Chapter 17
Tantrums
Gerald's POV
"Kuya! Sandali masakit na yung paa ko!"
Ano bang dahilan at nagkakaganito ako? Ano bang problema ko? I can't go crazy like this ng dahil lang sa nasaksihan ko kung anong palabas ang ginagawa ni Hart. Ano naman ngayon kung maging sila? Ano bang pakialam ko ron? Gagong Hart iyon, kahapon lang ay sinabi niyang tutulungan niya kong mapalapit kay Kristine. Tapos ngayon, gagaguhin niya ko ng ganito?
"Sandali sabi!"
Fuck! Hindi lang talaga ako mapalagay. Kasi biglaan? Kasi hindi dapat at matagal ko nang kilala si Hart alam kong may iba siyang binabalak kaya niya ginawa ito kay Kristine ngayon. Hindi ko pwedeng hayaan na saktan niya si Kristine! Teka nga, ano namang pakialam ko kung masaktan siya? Pinili niya iyon, matuto siya sa pagkakamali niya.
Hindi ko dapat ikabaliw ngayon ito o ikagalit. Bahala sila kung anong gusto nilang mangyari sa buhay nila.
"Hindi ka talaga titigil ha!"
Tama! Marami namang ibang babae diyan na nagkakandarapa sa akin. Hindi ko kailangang--
"Aray!" angil ko nang maramdaman kong may tumama sa ulo ko. Napahawak ako ron saka ko ininda. Marahas akong tumingin sa kung saan nanggaling iyon. Ni hindi ko namalayang kasama ko nga pala siyang uuwi ngayon. Inis ang rumehistro sa mukha niya bago niya pinagsalikop ang mga braso niya.
"Ano bang problema mo?" sigaw ko sa kanya.
"Ah baka lang kasi ayaw mong huminto? Kahit kanina pa kita tinatawag? Balisang-balisa ka? Excited kang umuwi? Iniwan ko na nga si Kristine para sa'yo? Para lang sabayan kang umuwi tapos ganyan pa ang asta mo. Wala ka na naman sa sarili mo, Kuya!" Inirapan niya pa ko.
"Hindi kita narinig." umiling pa siya.
"Alam mo, okay lang naman iyan. Alam kong bago sa'yo yung mga ganitong pangyayari., Yung magkagusto, tapos ma-heart broken. Okay lang iyan. Lahat tayo pinagdadaanan iyan." sumimangot ako.
"What are you even trying to imply?" nilapitan niya pa ako saka niya inabot at pilit inakbayan. Kahit na halos tumalon siya maabot lang ako.
"If you're going to hide yourself from what you feel for my bff. Okay lang. Masanay ka na lang sigurong maging third wheel simula ngayon. Kasi sa lakas ng tama ni Kristine kay Hart. Malamang wala kang pag-asa kapag nagsimula ngang manligaw si Hart sa kanya." Umalis ako sa pagkakaakbay niya. Pinagplanuhan ba ng mga taong ito na sirain yung buong araw ko? Sana nagkulong na lang ako sa bahay at hindi na pumasok pa.
Sa inis ko ay hindi na ko nagsalita pa. Nagsimula ulit akong maglakad papunta sa parking area ng school saka ko binuksan yung kotse ko malayo pa lang. May lahi naman yatang kuneho ang isang ito kaya naabutan niya ako, Nagpatiuna pa nga na sumakay sa sasakyan ko. Hindi ko alam kung bakit may mga kapatid akong ganito. Yung isa, walang kwenta at mangi-iwan. Itong isang ito malaki na yung sira sa utak.
Sumakay na lang din ako sa kotse.
Patuloy naman ang pagdaldal niya. Ang ginawa ko'y binuksan ko yung stereo ng sasakyan at saka ko tinodo yung volume non. Mukha namang nainis at pinatay niya iyon. Masama ang titig niya sa akin, hindi ko iyon pinansin at muling tinuon ang atensiyon sa daan.
"You won't get anything from me if that's what you're thinking." I said, assuring her.
"Hindi ko lang talaga ma-gets. Bakit kailangang mag-tantrums ka kung hindi ka naman affected and if I can't really get anything out from you?" umiling ako. Still not talking, my eyes still focused on the road.
"I know you won't throw a pit kung walang dahilan. You're not that kind of person."
"Bahala ka kung anong gusto mong isipin, uuwi na ko. Maglakad ka mula sa condo ko."
"What?! I thought you were visiting home?"
"Nagbago na isip ko." tapos ko sa usapan. I heard her whispered something pero hindi ko na iyon pinansin pa. Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa condominium building na tinitirhan ko. Tahimik lang kami habang naglalakad, dapat lang kasi kanina niya pa ako ginugulo. Dumiretso kami sa elevator until we reached the floor where my unit's at.
"I'll stay here for a bit bago ako umuwi." pinagbuksan ko na lang siya ng pinto saka siya dire-diretso sa loob bago humilata sa couch ko.
"Hindi ka ba hahanapin ni Mama?"
"No, I'll send her a message na magkasama tayo. Baka nga mas hanapin ka pa non." sabay tawa niya pa. Kinuyakoy niya pa ang mga nakalambitin niyang binti sa arm rest ng couch ko saka ako umiling.
"Magbibihis lang ako." she raised her hand before giving me an approved sign.
"Bff! Nasan ka na? Nakauwi ka na ba?" bago pa man ako makaalis ay narinig ko iyon. Lahat ng frustrations ko ay nanumbalik na naman. Naihilamos ko ang mga kamay ko sa mukha ko bago ako pumasok na sa kwarto. Katatapos ko lang magbihis ay narinig ko ang hiyaw ni Sophie mula sa sala kaya nagmamadali akong lumabas.
"What the f**k happened? Why are you screaming like you're in pain?" hindi pa man siya nakakasagot ay nagawi ang mata ko sa hawak niyang papel. Nanlaki ang mga mata ko saka ko binalik sa mukha niya ang tingin ko. Halos mapunit ang mukha niya nang mapalitan nang nakakalokong ngisi ang kanina lang ay nakabuka niyang bibig.
"Letter for her?" nagtagis ang mga bagang ko saka ko siya nilapitan para hablutin iyon pero mabilis niyang iniiwas.
"Dear Kristine, please accept this letter of confirmation--" bumunghalit pa siya ng tawa. Saka niya ko tinitigan ulit.
"What do you mean letter of confirmation? Oh my God! Kuya!" panay pa rin ang tawa niya.
"Give it back to me." inis na sabi ko panay pa rin ang iwas niya ron sa papel. I completely forgot about it. How the hell didn't I think of throwing it straight away? Ano bang nasa isip ko?
"You were probably writing this kaya late kang pumasok. Diba diba?" isa pang tawa saka siya umupo ng maayos at iniabot sa akin iyon.
"You're not applying for a job, gosh! Palibhasa walang experience sa babae. Mabuti na lang at nakita ko iyan. Ano kung hindi? Mapapahiya ka ng husto kay Kristine! You could've just asked me before doing that. Ano ngayon? Naunahan ka pa tuloy ni Hart?" Kinuyumos ko yung papel sa mga kamao ko. This is so embarassing, kahit na kapatid ko siya. Sinubukan ko lang naman kasi plano ko na ring magtapat kaso kung mamalasin ka nga naman mauunahan pa ko ng traydor na kaibigan ko.
"I heard you talking to her." sabi ko ng wala sa loob.
"Bakit? Curious ka? Gusto mo ng chika? The thing is, you're lucky enough to join the fight fair. Kasi nanliligaw pa lang si Hart sa kanya. Kaya kung iisipin. May pag-asa ka pa rin to show off your expertise." kunot noo ko siyang tinitigan.
"Diba naga-apply ka ng trabaho. Tama lang naman yung ginamit kong word, expertise. Kahit wala ka non pagdating sa babae." mas lalo naman akong nakaramdam ng hiya.
"Umuwi ka na nga." pagtataboy ko pa sa kanya. Ang laki lang na kahihiyan nito. Bakit kasi hindi ko pa naitapon itong sulat na ito? Nagbago naman din kasi yung isip ko pagkatapos. Hindi ko na nga binalak pang ibigay. Kasi natatakot akong pumalpak kung aamin man ako. Napaka-wrong timing din naman.
"Ang salbahe nito. Sikreto lang naman natin 'to, Kuya. Promise hindi makakarating kay Kristine. Kahit ako mahihiya sa sobrang baduy nang sinulat mo." kinindatan niya pa ako. Ako na yung nagpatiunang kuhanin yung bag niya saka ko siya hinila patayo, sinuot ang bag sa kanya saka ko na siya tiulak palabas ng condo ko. Balak ko pa sanang ihatid siya. Pero dahil sa inis ako hindi ko na gagawin iyon. I can be gentleman but I can be an asshole as well. Lalo na sa kapatid ko na ito.
"Sabihan mo ko kung nakauwi ka na. Ingat."
"Kuya!" Sabi ko sabay balibag ng pinto sa kanya. Napasandal na lang ako sa pinto kasi hindi ko na iya narinig na kumatok. She knows me kapag ganito ang asal ko wala siyang maaasahan sa akin. I am a man of my words.
And if I say na magtatapat ako, magtatapat kay Kristine. Tanggapin man niya o hindi. I don't want to regret it, may laban pa rin ako kay Hart. Bakit? Kasi ako alam kong totoo yung nararamdaman ko para sa kanya. Hart's just an asshole na kayang paikutan lahat ng babae and I won't let him take and hurt Kristine.
If this is what he wants, I'm going to give him hell.