Chapter 4
Tomorrow, I'll be waiting!
Maaga akong pumanik kanina. Ang akala ko kasi makakatulog na ko ng maaga kasi pagod yung katawan ko. Kahit na yung utak ko pagod rin. Kaiisip sa pagkapahiya ko kanina. Napailing ako marahas na napabangon.
Nilingon ko yung orasan ko saka ako nagpakawala ng buntong hininga. Maaga pa naman. Lumabas muna kaya ako? Mas maganda siguro kung magpahangin ako para makapagpaantok din ako. Presko rin kasi sa katawan kapag nagpahangin ako ng gabi. I just find it soothing.
Kumuha na lang ako ng pwede kong ipan-doble sa closet ko saka na ko lumabas. Sobrang nakakainip lang kasi talaga kapag wala akong kasama sa bahay. Wala akong makausap, walang umaasikaso sa akin. Actually, okay lang naman sa akin na hindi ako inaasikaso ni mama. Ang sa akin lang siguro, kailangan ko lang ng kausap. Lalo ngayong hindi ako mapakali. Natapos ko na rin naman dapat lahat ng aralin ko. Kaya zero balance talaga ako ngayon.
Napagdesisyunan kong magpunta na lang sa paborito kong park. Bakit ko paborito? Kasi malapit lang naman sa amin. Mga limang minutong lakad lang. Mas masarap magmunimuni rin dito.
Nung una ayos pa ko. Hindi ako takot, kasi hindi naman talaga ako takot sa dilim or kahit gabi na. Since may mga nagro-rondang security guard dito sa village namin. Kaso kasi pakiramdam ko kanina pa may nakasunod sa akin. I can hear footsteps behind me. Halos kaladkarin niya na yung sapatos niya. So, it became too obvious for me. Halu-halong kaisipan na yung sumisiksik sa utak ko.
Tatakbo ba ako? Sisigaw? Tutal may malapit namang mga kabahayan dito. Actually, nasa gilid lang ng park but I'm not sure kung maririnig nila ako kasi masyadong magarbo yung mga naglalakihan nilang front yard at matataas na gate din. Marahang dumausdos yung kamay ko sa bulsa ko. Nakahinga ako ng maluwag ng makapa kong naroon yung cellphone ko.
Okay. Kalma Kristine. Lingunin mo muna. Malay mo naglalakad lang yan pauwi o kagaya mong magpapahangin din. Diba? Hindi mo naman siguro pagma-may-ari yung buong park. Tama?
Nag-ipon lang ako saglit ng lakas ng loob saka ako dahan-dahang lumingon but I didn't see anyone. Tumikhim ako at muling tinuon ang pansin sa nilalakaran ko. Pero ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang maramdaman ko ulit yung nakasunod sa akin. This time, hindi ko na lilingunin, ayoko. Guni-guni mo lang ito Kristine. Guni-guni mo lang.
"Miss." Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi makasigaw. Walang boses na namutawi sa bibig ko. Hawak niya. Hawak niya yung balikat ko. Sunud-sunod akong napalunok.
"S-sino ka?" Pakiramdam ko matatae ako sa salawal ng hindi oras. Sobrang kabog ng dibdib ko. Uso pa naman nangunguha ng bata. Hindi ako bata pero malulusog organs ko! Pero teka hindi naman siya naka-van. Naglalakad lang. Kaya may chance akong makawala, kasi wala siyang kasama. Pero paano?
"P-parang awa niyo na ho. M-marami pa akong p-pangarap. Parang awa niyo na!" ngumawa ako ng wala akong marinig na sagot mula sa kanya. Sinadya ko iyon, nagbabakasaling may makarinig. Ayoko pang mamatay. Gusto ko pang makita si Hart kahit na ipagtabuyan niya pa ko. Mas gugustuhin ko iyon. Kaysa, kaysa mamatay ako ngayon.
Hindi na siguro nakapagpigil yung masamang loob na ito at tinakpan niya pa talaga yung bibig ko. Pero hindi ako pumayag. Pilit ko pa ring tinatanggal iyon.
"Hey, hey! It's just me." Sabi pa nitong masamang loob na ito. Pero hindi ako tumigil. Nagkakawag ako para hindi niya mahawakan. Tatakbo na sana ako pero mahigpit ang kapit niya sa likuran ng damit ko. Pinigilan niya ko gamit iyon. Masyadong malakas yung pwersa niya kaya kahit anong takbo ko hindi ko magawa. Masasakal ako kapag ginawa ko iyon. Mamamatay pa rin ako. See brainy ako!
"Kalma!" halos mariin na bulong niya.
"Kapag hindi ka tumigil tatawagan ko si Hart at papupuntahin ko rito." Doon na ko natigil. Bahagya na ring lumuwag yung pagkakahawak niya sa damit ko.
Bakit kilala niya si Hart?
"P-paano—" hindi ko na naituloy yon ng iharap niya ko sa kanya. Nanlaki na lang yung mata ko nang makita ko kung sino yung taong kaharap ko ngayon.
"G-gerald?!" Nakangisi siya ngayon. Yung ngising animo'y hindi gagawa ng matino. Alam ko, oo may binabalak siyang masama sa akin!
Muli, ay sumigaw ako. This time mas malakas iyon. Kasi nagpa-panic ako ngayon, ramdam ko kasi yung ngiti niyang iyon may hindi gagawing maganda. Bu-bullyhin niya rin siguro ako or worse papatayin! Nawala yung ngiti niya sa labi nang gawin ko 'yon at napalitan din ng nagpa-panic na ekspresyon.
"A-ano ba? Wala naman akong ginagawang masama sa'yo!" Tinatakpan niya muli yung bibig ko. Ayoko nga tumigil. Sino bang hindi magpa-panic nito? Kanina lang kami nagkakilala, ng official ha. Tapos bigla-bigla siyang susulpot?
"Magsusumbong ako sa puli—mmp—tigilan mo ko—mmp!" Napapikit siya ng mariin.
"Shut up! Just shut up please!" sigaw na niya. Natahimik naman ako ron bigla. Nakakaawa nakikita kong nagmamakaawa na yung mukha niya. Saglit kaming natahimik. Saka ako napairap tuluyan niya na rin akong binitawan.
"Bakit ba kasi nandito ka? Tinatakot mo ba ko? May balak kang masama no." umiling siya at hinilot pang parehas yung mga mata niya. Nagsimula siyang maglakad papunta sa isang swing na pandalawahan, sumunod naman ako.
"Galing ako sa bahay." Umpisa niya matapos niyang maupo sa swing. Ginaya ko naman siya.
"Galing ka kina Sophie?" iyon agad yung rumehistro sa utak ko. Siguro sa ngayon kailangan ko nang sanayin yung utak ko na magkapatid sila. Kasi naman, ilang years kong inakala na single child si Sophie. Katulad ko single. Ay este. Joke.
"Yup. Tapos sakto namang habang naglalakad ako nakita kita—"
"So kapag nakita kailangan sundan?" natawa siya at umiling.
"I never took you as a talkative person." Naiikom ko naman ng hindi oras yung bibig ko. Ganon ba ko kadaldal? Matagal naman kaming natahimik matapos niyang matawa ulit sa naging reaksiyon ko. Ano naman kasing pagu-usapan namin? Hindi naman kami ganon ka-close. Isa pa, hanggang ngayon na sa akin pa rin yung impression na mayabang siya. So, hindi ko talaga feel na makipag-usap sa kanya.
But why did I follow him here?
Ewan? Natural instinct na siguro ng tao yon?
"Didn't you ever think about finding someone?"
Huh?
Lumingon ako sa kanya. Malayo ang tingin niya at animo'y wala sa loob yung tinanong niya. Nagkibit balikat ako, baka gusto lang namang maki-chismis. Well, finding someone? I don't think I can find someone na katulad ni Hart. Every girl loves him, si Sophie lang yata ang hindi attracted sa kanya.
Isa pa, kahit kailan hindi pa ko nagka-boyfriend. Ayoko rin naman kasi nakakatakot na baka mangyari pa sa akin yung nangyari sa Ate ko. Isa pa, wala namang nagtangkang manligaw sa akin. Kahit ni isa. Wala. Baka dahil sa itsura ko.
"Bakit mo naman natanong?" kuryosong tanong ko sa kanya pabalik. Rinig ko pa yung mahinang halakhak niya saka niya ko nilingon. Nasaktuhan niya pang nakatingin din ako sa kanya.
"Maga-apply sana ako." Yung laway na lulunukin ko kanina nandoon na lang sa may dulo ng dila ko at hindi na nagtuloy pababa. Kung joke ito. It's not a good joke.
Pinagmasdan ko yung mukha niya habang blangko ang ekspresyon ng mukha ko.
He is not my type.
Casanova, sobrang gwapo, masyadong maputi. Ayoko sa mga katulad niya. Tsaka anong naisipan niya bakit gusto niyang manligaw? Hindi pa naman kami close. At sa isang katulad ko pa? Isang hamak na estudyante lang ng school namin. Hindi posible.
"I think it is possible." Sabi niya. Lalo pang nangunot yung noo ko. Nailakas ko ba iyon at sinasagot niya ko ngayon?
"Anong posible?" bumuka yung bibig niya para magsalita pero tinaas ko yung kamay ko para patigilin siya saka ako nagpatuloy. "Alam mo Gerald, hindi ako tumatanggap ng manliligaw. I'm still in trauma. Ayokong magkaroon ng commitment sa isang tao na hindi ko naman gusto. Kasi for me, it's not something that you can mess up. Hindi iyon nakakatuwa. Okay?" humalukipkip ako para ipakitang proud ako at confident ako sa sinabi ko.
Bahagya siya ulit na napatawa. Maya-maya lang ay nilapit niya yung mukha niya sa akin. Ramdam ko na painit ng painit yung hininga niya na tumatama sa mukha ko, na in all fairness fresh mint ang amoy. Doon na ko nagsimulang mag-panic nang makita kong sumeryoso yung mukha niya pero patuloy pa rin siya sa paglapit na ginagawa niya.
A-anong gagawin niya?
Nakagat ko na lang ang labi ko saka ako mariin na napapikit.
Lord, kayo ng bahala sa akin. Kapag umuwi akong hindi na malinis. Kayo na lang pong bahala. Ipinagkakaloob ko na po sa inyo ang kaligtasan ko—
Isang malakas na tawa yung narinig ko.
"Now I know that I'm still right with one thing about you." Napadilat ako. Habang kumukulo na yung dugo sa loob ko.
"You're gullible." Ngumuso ako. Not that I am disappointed. Pero nagmukha akong tanga ron! Malay ko bang itutuloy niya yon? Naawa lang siya for a sec? Bwisit!
"Alam ko namang hindi ang isang katulad ko yung tipo mo, nerdy."
Nerdy? I am not a nerd! Malabo lang ang mata ko kaya kailangan ko ng salamin! Kung hindi ko suot ngayon ito. Hindi ko makikitang gwapo siya palang talaga sa malapitan. Yes! And I mean that!
"Anong bang problema mo sa akin?!" inis ko ng tanong. Sa wakas at nagkaboses din ako. Muli siyang lumapit. Muli na namang kumabog ng malakas yung dibdib ko at hindi ko maipaliwanag kung bakit laging ganito yung puso ko ngayon.
I am just not used of having someone like him, around me. Ganon siguro.
"I'm gonna take this off. Don't move." T-take it off?! A-ang alin?!
Lumapat yung kamay niya sa baywang ko. Matapos ay inusog niya ko palapit sa kanya. Mas bumilis pa lalo ang tahip ng puso ko.
"Malalaglag ka, huwag kang atras ng atras sa likod." Kaya pala. Lumingon ako. Konting espasyo na nga lang ay mahuhulog na ko sa duyan. Bakit kasi walang harang ito? Hindi safe para sa mga bata! Nako! Binalik ko yung tingin ko sa kanya kasi naman. Hindi niya pa rin inaalis yung kamay niya sa bawyang ko, habang yung isang kamay niya naman ay umumang sa salamin ko. Maingat niya iyong tinanggal mula sa mukha ko.
Kumurap-kurap pa ko ng tuluyan niya nang tanggalin iyon mula sa akin. Sobrang labo na kasi talaga ng mata ko kapag walang salamin.
"Give it back to me please." Sabi ko na lang. Para kasi akong bulag. Hindi ko magawang ikilos yung katawan ko kasi maling galaw ko lang magkakaroon na ko ng first kiss. At ayoko sa kanya manggaling iyon! Mabuti sana kung si Hart itong kasama ko!
"Much better." Sabi na lang niya. Kumunot pa noo ko.
"What do you mean?"
"Mas maganda ka kapag walang ganito." Napairap ako.
"Anong gusto mong gawin ko? Huwag na magsuot niyan? Gusto mong mawala ako sa scholarship? Gusto mong masagasaan ako sa daan? Gusto mong hindi ko na makita pamilya ko? Gusto mong—" binalik niya sa pagkakasuot yung salamin ko sa akin saka siya tumayo at umalis sa duyan na kinauupuan namin.
"I'll pick you up tomorrow." Sabi niya pa. Inayos ko saglit yung salamin ko saka ko siya tinitigan.
"Ano?"
"Bukas, bago tayo pumasok susunduin kita." Ako naman yung napatayo na at lumakad paalis doon sa duyan.
"Ano bang sinasabi mo?"
"Basta. Huwag na huwag mo kong paghihintayin ng matagal. I'll be there 7am sharp." Magsasalita pa sana ako pero he messed my hair up saka na siya umalis. Anong meron ba kasi bukas? Bakit niya ba ako susunduin? At bakit iniwan niya kong mag-isa rito?!
"Oy! Anong bukas?!" sigaw ko pa sa kanya pero wala siyang ginawa kundi ang itaas yung kamay niya. Punung-puno na talaga ako sa isang ito.
"Bahala ka. Maghintay ka sa wala!" sigaw ko ulit. Doon naman siya napahinto saka humarap habang paatras na naglalakad at nakapamulsa pa ang isang kamay.
"Tomorrow, I'll be waiting!" Sigaw niya naman hanggang nagpatuloy na siya sa paglalakad paalis. Napakamot ako sa ulo ko.
Ano bang balak ng isang iyon? Okay, sabihin na nating anong naisipan niya?
Uuwi na lang ako kaysa mag-stay pa ako rito. Baka mamaya may masasamang elemento na lumapit sa akin dito. Mahirap na, baka may balat sa pwet yung lalaking yon.
Bukas daw?
Napabuntong hininga ako.
"I'm doomed."
-----
Gerald's POV
"Tomorrow, I'll be waiting!"
Naglakad na ako palayo. Hindi ko alam kung anong naisipan ko at bigla ko na gagawin yung ganito para sa kanya. Bakit kasi tinanggal ko pa yung salamin niya?
Nagpakawala ako ng buntong hininga saka ko sinuntok-suntok yung dibdib ko.
Tama. Imposible.
Don't be as careless as everyone. Umuwi ka na lang para makapag-review.
Ha! Review? Nasaan so bokabularyo mo yon Gerald?
Susunduin mo siya bukas?
Ha! Bakit hindi mo kinuha yung phone number?
Nakakita ako ng batong sisipain saka ko yon sinipa-sipa.
Susunduin ko naman siya. Ako na lang ang bahala. Wala namang ibang ibig sabihin yung mga sinabi ko kanina. Lalo na yung sinabi kong maga-apply ako bilang boyfriend niya? Ha! Hindi pwede!
I just want to help her. Kundi lang para kay Sophie ay hindi ko kukulitin yung kaibigan niya na iyon. Mahal ko yung kapatid ko. Tama.
Magkikita kami bukas nung nerd na yon. Tama. I'll get to know her.
For Sophie!
Napangiti ako sa isipin na iyon. Hindi dahil sa naisip ko siya kundi sa rumehistrong balak sa utak ko. I have to transform her into someone Hart and the judgmental people in school won't recognize her. Yung tipong hindi na nila kakantiin yung nerd na iyon.
Parehas na kamay ko yung inilagay ko sa bulsa ko saka ako sumipol-sipol.
Matapos lang yung bukas na darating. Ipagpapatuloy ko yung paghahanap kay Melody. I'll just give myself a break from her. Tutal ngayon naman may hula na ako kung saan ko siya tuluyang mahahanap.
Doon sa lugar kung saan siya unang nakita ni Papa. Kilala ko siya, hindi siya marunong tumalikod sa pinanggalingan niya. Sigurado pa nga akong pumupunta pa rin siya bahay paminsan-minsan.
Hindi maikakaila sa kanya iyon.
Because I know her.
A lot.