PEACHY KAHIT NAHIHILO pa ako ay pinilit kong tumayo at maglakad papunta sa lamesa ni Doc Vandolph. Kailangan kong kumpirmahin kung polaroid camera nga ba iyon o display lang dahil baka magkamali ako ng hinala. Ngunit hindi pa man ako nakakalapit nang tuluyan ay bigla na akong bumagsak dahil sa biglang pagkahilo. “Miss Gallego!” sigaw ni Doc Vandolph na kakapasok lang ng clinic. Agad niya akong dinaluhan at binuhat saka dinala sa kama. “S-Salamat.” “Are you okay? Bakit ka tumayo?” tanong niya sa akin. Natikom ko naman naman nang mariin ang labi ko dahil hindi ko naman p’wedeng sabihin sa kaniya na gusto kong siguraduhin na polaroid camera ang nasa lamesa niya. Huminga ako nang malalim at akmang sasagot nang mapansin ko ang isang babaeng estudyante na nakatayo sa pinto ng clinic. Mah

