Mausok,maraming tao,basa ang aspaltong daan dahil sa katatapos na ulan at rinig na rinig ang iba't ibang busina ng sasakyan.
"Putang ina mo!Mas malaki ba poke niya sa akin?!Mas mabango ba?Putang ina kang manloloko ka sumagot ka!"
"What's that?"
"May nag aaway"
Ilang iyak ng bata at ilang tili at lagabog ang dumagdag sa ingay.Isang grupo ng lalaki ang nakatambay sa tindahan ang tinignan siya ng malaswa ang nadaanan nila at isang dosenang naglalarong bata ang muntik na silang matabig.
Magulo.
Magulo sa lansangan kung saan siya lumaki.Sanay na siya sa ingay at nahihiya siya kay Gregory dahil nagpumilit pa itong sumama sa pagbili niya ng barbeque dahil wala silang ulam sa hapunan.
Ilang stall pa ang bukas,buhay na buhay at humihinga pa ang lansangan kahit na wala ng araw.
Hanggang sa makarating sila sa stall ng barbeque.
"Anong inyo?"
Tanong ng tinderang nakasimangot.Nagpalipat lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa at hindi nito mamukhaan ang kasama dahil pinagsuot niya ito ng makapal na mask at sumbrero.
"Puwedeng pumili muna?"
"Puwede naman"
Inirapan niya ang masungit na tindera at bumaling sa lalaki.
"Anong gusto mo?"
Nangunot ang noo nito sa naka balandrang mga karne doon.
"Betamax,adidas,ulo ng manok,isaw ,chicharon,kalamares at yan mga laman ng baboy"
Napakamot ng ulo yong lalaki at mukhang na stress.
Siya na ang pumili para sa kanila at bumili siya ng ilang laman at yong paborito niyang isaw at ulo ng manok .
"Tikman mo"
Iniumang niya yong paa ng manok sa bibig nito at hindi niya alam kung magagalit ito o ano.Wala kasi ito madalas reaksyon.Bumabase lang siya sa awra at paraan ng pagtingingin nito.Sa gulat niya ay bumuka ang bibig nito para tikman yong daliri ng manok na wala ng kuko.
Ngumuya ito at mukang okay naman.Hindi naman siya namatay.
"Masarap?"
"I don't even consider that a food but its good"
Napangiti siya.Isinunod niya ang betamax na bestseller na may kasamang sukang tuba.Sarap na sarap doon ang lalaki at nakadami ito doon.Sana'y hindi ito sakitan ng tiyan mamaya.
Nang mabusog at makapagbayad ay agad na silang umalis doon at tinalikuran ang tinderang ipinaglihi sa sama ng loob.
"Ayos ba?"
Tipid lang itong tumango.
May isang stall ulit silang nadaanan at itinuro yon' ni Gregory.
"Gusto mo yan?"
Nilapitan nila yong stall at hindi tulad ng naunang tindera,nakangiti ito sa kanila.
"Balot o penoy?"
Binalingan niyo yong kasama.
"Anong gusto mo?Yong may sisiw o wala?"
Tinignan lang siya nito kaya siya na ang nag desisyon.
"Dalawang penoy"
Agad silang inabutan ng penoy ng tindera.Ibinigay niya yong isa kay Gregory at tinuruang buksan iyon.
"Masarap yan madam,masabaw"
"Narinig mo yon bossing,ang tamang pagkain yan ay dapat hinihigop muna yong sabaw"
Iminuwestra niya sa lalaki kung paano iyon ginagawa at ginaya naman nito iyon.Hinigop nito yong sabaw ng penoy at rinig na rinig niya kung gaano kasarap itong humigop.Gumagalaw ang adams apple nito sa bawat lunok.
"Ay ang sarap humigop!"
Sabay nilang tili ng tindera.Clueless naman yong isa.
Kinindatan niya ang lalake.
"Masarap diba?Pero mas masarap sabaw ko dyan"
Pinanlakihan siya nito ng mata.Natawa lang siya at sabay nilang kinain ang itlog ng penoy.Pero may alam siyang itlog na mas masarap dito,yong hindi nauubos.
Itlog ng mafia na asul ang mata.
Nang maubos ay nagpaalam narin sila sa tindera.She can see that Gregory is curious and enjoying everything.Hindi man ito masyadong nagsasalita,alam niyang marami itong gustong maranasan.
"Alam mo,kung may isang daan ka dito marami ka ng mabibili"
"I wonder why everything is so cheap and yet there's still a lot of people who die in hunger?"
Malungkot siyang ngumiti.
"Kayong mayayaman,hangga't hindi niyo nararanasan ang hirap na pinagdadaanan namin ,kailanman ay hindi niyo maiintindihan.Marami kang pera kaya nasasabi mo iyan"
"Enlighten me then"
Nagpatuloy sila sa pagkuwekuwentuhan sa gitna ng magulong lansangan.
"Alam mo bang three hundred and fifty lang ang minimum wage ng isang normal na manggagawa sa mga karaniwan pero mahahalagang trabaho"
Tahimik itong nakikinig kaya nagpatuloy siya.
"Magkano ang bigas?Singkwenta na agad .Ang pamasahe sa jip at ang ulam sa carederia ?Sa tingin mo ,sa buong maghapong pagtratrabaho ,walong oras minsan sobra,ilan nalang kaya ang maiuuwi ng isang manggagawa para sa pamilya niya?"
Nagkibit balikat ito.Wala talaga itong alam sa mundo nilang isang kahig isang tuka.
"Actually nitong mga nakaraang taon nagtaas narin ang presyo ng mga delata,noodles at basic commodities gaya ng asukal at kape.Sa kakarampot na kita at sa taas ng bilihin ,kahit anong tipid hindi parin talaga magkasya."
Napatango tango ang lalaki.
"Ta's imagine mo may tatlo ka pang anak at asawa na nag aantay sa bahay at sayo lang umaasa,lahat nag aaral,lahat kailangang kumain.Kapag nagkasakit ,magkano ang gamot at hospital?"
Bahagya ng nagseryoso yong boses niya at hinamig niya ang sarili.
"Sa panahon ngayon wala ng libre.Kunting kamot ,gastos.Kunting kendeng,gastos.Magigising ka nalang isang araw na wala ng laman yong bigasan at kailangan kumayod ng doble para makatikim ng masarap na ulam.Hanggang sa maramdaman mong para ka nalang nagtratrabaho para magbayad ng utang at bills.Nabubuhay ka para mapagod.
"Why are you telling me that so seriously?"
"Para marealize mo na merong iba't ibang mundo at hindi lang kayo ang anak ng diyos.May mundo ng mga mayayaman,ng mga mahihirap at ng mundo niyong makasalanan.Hindi lang sa droga ,baril at pagpatay umiikot ang mundo Gregory.May lugar para sa pamilya na bagaman napakahirap mabuhay pero magpupursige ka kasi meron kang dahilan.
Napatitig ito sa kanya partikular sa mga mata niyang kumikislap dahil sa tama ng street light sa tapat nila.
"Kaya sa sobrang hirap ng buhay,napilitan akong magtinda ng mga d***o at ayon nga nagkanda leche leche at napasok ako sa planeta niyong mas magulo at nakakatakot.Marami ka ngang pera,nabubuhay ka naman sa walang hanggang karahasan.Astig ka nga ,marami kang baril at babae,pero anong silbi ng mabuhay kung lagi kang nag aalala na ano mang oras maaring may manakit sayo at sa iyong pamilya.Is it worth it?Hindi ko alam kung paano niyo nakakayang mabuhay ng ganoon at ni hindi naiisip na habang nagpapakasasa ka sa kasalanan at nagwawaldas ng pera ay may mga taong hindi na maka kain.Nagpapasalamat padin ako dahil kahit ang dami kong reklamo ay naging masaya parin ako.Kung ipapanganak ako ulit,mas gugustuhin kong lumaki ulit sa ganitong buhay kaysa mapunta sa mundo niyo."
Nagpatuloy sila sa paglalakad at hilila niya si Gregory sa direksyon ng maliit na kapilya .Balak niyang dalhin doon ang lalaki bago sila umuwi.Nagulat siya ng magsalita ito.Far from his brooding outside,Gregory's voice is so calm.Gustong gusto niyang pakinggan habang nagsasalita ito.He has a very good speaking voice at may hinala siyang may talent ito sa pagkanta."
"Our world is created for monsters.Those who turn to Satan,those who needs dark magic as a refuge,those who's willing to be friends with death.Those who are not god's favourite for them to experience excruciating pain and unimaginable tragedies early in life.Those who are living for revenge."
"Like you,we need to survive in the world we see fit for us.May iba't iba tayong depinisyon ng "hirap" Rhian and thats what makes life thrilling for all of us.We have only one life and the hardest part is to decide how to live with it.Or what kind of world do you wanna spend your life with."
"Wala ka na bang ibang choice?Habang may buhay may choice Gregory"
"My life's experiences made me choose this.For us who is now only a living body without a soul,this world is not a curse but a comfort.
"Kaya ka ba nagbago?"
She sound so sure that Gregory wasn't like this before.Hindi ito kasing sama gaya ng mga naririnig niya.Sigurado siya doon.
"Living things evolve and adapt.Survival of the fittest.I have to be who I am in able to survive.There are times that you do not have a choice but to change.Revenge will alter your life.See?We have different struggles in the world we are thrown off and different reasons why we continue to live when we can kill ourselves any moment"
Napalunok siya sa sinabi nito at nakuha niya yong punto.They must've gone through hell and back to choose this world as their residence.Pinilit niyang ngumiti para mapagaan yong mood.Hindi ito nabuhay na gaya niya at hindi siya nabuhay na gaya nito.It's still a wonder why their worlds collide.
Tumingala si Rhian at itinuro yong langit na may iilang kumurap kurap na bituin na tila nanood sa kanila.
"Ang hiwaga ng mundo.Napakaraming pintuan.Pero ito ang tatandaan mo Gregory,kahit saang mundo ka man mapunta,lagi mong pipiliing maging masaya."