PEACHY “A-Ano?!” bulalas ko nang sabihin ni Raegan na nasa Calientes Mansion kami. Kung dati ay napapanood at nababasa ko lamang ito sa mga article ngayon ay nakatayo na mismo ako sa harapan ng bahay ng isa sa pinakamayamang pamilya sa pilipinas. Nanlalaki ang mga mata ko na tiningala ang malaking mansion at napahawak sa aking bandang dibdib nang maramdaman ko ang unti-unting pagkabog ng aking dibdib dahil sa kaba. Mula sa labas ay bakas na ang karangyaan ng bahay. Pakiramdam ko tuloy ay kahit ibenta ko lahat ng mayroon ako ay hindi ko mapapantay kahit isang kwarto lang ng mansion na ito. Napalunok ako ng laway at nang muli kong itinuon ang aking tingin kay Raegan ay nakatitig lang siya sa akin nang mataman. “Let’s go?” aniya at inilahad ang kaniyang kamay. “A-anong let’s go? Hind

