Chapter 16
Up to Something
Kristine's POV
"What?!" Ayon nga. Sabi ko nga sana hindi ko na lang sinabi kasi alam kong magre-react lang siya ng ganito. Wala naman din akong magagawa kasi kahit ako man din ay nabigla. Coming from my number one hater. Ang isang Hart Agustine Cole. Gugustuhin akong maging girlfriend niya?
Alam ko dapat ngayon ay nagtatatalon na ko sa tuwa. Kasi matagal ko ng pangarap ito hindi ba? Ang maging girlfriend niya, Pero bakit ngayon? Parang may mali talaga.
"Huwag ka namang maingay Bff! Mamaya may makarinig sa'yo maging issue na naman ng campus 'to." saway ka pa sa kanya. Pabulong iyon pero may diin sa bawat salita. Ang daming tao rito sa cafeteria. ano ba sa tingin niya ang magging rekasiyon ng mga tai kapag naaman nila ito? Alangan namang matuwa sila? Ang kinakainis ko lang kahit anong isip ko, pagbali-baliktarin ko man lahat pati damit ko. Ligaw pa rin ako at hindi ko pa rin mahanap yung sagot kung bakit ganon na lang yung sinabi niya.
Take note. He wasn't even asking. He said it kasi may utang na loob ako sa kanya at kailangan kong pumayag. Hindi ko pa nga malaman kung bakit bigla na lang siyang bumait sa akin tapos ngayon maging girlfriend niya pa.
"Anong sabi mo? Pumayag ka?" pabulong na tanong ni Sophie sa akin. Kinuha ko naman yung snacks na binili ko mula sa counter saka na ko naunang lumabas sa kanya. Ilang sandali pa'y nakasunod na rin siya sa akin.
"Hindi ako pumayag. Siyempre hindi naman ako sigurado kung nagbibiro lang siya o pinaglalaruan lang ako. Miyembro pa rin si Hart ng mga babaerong iyon, siya pa nga ang leader. Kaya malamang pinagti-tripan lang ako non. Ayoko namang mapahiya." sakto namang nakarating kami ng classrom, pumasok na ako at dumiretso sa upuan ko. Break time, kaya iilan lang kaming naririto sa classroom ngayon.
"Buti naman. Akala ko pumayag ka." binuksan niya naman yung pagkaing binili niya habang nagu-usap kami. Panay ang tanong niya, kung anong nangyari pagkatapos noon, saan kami pumunta, kung hinatid daw ba ako ni Hart sa bahay. Yung ibang tanong naman niya out of topic na lang din katulad ng paano kung kinasal kami ni Hart, saan daw ang honeymoon.
I mean hindi pa nga kami, hindi ba? Tapos honeymoon agad.
Wala pa sa isip ko iyon.
"Si Kuya--"
Speaking of
"Nga pala, bakit parang hindi ko nakikita si Kuya mo ngayong araw? Pumasok ba siya?" natigilan naman siya sa katatanong saka niya ko tinitigan ng may halong panunukso. Ilang beses na gumalaw-galaw yung kilay niya saka niya pa ko sinundot-sundot sa tagiliran.
Binigyan na naman ng malisya yung tanong ko. Ewan ko sa kanya!
"Tumigil ka nga, at huwag kang magbigay malisya. Hirap sa iyo masamang nagtatanong ako, nauuwi lang sa kung ano." Sabi ko sabay irap pa sa kanya.
"Nakakagulat lang naman kasi yung tanong mo. The Kristine Emerdia asking where Gerald Mendez might be? Hindi ka ba magbibigay malisya?" bahagya naman akong napaisip may point siya pero nakakairita pa rin. Bakit ko nga ba kasi natanong? Sa totoo namang nagtataka lang ako kasi hindi ko siya nakita ngayong araw.
"Namimiss mo no?" sinamaan ko siya ng tingin. Patay malisya naman siya at nagkunwaring tumitingin sa iba habang kumakain. I won't miss a Gerald Mendez. Tuwa ko pa nga dahil walang nanggugulo sa akin ngayong araw.
"Alam mo gutom lang 'yan. Ubusin mo na lang iyang kinakain mo."
"Yes ma'am." sabi niya sabay tuloy sa pagkain. Pagkatapos namin kinuha ko na yung pinagkainan niya saka ako na ang nagtapon noon. Dumiretso ako sa basurahan, bago pa man ako makabalik sa upuan ko ay naramdaman ko na lang na may humawak sa baywang ko at saka niya ako iniharap sa kanya.
"Hi baby." iyon lang saka niya ako kinindatan. As usual ganon pa rin ang naging reaksiyon ko, papanawan na yata ako ng ulirat sa mga pangyayari sa araw-araw ng buhay ko. Ano bang kailangan niya sa akin? Marahan ko siyang tinulak palayo.
"A-anong ginagawa mo? Bakit ka narito?" he made face, hindi pa rin niya binibitiwan yung baywang ko.
"How's your pain? Masakit pa rin ba itong baywang mo?" mabilis akong umiling pati iyon ay marahan kong tinanggal pero mas hinigpitan niya pa iyon.
"Masama na bang makita ang girlfriend ko?" parang awa mo na. Huwag mo akong titigan ng ganyan at kung pinapaasa mo ko. Huwag ngayon kasi sang-asa na ko. Hindi ko na dapat nararamdaman yung kilig na ito pero hindi ko maiwasang hindi mapangiti ng bahagya sa kanya. Sana lang hindi mahalata na gusto ko itong nangyayari.
"Girlfriend?" sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. Hudyat para bitiwan ako ni Hart saka niya ko inakbayan pero bago pa man iyon ay tinapik niya pa yung likod ko ng ilang beses.
Weird.
"Mendez, akala ko hindi ka papasok?" tanong niya kay Gerald. The tone of teasing is obvious from his question. Para bang may gusto siyang iparating kay Gerald at para bang gustung-gusto niya itong nangyayari. My cheeks started to get warmer and I can't even talk kasi ramdam kong hindi ko kailangang magsalita pa o pumagitna na naman sa kanilang dalawa even though the darkness on Gerald's face is evident.
"I just arrived. Dumiretso nga agad ako rito kais gusto kong makita si Sophie. Sisiguraduin ko lang kung pumasok." Mainit ang mata niyang nakatingin sa kamay ni Hart na nakapatong pa rin sa balikat ko. Kanina pa rin ako actually naiilang, hindi naman din kasi ako sanay na tinatrato niya ko ng ganito.
"Kuya." tawag nang kasusulpot na si Sophie mula sa likuran namin ni Hart.
"Sabay na tayong umuwi mamaya?" malamig ang tonong tanong niya kay Sophie.
"Walang kasabay si Kristine. Pupunta ka ba sa bahay?" tanong niya pa rito, pero panay din ang sulyap niya sa akin at umiiling.
"Yeah, I'm planning to."
"Yon naman pala, sabayan na lang muna natin si Kristine bago tayo umuwi. Kung okay lang say--"
"I don't want any other stops. Gusto kong dumiretso sa bahay. So, are you coming or not?" pagputol niya pa sa sasabihin ni Sophie.
"Bff." tingin pa sa akin ni Sophie na mukhang nanghihingi ng tulong. Sandali akong nag-isip. Kasi obvious naman din na ayaw ni Gerald na isabay ako, ano bang problema niya at nagsusungit siya? Isa pa, okay din naman na sabayan niya si Sophie mas safe.
"You won't need any permission from her. Sasabay ka sa akin sa ayaw at gusto mo." iyon lang saka mabilis na naglakad paalis si Gerald leaving Sophie with no choice. I saw Sohie bit her lip saka siya umiling ulit.
"Kuya!" sigaw niya sabay habol sa kapatid. Naiwan naman kami ni Hart don na ilang saglit pa, I hear Hart chuckled saka niya ko binitiwan.
"Well that was a good show." kunot noo ko siyang tinitigan na ngayon ay nasa harap ko na at nasa magkabilang baywang niya ang mga kamay habang nakatuon ang pansin sa dinaanan ng magkapatid. Umiling pa siya habang nakangiti saka niya ko tinitigan.
"You're really special, Kristine. Because of that, I'll be sticking with you until the end. Until I can finally see where this show will lead me." I bit the skin inside my mouth saka ako nagtanong.
"Anong ginawa mo?" he's obviously after Gerald. He's obviously digging something out of him. Hindi ko lang malamang kung ano iyon. Alam kong tanga ako pagdating sa kanya but not when it comes to things like this.
"You'll see." umiling na lang ako. I don't want show any disapproval kasi anong karapatan ko and I don't want to mess it up ngayon pang pinapansin niya na ko nang hindi sinsigawan. Naglakad na lang ako paalis, I need to go and find Sophie. Para naman makapag-explain ako or matulungan ko siya sa Kuya niya. Gerald just looked so pissed before he left at alam kong konektado iyon sa ginawa ni Hart
Hindi pa man din ako gaanong nakakalayo ng classroom ay pansin kong pinagtitinginan na naman ako ng mga ka-schoolmate ko. Ano na naman bang meron at pinagbubulungan na naman nila ako? Hindi ako makatiis kaya naman huminto ako saka ko pinigilan yung isa naming ka-schoolmate na nakasalubong ko.
"Miss, sorry." tinaasan niya pa ko ng kilay.
"Yes?" mataray niya pang tanong.
"Sorry, sorry. T-tanong ko lang sana kung may mali sa itsura ko?" tinignan naman niya ako mula ulo hanggang paa. Hindi pa nakuntento saka niya ko inikutan. Napapalatak naman siya saka siya may tinanggal sa likuran ko at muli akong hinarap.
"I think it's because of this." saka niya iniabot yung sticky note. Binasa ko iyon.
"Hart Agustin Cole's property." pabulong kong basa. Mariin akong napapikit. Ngumiti naman ako ron sa babae saka ako nagpasalamat. Ilang beses akong huminga ng malalim, kinuyumos yung papel sa kamao ko dahil na rin sa sobrang gigil ko before I stormed my way back to Hart. Alam kong siya ang may gawa nito.
Why?
The way he weirdly tapped my back earlier hindi niya ito mapagkakaila.
"Ano ba talagang problema mo?" timping tanong ko sa kanya. Lumapit siya sa akin dahilan kung bakit ako napaatras. He did that repeatedly hanggang sa masandal na lamang ako sa pader. He put both his arms up saka iyon tinukod sa pader, lockig me up in between saka siya yumuko to find my gaze.
"Wala akong problema." Sambit niya. Iniiwas ko naman ang tingin ko.
"Meron."
"Oh yeah? What do you think my problem is then?" Lakas loob kong ibinalik ang tingin ko sa kanya. It's now or never. I always speak my mind pagdating sa kanya. Kaya mas mabuti nang sabihin ko or magtanong ako. Masyado namang malapit na yung mukha niya sa akin nang gawin ko iyon kaya napulunok ako. Our lips are inches away from kissing kaya mas lalong lumakas yung kabog ng dibdib ko ramdam ko hanggang sa buong mukha ko iyon.
"The problem is, y-you're too nice to me now. Dapat ngayon pinapahiya mo na ako. You weren't this nice to me before. K-kaya anong problema?" natawa naman siya.
"Bakit? Mas gusto mong pinapahiya kita? I mean what you're accusing me right now, hindi ba pagpapahiya iyon? The sticky note, yes I did that. Hindi ba pagpapahiya iyon para sa'yo?" I sealed my mouth.
He's got a point. But I was expecting a bit more brutal than that. Maiit lang iyon kumpara sa mga pamamahiyang ginawa niya sa akin.
"I'll tell you what, liligawan kita." Bahagya akong napangnga. Ano ba naman itong sinasabi niya? Liligawan? Nagpapatawa ba siya? Malamang talaga may maitim na balak siya, knowing him. Mukha ngang hindi pa marunong manligaw ang isang ito.
"Ligaw?" tumango siya while grinning.
"Yes, even though I don't think I would need that. But yes, to show you that I am sincere. I'll court you." hindi ko alam kung bakit tangang nag-react yung sistema ko. Naitulak ko na lang siya palayo saka ako tumakbo paalis. I heard him calling my name. Pero hindi ako huminto. I don't want another attention na makuha sa mga ka-schoolmate namin.
"Kristine Emerdia!" doon na lamang ako napahinto. His voice was full of authority nang banggitin niya ang buong pangalan ko. I didn't even know he knows my full name. Ilang segundo lamang ang hinintay ko bago niya ko maabutan.
"Next time you run away. Take my hand then I'll run away with you." he took my hand habang nasa likuran ko siya.
"Now if you turn around, you're mine." his breath from my nape brought shivers down my spine. Napapikit na lamang ako.
"Turn around." dumilat ako marami na silang nakatingin sa amin at ang isa naming ka-schoolmate nagsimulang usigin ako. Usisero!
"Lingunin mo na, arte pa." sabi naman nung isa pang usisero.
"Hart is the biggest fish you could ever catch. Huwag mong sayangin." sabi naman nung isang babaeng kasama yata ang boyfriend niya. Ang gagaling din naman nila. Who gave them the right para makisawsaw ngayon sa buhay ko. Dati hindi naman sila ganito, hindi ba?
"Ano Kristine? Ipapahiya mo ba ko?" Ay oo! Gustung-gusto kitang ipahiya after all those things you've done to me. Malamang, magandang pagkakataon ito to make you feel what I felt before nang kasalukuyan pa ang papamahiya mo sa akin. Hindi na natahimik ang mundo ko ng dahil sa iyo.
"One." nanlaki ang mga mata ko nang magsimula siyang bilangan ako.
"Two." Damn you!
"Thre--"
Nakita ko ang malaking ngiti niya, umiling ako saka umirap.
"I didn't want to embarass you katulad nang pamamahiya mo sa akin. This doesn't mean na tayo na." nagkibit balikat na lamang siya. Saka niya ko inakbayan. Nagsigawan naman ang mga ka-schoolmates kong nanunuod sa amin at nangangalap ng pagchi-chismisan bukas.
"If you say so." He said while smiling.
"I just don't want you to expect anything fro--"
"Yes I know, I'll bring you back to class." hindi pa rin nawawala yung ngiti niya. Sakto namang nag-ring yung phone ko. Checked who the caller is.
Si Gerald.
Tumingin ako kay Hart na nakatingin din sa phone screen ko at mas lalong lumaki yung ngiti.
"You probably need to take that." sinagot ko iyon.
"Gerald."
"That was a nice show, congratulations to the both of you." magsasalita pa sana ako pero agad nang nag-disconnect yung linya. Sinipat ko ang paligid. I failed to see any sign of him kung nakita niya nga yung buong nangyari.
"He sounded disappointed I believe?" tumingin ako sa kanya naroon pa rin yung ngiti niyang kakaiba. I feel like he's pleased to know na tumawag si Gerald sounding disappointed.
I can't help but think na may hidden agenda siya, but what? Malabo pa iyon sa ngayon pero aalamin ko. I will need to know. Kasi ngayon pa lang, hulug na hulog na ko sa mga pinaggagagawa niya.
I need to find out what he's really up to.
Because I know for sure, he's up to something.