Chapter 3

2695 Words
Chapter 3 Save Me "Ikaw na naman?" Iritadong tanong niya sa akin. Halatang pinigilan niya pa ang pagtataas niya ng boses dahil halos iikom niya na yung bibig niya para lang hindi hiyain yung sarili niya sa ibang tao rito ngayon. Kahit na, nakatingin naman na sila sa akin habang nakikiusyoso sa nangyayari. Ano nga bang bago? Sa tuwing magkakaharap kami ay laging ganito ang senaryo, laging kahihiyan. Hindi na ko dapat manibago. Iniintindi ko naman. Iniintindi ko na tanga ako para magkagusto sa isang taong kailanman hindi ako gugustuhin. Buti sana kung nagkagusto ako sa taong may konsiderasyon but this is the consequences of everything. Kasalanan ko ba? Hindi naman, hindi ba? Sabi ko naman sa sarili ko. Just go with the flow. Pero naman Kristine! Kung ganito naman yung kaganapan sa araw-araw, sa tuwing maghaharap kayo. Sa tingin mo ba mapaninindigan mo pa rin yung just go with the flow mong sinasabi? Nasaan ba kasi si Sophie? Sinikap kong lingunin siya roon sa table na inupuan niya kanina. Pero mukhang hindi ko talaga gabi ngayon dahil wala siya roon. Sino na lang ang pipigil sa kanya? "Ano? Tatanga ka na lang diyan?" kung kanina ay nasa level one lang ang lakas ng boses niya. Ngayon ay level two na at mas inis na iyong tono noon. Tinignan ko siya kahit na nanginginig yung buong katawan ko sa takot. See? Why am I even afraid of him? Hindi naman siya multo o kriminal para katakutan ko. Tsaka ano ba kasing gusto niyang gawin ko? Lumuhod ako rito? Magmakaawa para patawarin niya ko? I laughed at that thought, but then, I found myself kneeling down habang kagat ko yung labi ko. Kahit na kahihiyan to. Ano naman ngayon? Lagi naman na kong napapahiya. Isa pa, kanina pa ko napapahiya. Bakit hindi ko na lubusin? My knees touched the floor bago ko marinig ang mga bulungan ng mga tao. Kaya napayuko ako. Wala na lang akong ibang hinihiling ngayon kundi ang dumating si Sophie. Iyon lang. I need her here to save me. Tumingala ako sa kanya. Sakto namang nag-iwas siya ng tingin. Kaya hindi ko malaman kung ano bang iniisip niya. Hindi ko alam kung mas nagalit ba siya o talagang ayaw niya lang makita yung pagmumukha ko. I was about to say something pero may biglang pumasok. Napatingin kaming dalawa sa pinto. Bumungad sa akin yung mukha ni Sophie habang kasunod niya si Gerald. My face soured at that thought na kung ano na namang ginawa nila. Siguro nagbangayan na naman sila hindi ko alam at wala akong pakialam doon. My priority is to get out of this humiliation now. Kasi naman, gustung-gusto ko nang maihi dahil sa kahihiyan na to. I can bare it but the thought na sobra na lahat ng to sa isang araw. Hindi na kaya. "Gosh! What do you think you're doing?!" bulalas ni Sophie matapos niya kong makitang nakaluhod. Agad siyang lumapit sa akin saka hilahin patayo. Hindi na maipinta ang mukha niya at matalim ang naging pagtingin niya kay Hart. "Sophie." Mahina kong tawag sa pangalan niya. I am just happy that she's here. Sapat na iyon. Pero yung umusok yung bumbunan niya at yung possibility na awayin niya si Hart. Hindi okay sa akin yon kaya mas mabuti nang yayain ko na siya paalis dito. "Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo?" walang prenong tanong ni Sophie. Hinawakan ko yung kamay niya para pigilan ako pero humakbang siya paharap at bahagya akong hinarangan. "Bakit? Hindi mo ba pwedeng pagsabihan yang kaibigan mo? Turuan mong huwag maging tanga." Humalukipkip si Sophie saka ko narinig yung mahinang pagtawa niya na parang nangungutya. "FY-frigging I. Hindi tanga yung kaibigan ko. Mas matalino pa nga sa'yo 'to. Ikaw nga hirap kang maka-graduate because your life is heading to nothing, nowhere. Ibahin mo si Kristine. Okay? She's the one and only top student of our school." Napansin ko namang natigilan si Hart. Nawala yung kunot ng noo saka naging blangko ang ekspresyon. "Ano?" tanong pa nung huli. Tumukhim lamang si Sophie. "Anong ano? Pwede ba, kung pwede lang ha, ikaw na yung magturo sa sarili mo ng magandang asal? Wala ka na ngang patutunguhan sa buhay, pangit pa yung ugali mo. Gwapo ka nga nangangalingasaw naman yung dugo ni Satanas sa'yo. Wala rin. Diba?" hindi na nakasagot pa si Hart. Humarap na lang sa akin si Sophie saka ngumiti. "Halika na bff. Nasayang lang ang oras ko rito. Wala rin naman palang silbing kaaway ang isang 'to." Hinila niya na ko paalis habang ako ay iiling-iling na nakasunod sa kanya. "Okay ka lang ba?" tanong niya sa'kin habang naglalakad kami parehas. Tumango ako saka ngumiti. Hindi ako nangiti ng pilit dahil lang sa may dinaramdam ako. Nangiti ako kasi genuine na ito yung nararamdaman ko. Si Sophie Mendez ba 'to? Imbis na pagalitan niya ko at kung anu-anong masasakit na salita ang sabihin. Tinanong ako kung okay ako? Wow. Himala! "Oh bakit ka ngumingiti?!" pabalang na tanong niya. Tinitigan ko siya bago ako umiling. "Wala. Okay lang ako." Nakita ko pa yung pag-irap niya. Nakarating kami sa bahay. Isang oras lang siya nag-stay para mag-rant kay Hart tapos umuwi na rin siya. Ng mag-isa na lang ako. Bigla kong naramdaman yung pagka-drain ng buong katawan ko. Pakiramdam ko wala akong lakas. Hindi ko alam, bigla kasing pumasok sa isip ko yung pagluhod na ginawa ko kanina. Paano ko ba kasi nagawa iyon? Sobra na kasi 'yon. Kapag ang magulang ko yung kaaway ko hindi ko kailangang gawin 'yon. Pero siya? Siya na hindi ko kadugo at kinamumuhian ako, nagawa ko yon? God Kristine. Get yourself straight! ----- Hart Agustine Cole's POV "Halika na." yaya sa akin ni Gerald. Mistula pa rin akong parang bato. Nanigas na lamang ako sa kinatatayuan ko. Para bang sinemento yung mga paa ko. "Hart?" Hindi ko lubos maisip. Siya, siya at siya pa rin ang kamumuhian ko. Mas lalo lamang akong namuhi ng dahil sa nalaman kong impormasyon na iyon. Hindi naman magsasalita si Sophie ng ganon kung hindi totoo. Tama? "Totoo bang-" "Oo totoo." Doon na ko napatingin sa kanya. Saglit kaming nagsukatan ng tingin bago siya na yung nagputol noon at naunang lumabas sa akin. Sumunod naman ako. "Ibig sabihin ba non-" "When Ate Melody left siya na yung pumalit sa kanya. Parehas silang pinakamataas sa klase nila at parehas silang may participation lagi sa mga school contests. Ang kaibahan lang Kristine's average point is higher than Ate Melody's. Kaya nga accelerated ang isang iyon." Nanahimik na lamang ulit ako. Bago siya ay iinat-inat at humihikab. "Hindi mo pa rin ba siya nalilimutan?" pagbasag niya sa katahimikan. Nilingon ko siya, kitang-kita ang pait sa mukha niya at dinig ko rin iyon sa tono ng boses niya. I am the same age as Melody, kaya naman nung nawala si Melody ay ako na ang tumingin dito sa isang ito. Parang ako na rin ang nagsilbing nakatatanda niyang kapatid kapalit ni Melody. Ginawa ko lahat mahanap lang siya. Pero bigo ako, bigo akong malaman kung bakit, paano niya nagawang iwan kaming may katanungan sa isip. I wasted my life after she left. Bakit? Kasi ganon ko siya minahal. I tried putting my attention to different girls, pero iisa lang ang nagiging tingin ko sa kanila. Lahat sila, pare-pareho. Iiwan at iiwan ka sa oras na wala nang maramdamang pagmamahal para sa iyo. "Umuwi na lang tayo." Pag-iwas ko sa tanong niya. Malapit na rin naman na kami sa bahay ko. "Bakit ba ang init-init ng dugo mo kay Kristine?" tanong niya nang makatapat kami sa gate ng bahay ko. Tinitigan ko lamang siya saka ako napatawa ng pagak at umiling-iling. "She reminds me of her at alam mo iyon. They have this resemblance, similarity and that makes me hate her." Lalo na ngayong nalaman kong siya ang pumalit kay Melody bilang top student ng school namin. Matagal siyang natigilan mukhang nag-iisip. Tinapik ko na lamang siya sa balikat para mabaling muli sa akin yung atensiyon niya. "Hindi ka na ba papasok?" tanong ko pa. "Hindi na. Uwi na ko." Tumango na lamang ako. Akto sanang pabukas na ko ng gate nang matigilan ulit ako sa sinabi niya. "She's prettier than her if you were to ask me. Kaunting ayos lang ang kailangan." Tuluyan ko nang binuksan yung gate ko at pumasok sa loob. ----- Gerald Mendez' POV Ganoon pala yung dahilan niya. Pero ni minsan talaga hindi ko naisip o napansin na magkamukha ang dalawang iyon. Ate Melody has this sophisticated beauty while Kristine's simple. Napakasimple. Nasipa ko yung batong nasa harapan ko. Bakit ba iniisip ko pa iyon? Sinundan ko ng tingin yung batong sinipa ko hanggang sa mag-angat ako ng tingin. Malapit na rin kasi ako kina Mama. Pansin ko naman agad yung kotseng nakaparada sa may tapat ng bahay namin. Nagtaka ako kaya bahagya akong lumapit. Bukas yung bintana sa driver's seat. Malapit na ako ng bigla iyong umandar at umalis. Nagtataka man, hindi ko na lang din pinansin. Hindi ko rin masabi, baka mamaya minamanmanan sina Mama nong lintik na yon. Pagpasok ko sa bahay ay nadatnan ko si Sophie sa loob. Nakaupo sa couch na nakalagay sa living area ng bahay. Ngumiti naman siya agad sa akin at saka nilingon si Mama para lang isigaw na narito na ako. "Mama! Si Kuya!" sigaw pa niya nang paulit-ulit. Sinisiguradong maririnig ni Mama na kalalabas lang mula sa kusina. Ngiting-ngiti naman siya nang makita ako. "Himala. Nauwi ka yata ngayon?" kunot noo akong napatingin kay Sophie. Halata namang pinipiglan niya yung tawa niya hanggang sa mapagtanto ko na kung anong nagyayari. Ang sabi niya may ipagu-utos si Mama sa akin kaya ako umuwi rito but it looks like I ended up here nang dahil lang sa naloko niya ko. "May ipagu-utos daw po kayo sabi ni Sophie?" patanong ko nang banggit kahit alam ko nang wala naman talaga. Pigil na pigil naman yung paa kong lumapit kay Sophie. Hanggang sa lumakas na yung tawa ni Sophie at hindi ko napigilang lumapit sa kanya. Nagsimula naman siyang tumakbo at nagpaikot-ikot pa sa bahay. Samantalang para naman akong tanga na hinahabol siya. "I knew this is going to happen!" inis na sabi ko pa. Nagtago naman siya sa likod ni Mama at nanghingi pa ng tulong. "Mama si Kuya." Sumbong pa niya na parang bata habang tatawa-tawa pa rin siya. Hanggang sa matawa na lang din ako sa katangahan ko. Bakit ba ako naniwala sa isang ito? Kakamot-kamot naman ako ng ulo na napaupo sa couch sabay sunod din ni Sophie na hinihingal pa at inuubos yung tawa niya. Umiiling-iling na lang ako habang nakangiti sa kanya. "Siya nga pala hijo. Kamusta na ang paghahanap mo?" tanong niya nang makabawi kami ni Sophie sa hingal namin. "Still the same. Wala pa ring pagbabago." Sagot ko. Rinig ko namang pumalatak siya bago magsalita. "Sabi ko naman kasi sa iyo. Itigil mo na iyan." I am fully aware na hindi niya gusto itong ginagawa ko. Kahit na noon pa man, siya ang kauna-unahang tumutol sa plano kong paghahanap kay Melody. Pero hindi iyon umeepekto dahil nakatanim sa isip ko na gusto ko siyang pagbayarin sa lahat ng ginawa niya, lalo na sa nangyari kay Papa. "May kotse kanina sa labas. May bisita ba kayo kanina?" pagi-iba ko sa usap. Kung hindi ko iibahin iyon malamang abutin na kami ng hatinggabi sa pangungumbinsi niya sa akin. "Bisita? Kotse?" Magkasunod na tanong niya. "May nakita akong kotse na nakaparada sa tapat ng bahay. Titignan ko pa nga dapat kung sino kaso umalis na agad." Mas lalo pang nangunot yung noo niya saka umiling. "Wala naman akong bisita kanina. Baka naman sa kapit bahay nating bisita yon. Naki-park lang diyan. Sa susunod nga maglalagay ako ng 'no parking' sign para hindi ma-block yung harap ng gate." Tumango na lamang ako. Maya-maya lang ay tumayo na ako saka nagpaalam. "I gotta go now. May kailangan pa kong gawin." Mabilis pa sa alas kwatrong nagbago yung ekspresiyon ni Mama. I can see the frustration drawn to her face na halos makasanayan ko na kasi kada pumupunta ako rito at aalis muli ako ay ganon lagi ang reaction niya. Para ba siyang napapagod na kapapauwi sa akin. "Anak, umuwi ka na lang muna rito." Nagpaskil ako ng tipid na ngiti. "Oo nga Kuya. Wala akong ma-bully kapag wala ka rito." Isa pang ngiti ulit ang ibinigay ko sa kanilang dalawa. Saka ako umiling. Alam kong iyon pa lang ay batid na nilang talo na sila at hindi nila ako mapipilit kaya sabay pa silang napabuntong hininga matapos kong gawin iyon. "Alis na ko Ma." Humalik ako kay Mama saka ako bumaling kay Sophie. "Soph, pakabait." Mabilis na umikot ang itim ng mga mata niya at hindi na ko pinansin. Natatawa na lang akong tumalikod na. Maglalakad lang ako ngayon tutal malapit lang naman ang condo ko rito. Mabuti na lamang at may ipon na ako nung umalis ako sa bahay. Hindi naman kasi ako aalis kundi ako pursigidong pagbayarin si Melody sa ginawa niya kay Papa. Sa oras lang na mahanap ko ang isang iyon, hindi ko lang siya pagbabayarin, pagsisisihin ko rin siya. ----- Kristine's POV "Mama!" pababa na siya ng hagdan nang maabutan ko siya sa loob ng bahay. "Nandito ka na pala anak. Nasaan si Sophie?" bihis na bihis na naman siya. Malamang pupunta na naman siya ng ampunan. Volunteer kasi siya ron. Ang kwento niya, hindi pa ko ipinapanganak ay talagang gawain niya ng mag-volunteer sa ampunan na iyon. Naitanong ko nga minsan kung bakit hindi na lang siya mag-madre. Ang sagot niya, "na-in love kasi ako sa Papa mo, anak.". I rolled my eyes at that thought. "Umuwi na si Sophie, ma. Punta ka pong ampunan?" umiling siya. Kumunot yung noo ko. "Punta muna akong simbahan para tumulong sa pagaayos ng hapunan na dadalhin sa ampunan. Marami kasing inaasikaso sila Sister Zeny at Mother Vity Mabuti nang mapunta ako ng maaga roon." Ngumuso ako saka tumango. "Gagabihin po ba kayo ng husto?" tanong ko pa. "Baka doon na lang din ako matulog. Inayos ko naman na yung mga gamit mo, nag-iwan na rin ako ng dinner sa ref i-microwave mo na lang." tumango ulit ako. Kadalasan talaga ganito siya. Halos doon na yata siya tumitira kapag maraming kailangang asikasuhin sa ampunan. Naiintindihan ko naman kasi gusto ko rin siyang malibang at isa pa, gusto niya naman yung ginagawa niya. Humalik siya sa pisngi ko bago nagpaalam na. And I am here, alone, again. Ang boring kapag mag-isa lang ako. Hindi katulad naman pag nandito si Mama, o kaya si Sophie kapag nago-overnight dito. Pumanik ako para maiayos ko na yung gamit ko at makaligo na. Para naman maalis din sa isip ko yung kahihiyan na nangyari kanina. Sigurado akong patay-p*****n na naman ako bukas nito. Nakahiga na ko sa kama nang mag-ring yung teleponong nasa baba. Marahas akong napabuntong hininga. Kahihiga ko pa lang naman. Nagi-isip pa ko para bukas. Jusko naman! Sino ba naman yung tumatawag na yon? Tumakbo ako pababa para abutin ko pa yung tawag. Mabilis kong iniangat yung telepono. "Good evening, Emerdia residence." "Kristine..." Nanlaki agad yung mga mata ko matapos kong marinig ang boses na yon. Isang buwan, isang buwan siyang hindi tumawag. At ilang taon! Ilang taon siyang hindi nagpakita! Sinong hindi mae-excite nito?! "Ate!" abot tainga ang ngiti ko. "Oy, Chill lang aba." Sabi pa niya. Umiling ako na parang nakikita niya. Hindi ko kayang kumalma. "Paano ako kakalma ate. Ngayon ka lang ulit tumawag!" Narinig ko pa yung pagtawa niya. "Nandiyan ba si Mama?" tignan mo to. Si Mama agad tinanong. "Wala ate, kaaalis lang. Nagpunta ng ampunan. May kailangan ka ba kay Mama?" saglit siyang natahimik. Rinig ko yung marahan na pagbuntong hininga niya saka siya nagsalita ulit. "I'm going back home, soon. May mga bagay lang ako na aayusin then after that pwede na kong mag-stay na diyan sa atin." Mas lalo pa yatang umabot sa tainga ko yung ngiti ko. So, she's staying here for good na? Wala ng layas layas? Finally! Finally! "OMG Ate! Sige sasabihin ko kay Mama! Nae-excite na ko! Miss na miss na kita!" malakas na pagtawa pa yung narinig ko ulit saka siya sumagot. "I miss you more. Ikaw talaga kahit kailan. Sige na, I need to go. Kailangan ko na magpahinga." Para akong bata na nagtatatango saka ako nagpaalam na at binaba yung telepono. Sa wakas, she's coming back home after all those years. Pagpanik ko ay nakangiti pa rin akong sumalampak sa kama ko. Kabi-kabila yung naiisip kong gawin kapag uwi niya. Sigurado ako, sigurado akong ipagtatanggol niya ko sa kahit sinumang umapi na sa akin. Marahan akong napapikit habang may mga ngiti pa rin sa labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD