PEACHY
“NAGPAPATAWA KA ba?” sagot ng lalaki na sa tingin ko ay assistant lamang ng leader.
Hindi ko man nakikita ang mukha ng lalaking nakahawak sa braso ko dahil sa sout nitong helmet ay alam ko namang nakangisi siya dahil sa sinabi ko. Huminga naman ako nang malalim at gamit ang isa kong paa ay sinipa ko siya sa bandang noo na hindi lumapat sa kaniyang helmet. Pero sapat na ang pwersang binigay ko para makaramdam siya ng takot.
“Mukha ba akong nagjo-joke?” nakataas ang kilay kong sabi.
Kitang-kita ko ang paglunok ng laway ng lalaki at ang kamay nitong nakahawak sa aking braso ay unti-unting lumuwag hanggang sa tuluyan siyang bumitaw. Dahan-dahan ko namang ibinaba ang binti ko at inilibot ang tingin sa kanila. Huminto ang mata ko sa isang lalaking nagtanggal ng helmet at ibinigay sa kasama nito saka humakbang palapit sa akin.
“I know you,” anito na nakataas ang kilay. “You're the new student in class G-1, tama?”
Kumunot naman ang noo ko at tumango. “Sino ba kayo?”
Ngumisi ito at naglahad ng kamay. “I'm Karick Buenavista, senior high in G-2, also the leader of True blood fraternity.”
Sinulyapan ko lang ang kamay niya at umatras. “So? Paano mo nakilala?”
“Because of your surname,” saad niya dahilan para makatayo ako ng tuwid.
“S-Surname?”
“Sikat ang apelyido mo sa school, hindi mo alam? I mean, you have the same surname with the student who jump off from the top of the building because she can't hide her embarrassment to everyone,” sabi nito habang may ngisi sa labi.
Embarrassment?
Mas lalo namang lumalim ang kunot ng noo ko dahil sa pagtataka. Huminga ako nang malalim at kinuyom nang mariin ang aking kamao upang pakalmahin ang aking nararamdaman. Nanatiling tikom ang bibig ko dahil baka kapag hindi ako nakapagpigil ay makapagsalita ako ng mga bagay na magiging dahilan ng pagkasira ng mga plano ko.
“Hindi ko alam ang sinasabi mo,” sagot ko sa tuwid na pananalita.
“Her name I think is...” anito na para bang nag-iisip. “...right! Kira, Kira Gallego.”
Parang piniga ang puso ko nang marinig ko ang pangalan ng aking pinakamamahal na pamangkin. Lumunok muna ako ng laway at nagtaas ng kilay.
“B-Bakit siya nagpatihulog?” lakas loob kong tanong.
“Aside from being the male teacher's pet? I don't really know—”
“M-Male teacher's pet?” takha kong tanong. Nagsimulang manginig ang mga kamay ko sa aking nalalaman.
“Yup,” saad nito at ngumisi. “She was my favorite pet too. She is the campus pet—”
“Miss Gallego?”
Hindi natapos ng lalaking nagngangalang Karick ang kaniyang sinasabi nang marinig namin ang pagtawag sa akin ni Raegan mula sa likuran ko. Huminga ako nang malalim at napakurap dahil may namumuong mga luha sa aking mga mata.
“Sir Raegan! Nice to see you here—”
“What are you doing here, Mister Buenavista?" Direktang tanong ni Raegan na tumabi sa akin.
“May kakilala lang na na-ospital, bawal ba bumisita?” anito na nakangisi.
“Kung si Mister Alegra ang tinutukoy mo, you can't visit him. No one can visit him aside from his family. The police is on their way to investigate about his wounds and bruises—”
“What?” saad ni Karick na salubong ang kilay. “What did you do? Alam mo, kahit kailan, pakialamero kang teacher ka—”
Hindi naman natapos ni Karick ang sinasabi niya nang bigla siyang sakalin ni Raegan gamit ang isang kamay na kinagulat ko. Nakilala ko si Raegan na laging nakangiti sa mga estudyante pero iba ang nakikita ko ngayon. Para siyang isang lion na handang manakmal.
Dahil tila kinakapos na ng hangin si Karick ay hinawakan ko na ang braso ni Raegan at tinapik-tapik. Agad naman niyang binitawan ang binata na napasalampak sa lapag habang umuubo at hawak ang leeg.
“Estudyante ka Mister Buenavista, isa ako sa teacher mo, kaya ilugar mo 'yang pagiging tarantado mo,” saad ni Raegan na nakataas ang kilay.
Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng kaba habang nakatitig sa kaniya. He doesn't look like the bad guy here.
“B-Bwisit!” wika ni Karick na lumapit sa mga kasama at sumakay ng motor.
Mabilis nilang pinasibad ang kanilang mga motor palayo at bakas sa mga kilos nila ang takot. Napalunok naman ako ng laway at dahan-dahan na nilingon si Raegan. Nakatingin pa rin siya sa mga estudyanteng iyon habang nakapamulsa.
“Okay ka lang ba, Miss Gallego?”
Okay ba ako? Matapos kong marinig ang sinabi ng Karick na iyon tungkol kay Kira?
Umiling ako at ngumiwi. “U-Uuwi na ako—”
“Ihahatid na kita—”
“Huwag!” mabilis kong sagot na ikinakunot ng noo ni Raegan.
“Why? May problema ba—”
“H-Hindi pa pala ako uuwi, ano, kakain muna ako sa fastfood—”
“Sabay na tayo, I'm starving too,” anito at naunang maglakad.
Napangiwi ako pero sa halip na tumanggi ay nakita ko na lang ang sarili kong naglalakad kasabay si Raegan. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko maling tao ang pinaghihinalaan namin ni Officer Monzon.
Hindi kaya wala talagang kinalaman si Raegan sa pagkamatay ni Kira?
HINGAL NA HINGAL AKONG huminto nang marating ko ang palapag ng classroom. Bahagya ko pang sinusuntok ang aking bewang dahil sa sakit kaya napasandal muna ako sa pader. Lahat naman ng dumadaan sa harapan ko ay napapatingin sa akin at bigla na lang magbubulungan.
“Anong mayroon?” tanong ko sa sarili ko at nagkibit-balikat.
Nagsimula akong maglakad at ganoon din ang reaksyon ng mga nakakasalubong ko. Ang iba ay sumisilip pa sa bintana ng kanilang classroom para makita ako. Mariin kong kinuyom ang aking kamao at mas binilisan mag paglalakad hanggang marating ang room ng G-1.
“Ow! The newest pet is here!” salubong na sabi ni Lovie at nagtaas pa ng kamay na may hawak na lollipop.
Newest pet?
Hindi ko siya pinansin at naglakad papunta sa aking upuan. Napapansin ko pati ang mga kaklase ko ay napapatingin din sa akin at may nagbubulungan, mag ngumingiwi na para bang nandidiri at mayroon ding ngingitian ako ng pilit. Napansin ko naman si Gillian na nakatitig sa akin at nang balingan ko siya ng tingin ay ngumiti siya nang malungkot.
“Gillian, anong nangyayari?” pabulong kong tanong.
Huminga siya nang malalim at akmang sasagot nang bigla namang sumingit si Lovie kasama ang dalawa nitong alipores na sina Millie at Thaira. Nakangisi silang tatlo at si Lovie ay lumapit sa akin sabay hawak sa buhok ko.
“Wow na wow! Mga Gallego nga naman,” anito at humagikhik. “So, how was it?”
Kumunot ang noo ko. “Ha? Anong pinagsasabi mo?”
“Sus! Pa-inosente ang ate girl!” singit ni Millie.
“Sabihin mo na kasi, Peachy!” dagdag pa ni Thaira.
Napatingin ako kay Gillian na salubong ang kilay. Tinitigan ko siya na para bang itinatanong ko kung ano ang pinagsasabi ng tatlong bulate na 'to.
“Lovie, baka fake news lang 'yon,” ani Gillian. Pero tinaasan lang siya ng kilay ni Lovie.
“Teka, wala akong alam sa pinagsasabi ninyo—”
“Oh, come one, Peachy! Alam mo ang ibig kong sabihin. How was it? Masarap ba si Sir Raegan? Jumbo hotdog ba—”
Marahas akong tumayo mula sa kinauupuan ko dahil sa aking narinig at walang sali-salitang dinakma ang labi ni Lovie dahilan para manlaki ang mata niya. Ang nasa paligid namin ay napasinghap din dahil sa ginawa ko sa muse ng classroom. Napangiwi pa ako dahil ramdam ko sa aking palad ang oiliness ng labi niya dahil sa lipgloss.
“Kung walang magandang salitang lalabas sa bibig mo, manahimik ka,” saad ko at binitawan siya saka pinunasan ang aking palad sa kaniyang sleeve.
“f**k you, b***h! Pwe! Yuck! Ew!” diring-diri na sabi nito habang pinupunasan ang labi. Agad din siyang nilapitan ng dalawa niyang alipores at iginiya palayo sa akin.
Huminga naman ako nang malalim at iginala ang aking mata. “Ano?!” singhal ko dahilan para ilihis nila ang kanilang tingin palayo sa akin.
“Peachy, okay ka lang ba—”
Hindi natuloy ang sinasabi ni Gillian nang mag-martsa ako palabas ng classroom. Pero agad din akong natigilan nang makita ang mga nakapaskil sa pader na mga papel na may litrato ko. Mabibigat ang hakbang ko na lumapit at kinuha ang isa saka binasa.
“Newest teacher's pet,” bulong ko at nilakumos iyon.
Pinagkiskis ko ang aking panga dahil sa galit at mukhang alam ko na kung sino ang may gawa nito. Huminga ako nang malalim at akmang kukunin ang mga nakapaskil nang may kamay na naunang kumuha niyon. Kumunot ang noo ko at napatingin sa gumawa niyon.
“Haru Nagasaki?” hindi makapaniwalang saad ko.
Hindi niya ako pinansin at patuloy lang siya sa pagtanggal ng mga nakapaskil. Sa kabila ko naman ay sumulpot si Gillian na nagtanggal na rin at tumulong sa akin. Pero ang mas pinagtataka ko ay bakit ginagawa ito ni Haru?
“Don't ask and just do what you need to do,” aniya at naglakad sa kabilang pader para magtanggal ng nakapaskil.
Tumango na lamang ako at naglakad papunta sa hagdan at bumaba. Dumiretso ako papunta sa teachers' office at kumatok saka pumasok. Dahil sa ginawa ko ay naagaw ko ang atensyon ng lahat ng teachers na nasa loob. Ang mga babaeng teacher ay nagtaas ng kilay at ang iba naman ay bumulong-bulong na daig pa bubuyog.
“Oh, Miss Gallego? Anong ginagawa mo dito?” tanong sa akin ni Miss Angel na lumapit pa.
“H-Hinahanap ko po si... si Sir Raegan,” sagot ko.
Bakas naman sa mukha ng ibang chismosang teacher ang pagkadismaya na para bang sinasabi nilang tama nga ang kung ano man ang issue na naririnig nila.
“Naku, nasa principal's office pa siya, Miss Gallego. Gusto mo bang hintayin siya dito,” aniya na itinuro ang upuan na nasa gilid.
“Hindi na po. Lalabas na po ako, salamat po," magalang kong sagot.
Paglabas ko ng teachers' office ay naglakad ako papunta sa banyo nang nakayuko. Dahil doon ay hindi ko makita ang aking dinaraanan dahilan para pagliko ko at pagpasok sa pinto ng banyo ay iba ang sumalubong sa akin.
Napakurap-kurap ako dahil banyo ng lalaki ang aking napasukan. Mabuti na lamang at walang tao sa loob ngunit iyon ang inaakala ko. Dahil bigla na lang bumukas ang isang cubicle at iniluwa niyon si Raegan na mukhang bagong bihis lang dahil bukas pa ang bandang itaas na butones mg sout nitong polo.
“R-Raegan...”
“Miss Gallego? Anong ginagawa mo dito? Banyo ito ng lalaki,” aniya na salubong ang kilay.
“H-Ha? Ano... Akala ko kasi—”
Hindi ko natuloy ang sinasabi ko nang makarinig kami ng tawanan ng lalaki at mukhang papunta sa banyo. Nanlaki ang mga mata ko nan napatingin kay Raegan na nanlalaki din ang mata. Bago pa man ako makapag-react ay bigla na lang niya akong hinawakan sa braso at hinila papasok ng cubicle saka sinara iyon.
“Teka, anong ginagawa mo—” naputol ang sinasabi ko nang takpan niya ang aking bibig gamit ang kaniyang palad. Sakto rin na pumasok ang mga lalaking estudyante sa loob ng banyo.
“Shh," ani Raegan na nakatingin sa pinto.
Sobrang lapit niya sa akin na halos dumikit na ang mukha ko sa dibdib niyang nakikita ko na dahil hindi iyon nakabutones. Malaking tao si Raegan kaya pakiramdam ko ay sumikip ang loob ng cubicle kahit may space pa naman para sa aming dalawa. Walang tigil din ang kabog ng dibdib ko at ang pawis ko ay butil-butil na.
Napatingala ako kay Raegan at napalunok ng laway dahil kitang-kita ko ang kaniyang jawline na para bang inukit ng pinakamagaking na iskultor. Ang kaniyang Adam's apple ay gumalaw din kaya pakiramdam ko ay nanuyo ang aking lalamunan.
Nang dumako sa akin ang tingin niya at nagtagpo ang mga mata namin ay para akong nakaramdam ng sakit ng tiyan. Hindi ko alam pero para akong hinihigop ng mga mata niya papunta sa lugar na hindi ko alam.
And when the side of his lips lifted, I almost lost myself.
Putcha, ang gwapo!