PEACHY “PEACHY, YOU look pale, okay ka lang ba?” tanong ng katabi kong si Gillian. Napalingon ako sa kaniya at tumango saka ngumiti na lamang kahit ang totoo ay kanina pang umaga masama ang pakiramdam ko. Balak ko pa sanang lumiban sa klase pero dahil ngayon ang pagbisita ng may-ari ng Toricelli High school na si Leonardo Toricelli ay pinilit ko pa ring pumasok. Kailangan ko rin kasing alamin kung sino ang babaeng may Moth na tattoo dahil malakas ang kutob ko na may alam siya tungkol sa eskwelahang ito. “Sigurado ka ba, Peachy? Gusto mo bang pumunta ng clinic para hindi ka na um-attend ng P.E. subject?” Napangiwi ako nang maalala na ngayon nga pala ang activity namin sa P.E. kung saan ay kailangan naming tumakbo at maglaro ng dodgeball. Gustuhin ko rin man na um-absent sa P.E. ay hi

