Chapter 1
Monster and Bitches
Kristine Emerdia's POV
"What the f**k is this?" galit na sigaw niya. But his eyes are cold as ice na para bang kaunti na lang ay mauuyam na siya sa pagmumukha ko. Hindi ako sumagot, and I guess that was a wrong decision. Nang wala siyang nakuhang sagot sa akin. Binato niya yung regalo na ibinigay ko sa kanya.
"I-I...I was just trying to make you happy." Ramdam ko ang pangingilid ng luha ko. And I don't have any idea what to do. Ang akala ko lang naman kasi masisiyahan siya kapag binigay ko sa kanya yung regalo. Hindi ba? Sino bang tao yung hindi matutuwa kapag nakatanggap ng regalo? At sa araw pa ng mga puso. 'diba?
"I don't need that piece of s**t! Bakit ba kasi sa lahat nang makakapalitan ko ng regalo ngayong araw na ito. Ikaw pa? What bullshit is that?" maangas na sigaw niya sa akin. Natutop ko yung bibig ko.
Nakakatakot siya. Oo natatakot ako. Pero ano ba kasing kasalanan ko? Binigay ko lang naman yung regalo. Hindi ko na rin naman siya nilapitan nitong mga nakaraang araw. Kasi busy akong mag-gantsilyo.
"Alis." Para akong maamong pusa na humingi ng awa sa kanya sa pamamagitan ng tingin ko. Pero waepek kasi sinigaw niya lang ako ulit.
"Alis sabe! Nakakahiya sa iba!" sumibi-sibi ako.
Ang sheket. Parang napa-aray na lang ako sa isip ko. Halos kasi isuka niya na ko. Grabe naman. Ganon ba talaga ako kapangit para kainitan niya ko ng ganon? Hindi ba talaga ako kagusto-gusto? Sabi naman ng nanay ko maganda naman ako.
Siguro talagang sinungaling yung mga magulang. Siguro kaya lang nila sinabi iyon kasi ayaw nila akong masaktan. Pero tumitingin naman ako sa salamin. May itsura naman ako kahit papano. Ayaw niya ba nung nunal ko sa mukha? Bakit? Isa lang naman iyon ha? Masama bang magka-nunal? Gusto niya ba ipatanggal ko iyon? O baka...baka yung kulot kong buhok? Maganda naman yung buhok ko para nga iyong mermaid hair pero in a sabog version. Tapos yung mga freckles ko sa mukha na in all honesty I admire so much! Yung salamin ko ba na makapal yung ayaw niya? Ano namang gagawin ko? I can't be blind when going to school! Tama Kristine! Iyan na, nasagot na niyan lahat ng katanungan mo. He will never like you because you're too ugly for him. Hindi ka pasok sa standards niya.
Wah! Gusto kong magwala!
"Tama na 'yan Cole. Parang iyon lang naman." Pigil sa kanya nung isang kasama niya. Araw-araw kasi ganito ang scenario. Lalakad silang apat na magkakaibigan. Na para bang dumating na yung F4 sa school. Tapos pagtitinginan sila. Titignan naman nila. Bakit ako? Tinitignan ko rin naman sila, bakit hindi nila ako tignan pabalik? Kailangan ko pa talagang magpapansin ng ganito.
"Tara na. Sira na naman ang araw ko dahil sa babaeng 'to." Hindi pa rin nawawala yung galit na titig niya sa akin saka na siya tumalikod. Sumabay naman yung mga kasama niya. Nang madaanan niya pa yung binigay ko sa kanyang regalo sinipa niya pa iyon na animo latang walang laman na ginagamit sa tumbang preso.
Umusok yung ilong ko.
Matapos kong paghirapan at pagpuyatan ng ilang gabi at araw yung scarf na iyon. Ganito lang yung gagawin niya? Aba! Hindi naman yata ako papayag na ganito na lang lagi yung gagawin sa akin!
Pinulot ko yung scarf saka ko iyon ikinuyumos sa kamao ko.
"Hart Agustin Cole!" sigaw ko. Sabay-sabay naman silang humarap sa akin. Pero sa kanya lang natuon ang pansin ko dahil sa tingin niyang sa palagay ko ay mapapatay ako. Lakas loob akong huminga.
Kaya mo 'yan Kristine! Kaya mo 'yan! Ipakita mong isa kang babae na mula sa angkan ni Gabriela Silang!
"You'll pay for this! And I swear, you're going to regret every single word you said!" saglit na natahimik. Siguro mga sampung segundo iyon hanggang sa umalingawngaw sa kahabaan ng hallway yung pagbunghalit niya ng tawa.
"Are you threatening me? Yeah, right."
"Bakit? S-sa tingin mo b-ba may iba pa?" damn it! Don't stutter Kristine. Don't. Ever. Do. That!
Isa pang malakas na tawa yung pinakawalan niya saka siya nagsalita pa ulit.
"You really are threatening me? Wow! Listen to that everyone! This desperate girl threatening your very own!" alam ko! Oo malakas siyang mang-asar. Kaya nga sobra na kong asar dahil sa kanya tapos ibo-broadcast niya pa sa ibang tao itong nangyayari? Sabagay Kristine. Anong pinagkaiba non sa panga-away niya sa iyo kanina? Meron ba?
Rinig ko naman ang tawanan ng mga taong nanunuod sa amin.
Oh. What I mean is...
Nakiki-chismis!
Wala na kong masabi. Umiling na lang ako at nagpupuyos ang kalooban na tumalikod para umalis. Hindi ko alam!
Hindi ko alam kung bakit nagustuhan ko yung lalaking iyon. Sa halos araw-araw na ginigising ako ni Lord, lagi namang iyon yung tinatanong ko. Kaya lang wala talaga akong makuhang sagot e!
"Matagal ko nang sinasabi sa'yo. Tumigil ka na. Tigilan mo na yung kalalapit sa kanya. Tignan mo. Tignan mo yung nangyari sa'yo!" daig pa niya ang nanay ko kung sermunan niya ko. Ganito siya lagi, sermunan ako pagdating sa ganitong bagay. Ano pa nga bang gagawin ng isang bestfriend, hindi ba?
Dapat nga sanay na ko sa kanya. Dapat sanay na ko sa ganitong sitwasyon.
"Ikaw talaga. Kahit kailan ka! Gosh Kristine! Hindi masamang magkagusto! Pero kung yung gusto mo naman ay ganyang masama ang likaw ng bituka..." para pa siyang bumwelo at saka nagpatuloy. "...Sinasabi ko sa'yo. Tigilan mo na 'yan!"
Hindi ako nagsalita. Patuloy na nakinig sa sermon niyang paulit-ulit naman pero hindi ko minsan naia-apply pag nasa harapan ko na si Hart.
"Katalino mo namang babae pero hindi mo magamit iyon sa ganyang sitwasyon. Huwag ka namang tanga 'te!"
Ngumuso ako. I know I'm not always listening pero siyempre minsan nasasaktan din naman ako at napupuno sa mga salita niya.
"I'll stop you there, Miss Sophie Marie Mendez. Salamat. Okay? Salamat kasi kahit papano naico-comfort mo ko. Pero please, tortured na yung puso ko pati ba naman utak ko mato-torture mo pa?" tumayo na lang ako. I walked out. Tinatawag niya pa ko pero hindi ko siya pinansin.
I am not disappointed by the way she comforts me. I'm just disappointed kasi parang sinaksak ako ng paulit-ulit ng mga sinabi niya. Masakit din naman kasi!
Alam ko, oo, naa-appreciate ko yung pagiging nanay niya. Alam ko rin na this is how she shows her concern. Pero, jusmiyo, umiiyak na ako sa harap niya. Naghihintay na haplusin niya yung likod ko para kumalma ako. Yun bang kahit ibigay na lang niya yung panyo niya para ipamunas sa luha ko? Kaso ano? Wala.
Sabagay, okay na rin siguro ito. Alam ko namang ako yung mali.
Anong mali?
Simple.
Yung magkagusto sa maling tao.
Malakas ang naging hiyawan ng mga tao sa loob ng court. Tapos na yung game. Three point shot ng school namin yung tumapos doon. Kapag larong ganito, sure win naman na lagi yung school namin. This is why hindi ako nanunuod. Why do I have to watch a game na paulit-ulit na lang din namang school namin yung nananalo? Diba? Walang bago.
Dalawang beses pa lamang naman akong nakakanuod ng basketball game na ganito. Hindi ko naman din kasi hilig ang sports. Noong unang panuod ko nga'y may dala pa kong libro kaya hindi ko rin napagtuunan masyado ng pansin.
Pinagbigyan ko na lang din yung bestfriend ko ngayon. Wala rin naman kasi akong choice. She got all my things at sa locker niya iyon nilipat. Well, nasa kanya yung susi. Hindi ko naman din makukuha yung gamit ko kung hindi ko siya pagbibigyan.
"Tara bff! Puntahan natin sila." Nasa boses niya yung excitement. Hila-hila niya ko papunta sa bleachers ng team ng school namin.
"Teka sandali." Pagpigil ko pa sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit ang hilig niyang manuod ng ganito. Kundi siya gagala, manunuod siya ng game. Minsan nga'y nagtampo pa siya dahil lang sa hindi ko siya sinamahan.
Maraming tao. Ilang beses kaming nagkawalaan dahil dinudumog na ng kababaihan yung bleachers nila. Sinubukan ko siyang hilahin palabas kasi pakiramdam ko'y natabunan na siya ng mga tao.
"Teka. Tara na nga Sophie!"
Kaya lang, imbes na kamay ni Sophie ang mahablot ko ay maling kamay iyong nahila ko.
Hindi agad ako nakakilos nang titigan ko siya sa mata. His intense hazel eyes looking at me, steadily, curious but with a hint of disgust. Hindi ko alam kung bakit ganoon. Matagal niya kong tinitigan na ikinatigil ko rin.
His lips pursed and his arms flexes. It was so tight na animo'y bato iyon kahit titigan mo lang. Napalunok ako. Pakiramdam ko ay nanlalambot ang buong katawan ko.
I admit, he's really good looking. Ngayon pang mas malapit ko siyang napagmamasdan. Kahit na ang balat niya ay namumula dulot ng iritasyon. He's pale but it looks like he is glowing under the lights of this damn basketball court.
Kahit na pawisan siya ay hindi siya amoy pawis. He smells so fresh and looks like fresh too. His thick eyebrow raised nang mapagtanto niya sigurong hindi ako makapagsalita pa.
"Can I get my hand back, miss?" malamig, but the masculine tone of his voice is there. Hindi pa rin ako nakakilos. Siya na mismo yung humila noon mula sa akin.
"Bakit mo ko hinila?" gulat ang katawang lupa ko nang pagtaasan niya ko ng boses. Naisip kong baka pagod siya pagkatapos ay hihilahin lang siya ng kung sino. Baka iyon yung dahilan niya.
"Jesus! Why?" sigaw na niya. Saglit na natahimik ang paligid batid ko ay nakatuon na ang atensiyon nila sa amin. Napalunok ulit ako.
"A-akala ko kasi ikaw yung bestfriend ko." Nagaatubili ko pang sagot. My heart won't stop beating so fast. Pakiramdam ko ay kumaripas ako ng takbo at sobrang pagod na pagod ako ngayon.
"Do I look like your f*****g bestfriend?" pasigaw na tanong niya pa ulit. Pilit akong lumunok ng laway, my throat hurts dahil sa panunuyo niyon.
Ang sungit niya...
...pero okay lang, gwapo naman siya. I smiled at that thought.
"Why are you even smiling like a creep?!" magpapaliwanag pa sana ako pero siya na rin ang pumigil doon.
"Can I excuse myself? I just can't stand the handprint you left on my hand, I need to wash it off before it kills me."
Napasimangot ako. Ano ba ko? Germs? Cancer? Sa pagkakaalam ko I'm a healthy human being since birth.
"Freaking monster." Bulong ko pa. Hindi ko naman inaasahang makakarinig pa ko ng panibagong sigaw kaya halos takpan ko yung tainga ko, halos mabasag na kasi yung eardrums ko sa lakas ng sigaw niyang iyon.
"May sinasabi ka ba?"
"W-wala po. P-pasensiya na." tinaasan niya pa ko ng kilay. Matapos naman niyang punasan yung pawis niya ay binato niya sa akin yung towel na ginamit niya. Tumama iyon sa mukha ko kaya naman inayos ko yung salamin kong halos mahulog.
"Nerdy slut."
Patuloy na siyang dumiretso palayo sa akin. Hindi ko na lang din pinansin yung sinabi niya. I don't know why after all of those hurtful words, I'm still drowning with affection for him. that was how my stupidity for him began.
Napadukdok ako sa lamesa ko ngayon. Reminiscing all the stupid things I did before para lang pansinin ako ng isang Hart Agustin Cole.
"You, filthy b***h!" napaayos ako ng upo. I was waiting for Sophie to come around. Naisip ko rin kasing manghingi na ng sorry pero hanggang ngayon ay hindi ko pa siya namamataan at eto ngang ibang tao yung tumambad sa akin.
I'm pretty sure magsisimula na naman sila.
"Anong kailangan mo Chloe?" walang buhay kong sagot. She releases a gassy laugh bago ulit ako binalingan. Umupo pa siya sa lamesang kaharap ko at humalukipkip. She crossed her legs bago mataray na tinitigan ako.
"Ang lakas din ng loob mo ano?" my brows furrowed.
Ano na naman bang nagawa ko? Bakit ba kasi sa lahat ng taong pwede nilang pag-initan. Ako pa? Wala naman akong naaalalang ginawa ko sa kanila. Kailanman hindi ko sila inagrabyado. Sa hinaba-haba ng panahon na magkaka-klase kami? Kahit kailan, wala akong ginawang kasamaan sa kanila. I tried to be as good as I am, as a student. Para hindi ako makaapak ng ibang tao because that's what I want. Pero sa lagay pala na iyon, may taong aayaw at aayaw sa iyo eventhough you are trying your best for everything.
Bumuntong hininga ako. Bahagya ring naidiin ko yung likod ko sa inuupuan ko dahil umupo na siya ngayon sa lamesa ko.
"A-ano na naman bang ginawa ko?" I said while stuttering.
"Nagtatanong ka pa? alam mo bang napahiya yung Hart ko sa kagagawan mo? Buti sana kung ikaw yung pagtatawanan lang but my Hart was humiliated because of you, stupid!"
Nakuha ko na. Alam ko na. Dahil na naman kay Hart ito.
Bakit? Ano bang pakialam nila sa nangyari? Kasi sobra naman. Sila ba? Ni hindi nga siya nililigawan ni Hart. They are protecting him? Why? Dignidad ba ni Hart yung nayurakan kanina? Hindi ba't sa akin? Puyat at pagod ko yung nilaan ko roon but no, Hart would never appreciate all the good efforts I did for him.
I am just not a warfreak kaya hindi ko pinapatulan itong sila Chloe. I can never be one of them ng dahil lang sa mababaw na dahilan.
"Pinagbantaan mo pa talaga siya!" sigaw pa niya. Gigil na gigil yung mukha niya at nandidilat pa yung mga mata sa akin. She's pretty, she got this blue shade eyes, high cheek bones and full lips na ngayo'y pulang-pula dahil sa lipstick na ginagamit siya. She looks like a model in a magazine.
Nang hindi ako makaimik ay hinila na niya ang buhok ko. I tried to pull it back pero mas lalo niya lang iyong hinihila.
"C-chloe, nasasaktan ako. Please." I begged with a soft low voice.
"Masakit? Kulang pa nga ito! Gaga ka!" sigaw pa niya ulit. Aakma pa sana siyang sasampalin ako, mabuti na lamang ay dumating na yung teacher namin. Kaya naman parang palos siyang kumilos at mabilis na binitiwan ang buhok ko. Kunwari niya pang inayos yung buhok ko saka siya lumapit at bumulong sa akin.
"We're not done yet, bitch."
Naiwan akong nangingilid ang luha. Parang may bukol sa bibig ko. Hindi ako makapiyok. Kahit kanino sa nakatataas sa department namin. Alam ko kasing malaki ang hawak ni Chloe sa school and I can't fight that without a stronger authority.
Napadukdok na lamang ako ulit sa table ko.
Medyo late nang dumating si Sophie. Kasi pagdating niya ay agad niya akong kinausap kahit na nakadukdok pa ko. Mabuti na lamang ay naga-ayos pa ng lesson iyong teacher namin sa harap.
"Bff, I'm sorry."
Hindi ko siya pinansin.
Wala naman talaga siyang kasalanan. Kaya nga naisipan ko rin na mag-sorry sa kanya. Alam ko naman kasing naga-alala lang siya sa akin. Nagtampo lamang talaga ako sa kanya. Hinahanap ko lang din siguro yung paga-alalang ginagawa ko kapag siya yung malungkot. Naisip ko lang din, magkaiba naman kami. If I am the gentle one siya naman yung masokista, sadista at ano pang may "ta" sa huli.
"Bff, sorry na talaga. Nag-aalala lang naman ako sa'yo." Bumuntong hininga ako saka ako humarap sa kanya. Mula sa gilid ay tumitig ako sa kanya hanggang sa ma-blangko ang ekspresiyon ko. Handa naman na kong tanggapin yung sorry niya, iyon nga lang tinawag siya ng teacher namin.
"Miss Sophie Mendez?" parehas kaming napatingin sa harap. She's hesitating kung sasagot naman siya o hindi pero pinili niya na lamang tumayo.
"Yes sir?" there is a c***k in her voice. Tanda na kinakabahan siya.
Natahimik ang lahat.
Mariin akong napapikit.
Bakit kasi napakadaldal? I mean, hindi naman siya nagdadaldal pero kasi wala naman sa loob naming nagsimula na si Sir. Kung alam ko lang hindi sana'y pinagpaliban ko muna yung pagu-usap namin. Napakahigpit pa naman ng teacher na ito. And worse! Math pa yung subject!
"Can you define parabola?" I started biting my nails. Napatingin pa ako sa kanya and it looks like she needs desperate help. Bumalik yung tingin niya sa harap saka siya umiling-iling.
"Guess you are not into this topic." May inayos naman yung teacher namin. Pinadausdos niya yung kamay niya sa papel na nasa lapag ng table niya. Huminto iyon, nag-angat siya ng tingin saka siya tumitig sa akin.
"Miss Kristine Emerdia?" ako naman ngayon yung naga-atubiling tumayo but still did it anyway kasi wala naman din akong choice, kaysa parehas kaming mapahiya ni Sophie.
Tahimik pa rin ang lahat. Lahat nakatingin sa akin. Waiting for my answer. I saw Chloe raise her hand. Nagbabakasakaling mapunta sa kanya ang atensiyon. Nakuha naman niya iyon dahil binalingan siya ng teacher namin.
"Sir, parabola is—"
Tumikhim ako at hindi pumayag na makasagot siya. Kahit man lang dito ay makaganti ako sa kanya.
"In mathematics, a parabola from the Greek is a conic section, created from the intersection of a right circular conical surface and plane parallel to a generating straight line of that surface."
Pagkatapos ng mahabang katahimikan, napalitan iyon ng malakas na palakpakan mula sa buong klase. I saw Chloe's eyes darted at me with anger. Ngumiti na lamang ako saka ko hinarap yung teacher namin na ngayon ay ngiting-ngiti sa akin.
"Thank you Miss Emerdia. Now, you may take a sit, as well as, Miss Mendez." Dalawang oras lamang ang naging takbo ng klase. At dahil ito na yung huli naming subject nang mag-dismiss yung teacher namin at nagmamadali nang lumabas lahat. Nakalabas na rin naman ako, ni hindi pa nga kami nakapag-usap ni Sophie dahil nauna siyang nagmamadali rin kanina.
Naglalakad na ko sa hallway nang hilahin ako ng kung sinuman.
"Forgot something, "Miss Emerdia"?" nakagat ko yung labi ko.
"Chloe please, I need to go home to review, pwede bang ipagpabukas na lang natin ito?" once again I begged for my safety.
Hindi naman ako natatakot sa kanya.
Takot na takot lang. Not because she always has this tendency to harm me. Pero kasi, gusto kong makatapos so that is why I am trying my best to avoid her. Isa lang kasing sabi niya sa magulang niya ay mapapatalsik ako ng school. Because obviously, her family's the owner of this school. That is why I said before, I just don't have the stronger authority to fight back.
"Demanding ka pa?" umiling ako. Ngumuso siya sa galit bago siya nagtawag ng alipores niya.
"Girls!" sigaw niya pa.
"Yes?" sabay-sabay namang sabi nung tatlong akala mo kabuteng bigla na lang lumitaw sa likuran niya.
"You know what to do."
Isang sentence lang iyon at agad na kong hinawakan ng tatlong alipores niya sa braso.
Magkabilang braso.
Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong kaso takot din namang mangialam yung iba. Kasi katulad ng dahilan ko ay ganon lang din ang ikakatwiran nila.
Anak si Chloe ng may-ari ng school namin.
Kaya para saan pa kung hihingi ako ng tulong ngayon?
I'm hopeless.
Nagsimula na silang kaladkarin ako papunta sa likod ng school. At papunta pa lamang kami ay may idea na ko kung anong gagawin nila sa akin. Napapikit na lamang ako at tahimik na tinanggap ang mangyayari sa araw na ito.
"Hey bitches. Let go of her." Natigil kami. Sabay-sabay pa kaming napatingin sa taong nakasandal ngayon sa pader. Nakataas ang isang paa habang nakapamulsa naman ang isang kamay niya sa bulsa niya.
He smiled at us.
I tried to remember his face. Hanggang sa maalala ko. Siya yung kasama ni Hart kanina. Isa siya sa kaibigan niya. But why? Why is he here?
"Let my best friend go you freaking bitches!"
Nanlaki yung mata ko nang makita ko si Sophie na nanggagalaiti at matalim ang tingin kina Chloe. Napailing na lang ako.
Oh God. This is doom's day, isn't it?