you into pieces!" Nakita ko yung pagharao niya sa akin habang nakapaskil pa yung nakakalokong ngiti. Hindi ba siya natakot sa banta kong iyon?!
"Kahit na si Sophie ang papatay sa'yo pagkatapos?" Naihilamos ko yung kamay ko sa mukha ko. Wala akong magagawa. Kung kinakailangang samahan siya. E 'di samahan!
"Is that a promise?" Damn it. This is so childish.
"Oo." Hindi ako magpa-panic ng ganito kung wala lang iyong bagay na iyon sa loob. Isa pang dahilan ng mariin kong pagkakapikit saka ako mas lalong nainis. May picture doon sa loob. Her picture. Nilagay ni Sophie for reference for today's mission. Siya yung nag-utos nito and why would I be the one to do this! Damn it! Damn it! Damn it! Maya-maya lang naputol na yung linya.
Kung hindi lang babae ang isang ito. Kanina ko pa 'to pinatulan. Bumaba siya na parang walang nangyari or she just wants me to think na hindi siya apektado sa iritasyong nakikita niya ngayon sa'kin.
Pero hindi, nagawa niya pa kong ngitian.
"Tara. Huwag kang magkakamaling umalis kundi humanda ka sa akin. Magsusumbong ako kay Tita."
"Oo na! Dami pang satsat!" hindi niya iyon pinansin saka na siya pumasok sa loob kasunod ako.
Bumungad sa amin si Mama. Napatigil naman siya nang makita niya si Kristine. I don't know if she always sees Kristine. Pero sa paraan nang pagkakatingin niya'y alam kong madalang silang magkita.
"Oh my, may girlfriend ka na namang bago, anak?"
Napahawak ako sa noo ko saka ako napailing. Akala ko kung ano na.
Tumitig naman ako kay Kristine na halos pilitin yung pagkakangiti sa sinabi ni Mama. She will never be one of them. Wala siya sa standards ng mga gusto ko.
"She is not my girlfriend, Ma. She's Sophie's best friend. I don't know if you already—"
"Of course, I know Kristine! Hindi mo kailangang ipakilala siya sa akin dahil mas madalas pang mapunta si Kristine sa bahay kaysa sa'yo. Halos doon na tumira itong batang ito sa atin dati." Tumingin siya kay Kristine saka niya ito nilapitan.
"Kamusta ka, anak? Ang tagal nating hindi nagkita. Nagulat lang naman ako kasi akala ko isa ka na rin sa isang daang libong girlfriend ng anak ko." Ulit-ulitin pa. Sige. Nakakatuwa. Kasalanan ko bang maging gwapo ako at maraming babaeng magkandarapa sa akin?
"I know what's on your mind hijo, and for your information. Hindi ka gwapo, malakas lang yung appeal mo. Pero uulitin ko, hindi ka gwapo." Sabay irap sa akin ni Mama at inakbayan niya pa si Kristine. Hilig yata akong asarin ng mga babae ngayong araw?
Not my day.
Seriously.
Not my day.
"Sige Kristine, hija. Feel free to choose. Libre lang sa'yo lahat ng narito."
"Sige po Tita. Salamat!" Tapos noon bineso pa siya ni mama at bumalik na sa register. Tumango lang si Kristine saka lumapit sa pinakamalapit na clothing rack. Limang hanay ng clothing rack ang narito. Ganon din sa mga shoe racks na nasa gilid.
Bawat malapitan niyang rack ay may nakukuha siyang gusto niya. Hindi na rin siguro siya nag-atubiling manguha dahil kilala niya si Mama. Nang matapos siya'y lumapit siya sa akin dala lahat ng mga damit na napili niya.
"Done?" tanong ko pa. Ngumiti siya bago tumango. Saka ko siya sinamahan na papunta sa counter kung saan nakatao si Mama.
"Ito na bang lahat ang gusto mo hija? Baka may gusto ka pa?" tanong pa ni mama habang ini-scan na lahat ng barcode na nasa tag nung mga damit.
"Hindi po Tita. Iyan lang po lahat. Salamat po ng marami. Babayaran ko po kayo kapag nagkapera ako." Mom smiled playfully saka napailing.
"No need. Bumalik ka lang dito lagi sapat nang kabayaran iyon. I really missed having you around." Napanguso pa si Mama saka nagpatuloy na sa pags-scan. Humarap naman sa akin itong Nerd na ito saka pa tumingkayad na ikinabigla ko na naman. Hindi pa siya nakuntento humawak pa siya sa balikat ko. Tumingkayad siya saka ko naramdaman yung pagsayad ng labi niya sa tainga ko. Nanigas yung buong katawan ko bago ko narinig yung bulong niya.
"Get rid of that picture, please?" Napapikit ako ng mariin saka ko nakagat yung labi ko.
She saw.
Fuck!