PEACHY NAPAIGTAD AKO NANG may maramdaman akong pagdampi ng labi sa aking leeg kaya naman ay mabilis akong napalingon sa may gawa niyon. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita si Raegan na may ngisi sa labi. Mabilis ko namang inilibot ang aking mga mata dahil nasa loob kami ng library at baka may makakita ng ginawa niya. Bukod kasi sa teacher ko siya sa eskwelahang ito ay magkaiba rin ang edad namin sa paningin ng lahat. “Don’t worry, Lover. It’s past five. No one stays here during this time,” aniya na sumandal sa katapat na bookshelves na kinatatayuan ko. “Lover?” takhang tanong ko sa kaniya nang bigla niya akong tawagin ng ganoon. He nodded. “Because you’re my one and only lover, Peachy.” Hindi ko mapigilan ang pag-iinit ng aking pisngi kaya naman ay napapailing na lamang ak

