PEACHY PABAGSAK AKONG nahiga sa aking kama at napatitig sa kisame kung saan ay naroon at nakadikit ang mga glowing in the dark na laruang bituin. Kakauwi ko lang galing sa eskwelahan at hindi ko maitatanggi na napagod ako ngayong araw. Maliban kasi sa paghahanap ko ng impormasyon tungkol sa pagkamatay ni Kira ay nagiging sentro rin ako ng issue. Idagdag pa sa iniisip ko ang mga narinig ko nang magbanyo ako. Sino kaya ang babaeng 'yon? At saka bakit ganoon ang mga sinabi niya? “Ano kaya iyon?” tanong ko sa aking sarili at napapikit nang mariin nang maaalala ang mga nangyari kanina. Malakas ang t***k ng puso ko dahil sa sobrang kaba kaya sa halip na manatili sa loob ay agad akong lumabas ng cubicle. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang marahan na gumagalaw ang pinto ng katabing cubicle

