Chapter 2
Brother
"Let my best friend go you freaking bitches!"
Malakas na napatawa si Chloe. Hinarap niya si Sophie na akala mo ay wala roon yung lalaking iyon na kaibigan ni Hart.
"Why Sophie? Anong gagawin mo? At bakit ang kapal ng mukha mong isama ang isang prince namin?" Prince? As in prinsipe? As in royal blood. Royal blood means walang nagma-may-ari sa kanila. They can't say that this guy is also their property. Yung lagay na iyon, lahat ng lalaki kailangan na nilang angkinin? Bwisit yata.
Lumipat ang tingin ko kay Sophie. Sa nakikita ko ngayon talagang desidido siyang mangalbo. Naga-alala rin naman ako. Alam ko naman kasing matapang siya. Ang pinaga-alala ko, alam na alam ko kung anong kaya niyang gawin kapag nagkakaganito na siya.
"Why are you even asking? You b***h. We're not even close."
Mas lalo akong nataranta.
Gosh! Anong gagawin ko?
Natatakot lang ako sa pwedeng mangyari sa kanya. Hindi dahil sa masasaktan siya nina Chloe. Alam ko namang kayang-kaya niya sila. Ang kinatatakot ko lang baka yung pagpatol na gagawin niya mag-cause pa ng suspension niya or worse ma-kick out siya at ayokong mangyari iyon! But I can't voice anything out to stop her.
Nakita ko na lamang na bumagsak si Chloe. Kaya naman nabitawan ako ng mga alipores niya at dinaluhan siya.
Ako naman ay nanatiling nakatulala at napaluhod na lang sa sahig. Pabalik-balik ang tingin ko kina Chloe at kina Sophie hanggang sa mabaling yung tingin ko sa lalaking nandoon pa rin at walang katinag-tinag. Walang hiya naman! Hindi niya inawat? Pachill-chill lang siya ron? At pinanuod niya lang talaga sila? Anong pinagkaiba niya sa mga kaibigan niya pa?!
"Ano uulit pa kayo?!" sigaw ni Sophie bago inambaan pa yung mga alipores ni Chloe. Na ngayon ay nanginginig at ngumagawa na parang bata. Akala mo ay mga bata silang gutom kung makaiyak.
"Dad's gonna know about this!" maarte pa niyang sabi habang tulo ng tulo yung luha at uhog niya. Hindi ko napigilang hindi ngumiti ng palihim. Pwera biro, ang ganda ng isang Chloe may ipapanget pa pala. Gusto ko sanang tumawa ng malakas kaso ayokong mapag-initan pa nila ng husto.
"Oh, eh di magsumbong ka, pakialam ko?" matapang na sagot pa ni Sophie sa kanya.
Nagtatakbo naman silang lahat palayo.
"Bff, okay ka lang?" tumingin ako sa kanya habang siya ay palapit sa akin. Bakas sa mukha niya ang paga-alala. Ako rin naman, naga-alala. Lalo na ngayong binangga niya pa si Chloe. At pinagbantaan pa siyang isusumbong siya sa tatay non.
"Anong ginawa mo?" hindi naman na kasi niya dapat ginawa iyon. Paano kapag na-kick out siya? Cargo de consiencia ko pa yon. At iyong lalaking iyon?
"Tinulungan ka. Obviously. Bakit?" napa-poker face ako. Pilosopo pa itong babaeng ito. Ako na nga lang itong naga-alala sa kanya.
"Alam ko kung anong uri ng pandiwa yung ginawa mo. Pero, bakit? Alam mo naman na pwede kang masuspende hindi ba?"
"Alam ko, at okay lang iyon. Huwag kang mag-alala. Tumayo ka na lang diyan. Sabay na tayong umuwi." Nagtaas ako ng kilay habang hinahayaan ko siyang tulungan akong makatayo. Bakit ba parang wala lang sa kanya? Maki-kickout na siya chill na chill pa rin siya!
Inayos ko yug salamin ko sa mata at hinawi yung kulot kong buhok.
"Ano tara na?" yaya nung kasama niya kaya sabay kaming natuon ang atensiyon sa kanya. Nayayabangan lang talaga ako sa lalaki na ito. Hindi ko alam. Ano ba siya ni Sophie? Boyfriend? Pero wala namang nababanggit si Sophie sa akin na may boyfriend siya ha? Maliban lang sa crush niya yung isa sa kaibigan ni Hart.
"Can you just help me here, Kuya? Nakakahiya naman sa'yo. Ako na yung humarap doon sa mga haliparot na iyon tapos hindi mo pa ko tutulungan dito." Napanganga ako. Anong Kuya? Kuya niya siya? Ay mali, mag-kuya sila? Ay mali, magkapatid silang dalawa?!
"K-kuya?!" sabay pa silang napatingin sa akin. Lukot na lukot siguro ang noo ko gayon pero sila parang wala lang. Parang wala lang na nabigla ako. Yung totoo, anong nangyayari sa mundo?
"Magkapatid kayo?" tuluyan na kong nakatayo. Naisipan na rin kasi akong alalayan nung Kuya raw ni Sophie. Sumasakit pa nga yung mga braso ko dahil na rin siguro sa pagkakahila nung mga alipores ni Chloe.
Rinig ko yung malakas na paghalakhak nung lalaking 'to habang tinatayo niya ko.
"Bunso, bakit hindi mo sinabi sa kanya? Kinakahiya mo na ba talaga ako?" sabi niya habang nakatingin kay Sophie at malaki ang ngiti. Inirapan naman siya ni Sophie saka itinuon sa pagtatayo sa akin yung tingin niya.
"If I can remember clearly, wala akong kapatid na mayabang." Sabi pa ni Sophie.
Naguguluhan pa rin ako. So, magkapatid nga sila? Paano nangyari yon? Lagi naman kaming magkasama ni Sophie at kahit minsan wala siyang nabanggit na may kapatid siya. Kasi, come to think of it, kapag pumupunta ako sa bahay nila wala naman akong nakilalang kuya niya. Even pictures, wala.
Isa pang malakas na pagtawa yung ginawa nung lalaking to saka siya nagsalita.
"Tara na. Nasa parking lot yung kotse. Ihahatid ko na kayo." Hindi sumagot si Sophie at ako naman wala ring masasabi because I am still mind blown. Naguguluhan pa rin talaga ako.
Lulan kami ng kotse at ramdam ko yung awkwardness sa loob. Wala silang imikang magkaptid. I swear. Para talaga silang hindi magkapatid. Kasi pakiramdam ko hindi talaga sila close.
"Kuya." Tawag ni Sophie sa kanya.
"Hm?"
"Wala ka bang balak umuwi sa bahay?" tanong pa ni Sophie. Feeling ko rin ay normal lang iyong ganong tanong sa kanya.
"Wala pa. Hindi ba ang sabi ko, hindi ako uuwi hangga't hindi ko nahahanap si Ate?"
Mas lalo namang nanlaki yung mata ko. Hanudaw?! May ate pa sila?! Bakit ngayon ko lang nalalaman lahat ng kaganapan na to? Mygod Sophie! Ang dami mo palang nililihim sa akin!
"Sige ikaw na bahala." Saglit ulit silang tumahimik at ako naman ay puro lunok lang yung ginagawa ko. Maya-maya pa ay nagsalita ulit si Sophie.
"Siya nga pala, pinapasabi ni Mama na dumaan ka raw sa bahay. May ibibilin yata."
"Okay." Tipid na sagot na lamang nung kuya niya.
Tumingin naman ako kay Sophie at saktong nakatitig din siya sa akin. Mukha namang nakuha niya kung anong iniisip ko ngayon kaya ngumiti lang siya at nagbigay ng assurance sa akin.
"Mamaya ko isisiwalat ang lahat magandang binibini." Sabay kindat niya pa sa akin. I made a face. Sa pagkakaalam ko kasi, kaisa-isa lang talaga siyang anak. How come na ganito ang malalaman ko ngayon?
Nakarating kami sa bahay. Pagbaba ko ay sumunod sa akin si Sophie. Aba'y dapat lang. I need to hear her explanation. Naghintay akong ibaba ng lalaking to yung bintana sa driver's seat.
"Sige na, lumayas ka na." sabi pa ni Sophie sa kanya. Isa pang tawa yung pinakawalan niya.
"Sige mukhang naguguluhan yang kasama mo." Pumalatak siya, lumabas ng kotse at sumandal sa pintuan noon.
"Bakit mo kasi ako kinahihiya. Iyan tuloy, hindi niya ko kilala." Bumaling siya sa akin. Sumilay ang isang ngiti sa kanyang bibig. Inilahad niya yung kamay niya saka siya nagsalita ulit.
"Gerald, Gerald Mendez. Ang kaisa-isang gwapong kapatid ni Sophie." Kumindat siya matapos niyang siya na yung mag-abot ng kamay ko. Napangiwi ako. Casanova type.
Wala naman din akong choice kundi sabihin sa kanya yung pagalan ko.
"Kristine Emerdia." Sumeryoso yung mukha niya.
"I know. Matagal na kitang kilala. Ikaw yung binu-bully ng kaibigan ko." Tipid na ngiti yung binigay niya saka nagpatuloy. "About that. Wag mo na lang siya gaanong pinapansin. Ganon talaga yon. Napapagalitan ako ng bunso ko kapag hindi kita naipagtatanggol. Kaya mas mabuti pang huwag mo na lang siyang lapitan." Sabay ngiti niya ulit.
How can I not come near him? Sige nga, paano? I get used to it. Paano ko babaguhin at tatalikuran yung nakasanayan na? Hindi ko na lang iyon pinansin, kaya tumingin na lang ako kay Sophie, na matalim ngayon yung tingin sa kapatid.
"I think I have to go. Baka mabugbog na naman ako." Lumapit kay Sophie saka ginulo niya yung buhok nito.
"Uwi ng maaga bunso."
"Oo, layas na!" tatawa-tawa siyang sumakay ng sasakyan at pinaharurot iyon paalis. Sinakto ko namang mawala na sa paningin namin yung sasakyan ni Gerald saka ko hinarap si Sophie. Maigi ko siyang tinitigan. Saka ako pumamaywang.
"Explain everything to me Miss Mendez." Alangan pa siyang ngumiti saka nag-peace sign at tumawa na animo nahuli sa nagawa niyang kasalanan. Hinila ko siya papasok sa bahay. Dinaig ko pa yung pulis kung magaladkad ng suspect nito.
"Bff, masakit!"
"Manahimik ka!"
Hindi ko na siya narinig na humirit. Nakasalubong pa namin si Mommy saka namin siya binati. Matapos non ay patuloy ko siyang hinila papasok sa kwarto ko saka ko binalibag yung pinto. Pinaupo ko siya sa kama saka ko siya hinarap ulit.
"Now tell me. Paano ka nagkaroon ng kapatid? Samantalang sa pagkakaalam ko kaisa-isa ka lang na anak. You never mentioned anything Sophie. Sa tinagal-tagal nating magkaibigan." Ngumisi lang siya at mukhang natatawa pa sa inaasta ko.
"Umupo ka nga." Hinila niya ko paupo sa tabi niya. Napapikit pa siya at bumuntong hininga before clearing her throat.
"Let's start with Kuya Gerald. He's my brother, katulad nga ng natuklasan mo ngayong araw, he's my brother, by blood, by the flesh. Meaning biological brother ko like in full." Nagtaas yung kilay ko.
"Bakit may kapatid ka bang half lang?"
"Yes, Ate Melody. She's my half-sister, I mean half-sister namin siya ni Kuya Gerald. Anak siya ni Papa sa ibang babae." Sinarado ko yung bibig kong kanina pa nakanganga. I never thought na may ganitong issue yung pamilya niya. Kasi kung titignan parang okay na okay lang siya sa lahat ng bagay. At lagi naman siyang masaya, bihira rin siya magka-problema.
"I'm sorry." Halos pabulong kong sabi.
"No need. Tinanggap ko iyon kasi. Gusto ko rin naman magkaron ng babaeng kapatid." Tumango-tango ako.
"So, ayon. One day, bigla na lang nawala si Ate Melody. May iniwan naman siyang sulat. Pero wala siyang in-indicate kung saan siya pupunta. Nakalagay pa nga roon na sumama siya sa boyfriend niya." Sumama? Bakit hindi nila i-confront yung lalaking iyon to know where she is.
"Bakit parang galit si Gerald sa kanya?" obvious naman kasi. Na may sama siya ng loob, sa tono pa lang ng pananalita niya kanina.
"Nag-alala ng sobra si Papa sa kanya. Then, all of a sudden Papa became weak, hanggang sa magkasakit at...mawala siya." Saglit kaming natahimik. I want to say another sorry pero kung gagawin ko iyon baka sawayin niya lang ako ulit. Nakangiti siyang tumitig sa akin.
"That's why sobrang nagalit si Kuya Gerald. Kaya siya umalis ng bahay, at hanggang ngayon ay hindi siya tumitigil sa paghahanap kay Ate Melody, kasi sinisisi niya si Ate Melody sa pagkamatay ni Papa. Pinangako niya kay Papa na hahanapin niya si Ate Melody. May sarili na siyang condo kaya dinadalaw-dalaw na lang namin siya ni Mama roon."
Ngayon, malinaw na. Ang hindi lang malinaw sa akin. Bakit niya itinago sa akin lahat ng to?
"Bakit ngayon mo lang sinabi lahat ng iyan?"
"Iyon kasi yung gusto ni Mama. Yung ilihim na lang namin sa lahat ng tao yung mga ganong bagay. Ultimo mga pictures nila Ate at Kuya tinanggal niya dahil sa kagustuhan niyang huwag na malaman ng iba." Then that explains it. Nakakamanghang isipin na may ganitong cases pala. Pero nakakalungkot at the same time kasi sa taong malapit pa sa akin nangyari yung ganito.
"Nasubukan niyo bang tanungin yung boyfriend ni Ate Melody mo?"
Natahimik siya saglit. Bumaba ang tingin saka muling ibinalik sa akin iyon.
"Sinubukan namin siyang kausapin. We even confronted him kasama si Papa. Pero napag-alaman naming hindi rin nagpaalam sa kanya si Ate. That's why Hart became that cold and sadist. Kasi masyado niyang minahal si Ate Melody non at wala siyang kamalay-malay na iniwan siya." I tried to absorb that again.
Si Hart?
Hart Agustin Cole?
Hindi ko alam kung matutuwa ako. Kasi nalaman ko ngayon kung bakit siya nagkaganon at kung bakit ganon yung turing niya sa akin. Pero hindi pa rin, mali pa rin talaga. Ako yung pinaginitan niya. Sa lahat ng babae, bakit ako pa?
"Sana ikaw na lang makaalam nito bff ha?"
Marahan akong tumango. Desidido na ko. Hinding-hindi ko na lalapitan pa ulit si Hart. Kasi ayoko na. Iintindihin ko na lang siya.
"I'm hungry. Seven-eleven tayo?" Ngumiti ako sa kanya saka tumango.
"Magbibihis lang ako."
Alas-sais na ng gabi nang makarating kami sa seven-eleven. May iilang estudyante pa na galing sa ibang school kaming nakasabay na naka-uniform pa at nagku-kwentuhan sa loob habang kumakain.
"Big bite tayo?" tumango lang ako kay Sophie. Kumuha na rin kami nang maiinom bago ko kinuha sa kanya at ako na yung nagbayad habang siya naman ay pinaghanap ko nang mauupuan namin. Sabi ko kasi rito na lang namin kainin. Gutom na kasi kami parehas hindi na kayang i-take out to.
"Here's your change ma'am." Ngumiti ako sa cashier at kinuha yung tray na may laman nung binili namin. Sakto namang pagtalikod ko tumapon iyong laman noon. Ano ba yan! Kinasarap-sarap ko yung pagkain. Gutom na gutom ako! Haharang-harang naman kasi itong lalaking ito naman.
"What the f**k. Tatanga-tanga ka ba? Hindi ba pumasok sa isip mong may kasunod ka sa pila?" Oo nga naman. Kristine, parang awa mo na. Gamitin mo minsan yung common sense mo.
"Sorry—" hindi ko na naituloy yung sasabihin ko nang makita ko kung sino iyon. Bakit hindi ko agad nakilala? Boses niya yon. Sigaw niya yon. Napapikit ako ng mariin saka ko nahigit yung paghinga ko.
"Hart." Lumabas yon sa bibig ko na parang katapusan ko na.
God Sophie.
Save me.