PEACHY NANGINGINIG ANG BUO kong katawan habang nakatulala na nakatingin sa kaninang kinatatayuan ng estudyanteng babae na ngayon ay wala na. Parang naninikip ang aking dibdib dahil sa aking nasaksihan. Nang dahan-dahan kong lapitan ang dulo ng rooftop ay may kamay na humapit sa bewang ko at mahigpit akong niyakap. “S-Sorry, hindi ko siya… hindi ko siya naligtas. S-Sorry…” nanginginig ang boses kong sambit. “Shh…” Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong seguridad habang nakapaloob ako sa loob ng mga bisig ng kung sino. Marahan din nitong hinahaplos ang buhok ko na para bang sinusubukan niya akong pakalmahin. Marahan kong tiningala ang yumakap sa akin at napakurap nang makita si Raegan na nakaigting ang panga habang nakayuko sa akin. “R-Raegan…” “Are you okay, Peachy?” tanong

