PEACHY HANGGANG NGAYON AY hindi pa rin ako makapaniwala sa aking nalaman. Hindi ko lubos maisip na si Miss Angel na napakabuting teacher at ang babaeng may Moth na tattoo ay iisa. I feel betrayed, disappointed and hurt because she was the last person I thought would hurt any other people. Malayong-malayo pala siya sa totoo niyang pagkatao. Ngayon ay muli na naman akong nagkaroon ng tanong sa isip. Why? Why her? I mean, why did she choose to be evil when she can be the good one? Kung ganoon ay tama pala ang hinala ni Raegan tungkol kay Miss Angel. She's a wolf behind sheep's clothing... Napabuntong-hininga na lamang ako at huminto sa paglalakad nang marating ko ang Selina's noodle house kung saan ay madalas kaming magkita ni Officer Mozon. Ngunit sa araw na ito ay ibang tao ang kikitain

