Chapter 3
"Binibini, di kaya tayo mapagalitan ng iyong ama sa pagtakasan natin. Malalagot ako pag -nalaman niya ito?"
"Ako na bahala sayo, Boyoung. Hindi ako matitiis ni Ama at saka titingin lang tayo ng mga bagong kasoutan".
Nasa labas kami ng pamilihan kung saan mayaman ang lugar na ito sa kalakalan. Sinama ko si Boyoung para hindi magtaka si ama kahit sa totoo lang gusto ko lang mag liwaliw -liwaliw at wala ng iba.
Mukha ngang masaya ang mga tao dito habang nagtitinda at nag-aayos ng mga paninda.Mga ngiti ng taong bumibili habang namimili ng produkto. May nakikita rin akong mga produkto nila na ngayon ko lang din nakikita sa boung buhay ko. May nagtitinda din ng mga herbal ,Tela,pagkain at kung ano-ano pa.
"Boyoung ,may pambili ba tayo? ",tanong ko sa kanya. Nawala sa isip ko ang pagkuha ng pera dahil naman talaga iyon ang sadya ko pero parang nahuhumaking ako sa palamuting aking nakita.
"Opo,binibini. 10 yangs po ito dinala ko "
May hinugot siya malapit sa may dibdib niya pero maya maya pa ay nakaramdam na ako ng balisa sa kanya.
"Binibini ,mukhang nahulog ko po yata yung pambili natin. Sandali lang po, balikan ko lang sa dating pinuntahan natin. "
"Hindi na ---Boyoung! "
"Babalikan kita, Ashi ! "
Sinundan ko nalamang siya ng tingin hangang sa nawala na sa paningin ko.
"Ano ba yan? Di ko pa naman kabisado dito? "
Isa rin dahilan kung bakit ko sinama siya ay para may mag guguide sa akin kung nasaan na kami kasi hindi ko rin pamilyar pa ang bayan.
May nakikita akong mga kababaihan na naglabas- masok sa isang silid namay bitbit na mga libro. Mukhang bilihan siya ng mga libro?
Sa sobrang curios ko ay pumasok nadin ako kaso may biglang humarang sa dinadaanan ko.
"Bibili ka ba ng libro, magandang binibini? 'tanong ng lalaking may balbas.
"Titingin muna! ", kampanting sabi ko kahit ang totoo gusto ko na sapakin nasa harap ko dahil mas lalo siyang pumapangit pag nakangisi.
"Sige, binibini. Pumili ka lang ng libtong nais mong basahin at ako na bahala magbigay sa'yo ng bawas hehehe! "
"Okay? ",sabi ko at tinulak siya. Hindi naman siya nagalit kaya diretso-diretso na din ako pumasok sa loob. Sa hitsura niyang iyon, nakaka trauma .
So, tama nga hinala ko at isa itong silid aklatan. Tumingin ako ng mga libro sa bawat Lagayan. Naagaw ng atensyon ko ang isang librong nag-iisa nalang sa lagayan kumpara sa ibang mga nakapila Naloka naman ako ang sa mga Pamagat naka nalagay kasi naka Chinese Alpahabet siya.
Kumuha ako ng isang libro at umupo sa gilid. Wala akong paki kung may nakakita man sa Akin basta umupo nalang doon dahil pagod na ako kakatayo kanina pa.
Ilang minuto kung tinitigan ang libro hanggang sa luha ako para kunyari naiyak ako sa kwento kahit ang totoo ni isang sulat doon ay wala akong intindihan. Trip ko kasi ngayon mag emote.
"Punyeta naman ,o.Ramdam ko ang sakit, pain, pighati, kakaloka. Wala bang mag tratranslate sa Akin nito. Huhuhu! ", sabay punas ng luha na lumalabas sa aking mata. Para na akong nababaliw sa ginawa ko. Tinitigan ko kasi ang libro ng hindi nag blibkink hanggang sa maluha na.
"Binibini !"
Napalingon ako sa tumawag sa Akin. Isang lalaking nakatayo na may hawak din na libro.
Agad ako nagpunas ng luha. Iniisip ko pa kung ano lang yung pangalan niya kasi nakalimutan ko. Siya yung lalaki nakita ko sa palasyo na dalawang araw na nakalipas.
" Master Lee ", napangiti pa siya binigkas ko ang pangalan niya.
"Mabuti naman at naalala mo pa pangalan ko ! "
As if naman bet ko siyang alalahanin.
"Bakit naman Hindi? ", pagsisinuplada ko at binalik ulit ang tingin sa libro.
"Woahh! Nagbabasa ka pala niyan ? ", tanong niya. "Maganda ang kwento niyan? "
" Hindi ko mabasa ang mga nakasulat dito? ", gulat Pa siya sa sinabi ko.
"Hindi ka nakakabasa ng Mandarin "
"Hindi! "
"Nagbibiro ka Ba? "
"Mukha ba akong nagbibiro? ",balik tanong ko sa kanya. Gago naman 'to kausap.
"Impossible! ", matalas ko siyang tinignan. Mukhang ba akong nagjijoke sa lagay na 'to. "Ba't ka pala umiiyak? "
"Kasi hindi ko nga mabasa . Ang kulit mo ? "
Umilibg siya at inaagaw ang libro na hawak ko.
"Hooyyy! Sa akin iyan! ",
Tinignan ko siya kung anong susunod niya pang gagawin. Umupo siya sa tabi ko.
"Ang pamagat ng libtong to ay ,'Ang Unang Pag -ibig ng Prinsepe sa Joseon! ", basa niya sa title ng cover.
"Joseon?As in Joseon ?", sa sobrang gulat ko bigla akong napatanong.
"Nasa Joseon ako ?"
"Oo, tayo lahat. Dimo alam ?"
Bigla akong napahawak sa dibdib ko. Tama nga hinala ko. Bumalik ako sa nakaraan gaya ng ninanais ko.
Kinuha ko sa kanya ang libro at hinarap ko siya. Nagugulat pa siya ng hawakan ko ang magkabikang braso niya.
"May sasabihin ako, wag ka mabibigla ah? "
Tumaas Lang ang kaliwang kilay niya bago tumango.
"Anong taon ba ngayon? "Tanong ko. Gusto ko lang malaman kung anong taon tong nabalikan ko . Malay ko kung sa panahon ng mga sinaunang tao ako napunta. Malay ko lang talaga? Wag naman sana.
"Isang labing walo dalawampu't apat "
"Huh! "
Ano daw? Isang labing walo dalampu't apat? Ilan yun? Napaisip ako maigi kung anobg taon yun hangang sa makuha ko na nasa taon 1824 ako.
"HUH! "
Napasapo ako sa noo ko. Parang matutumba ako at buti nalang mabilis niya akong nahawakan. Sinampal ko ang kaliwang pisngi ko para magising ako pero...pero ang sakit. Ambahan ko na naman sana sa kaliwa na masalo niya kamay ko.
"Bakit mo sinasaksaktan ang iyong sarili? "
."Di moko maiintindihan Master Lee kung sasabihin ko sayo na nag time travel ako. Kuha mo?"
"Huh! "
"Sabi na nga ,e. Dimo na gets.. Eshhh! "
Sa sobrang kaba at di makapaniwala, napaiyak nalang ako. Pano ako makakabalik sa amin? Si mama sa probinsya baka mag- alala na sila sa Akin? Si Ria ,asan siya?
Nagulat ako na may biglang nag angat ng mukha ko. Si Master Lee na parang nalulungkot din ang mukha niya na makita ang mukha ko. Kumuha siya ng panyo at pinunasan ang mga Mata ko.
"Alam mo ba? Sa boung buhay ko ngayon Lang ako nakakita ng babaeng umiiyak mismo sa harapan ko? " ,mas lalo akong humagulhol. Wala akong paki kung ngayon Lang siya nakakita basta ang pinoproblema ko kung pano ako makabalik sa amin.
"G-galing ako sa taonng 2021 ,Master Lee! Tulungan niyo po akong makabalik sa taon na iyon! Pakiusap! ",sabay hagulhol ng iyak. Kahit pigilan ko ang aking sarili na huwag umiyak, ang hirap.
"Hindi ko alam ang iyong sinasabi Binibini pero siguro akong pagod ka Lang. Halika !. Asan na ang tagabantay mo at ibabalik kita sa kanya! ", umiling ako saka umiyak ulit.
Hindi ko alam kung na saan na si Boyoung ngayon. Siguradong hinahanap niya na rin ako ngayon.
"Lady Kim, Kady Kim! ", napaangat ako ng mukha. Si Boyoung na hinihingal.
"Andito ka Lang pala? "
Pagkalapit niya niyakap ko siya agad.
"Bakit ka po umiiyak? "
"Natatakot Lang ako na baka di moko mahanap, hindi ko alam pauwi! ", pagsisinungaling ko.
"Wag ka mag alala ,lady Kim. Hindi naman ako uuwi na hindi ka kasama sa bahay, baka malagot Pa ako saiyong ama pagnakataon! "
"Boyoung, maaari ko bang malaman kung anong taon na tayo ngayon "
"Ahmm! Agusto 9, 1824 . Bakit mo natanong ,Binibini?"
*Flashback*
"Ang pamagat ng libtong to ay ,'Ang Unang Pag -ibig ng Prinsepe sa Joseon! ", basa niya sa title ng cover.
"Joseon?As in Joseon ?", sa sobrang gulat ko bigla akong napatanong.
"Nasa Joseon ako ?"
"Oo, tayo lahat. Dimo alam ?"
Bigla akong napahawak sa dibdib ko. Tama nga hinala ko. Bumalik ako sa nakaraan gaya ng ninanais ko.
Kinuha ko sa kanya ang libro at hinarap ko siya. Nagugulat pa siya ng hawakan ko ang magkabikang braso niya.
"May sasabihin ako, wag ka mabibigla ah? "
Tumaas Lang ang kaliwang kilay niya bago tumango.
"Anong taon ba ngayon? "Tanong ko. Gusto ko lang malaman kung anong taon tong nabalikan ko . Malay ko kung sa panahon ng mga sinaunang tao ako napunta. Malay ko lang talaga? Wag naman sana.
"Isang labing walo dalawampu't apat "
"Huh! "
Ano daw? Isang labing walo dalampu't apat? Ilan yun? Napaisip ako maigi kung anobg taon yun hangang sa makuha ko na nasa taon 1824 ako.
"HUH! "
*End of flashbacks*
So totoo nga sinabi ni Master lee. Tinignan ko ang boung palagid pero wala na si Master Lee.
Inalalayan akong tumayo ni Boyoung habang nag iikot pa kami. Bumili rin kami ng mga kasoutan at Kay Boyoung . Ayaw Pa nga niyang tangapin dahil daw wala daw siyang karapatan mag sout ng mga makukulay na damit gaya sa Akin dahil isang hamak na katulong daw siya.
Nakakalungkot isipin na ganito ang mindset nila sa panahon na ito .Na kung mahirap ka, pang mahirap din ang isusuot mo. Ang kanilang kasoutan ay bumabatay sa kanilang sa stado sa buhay and that was a sick system for me. Samantalang sa panahonan ko, you can wear whatever you want.
Pagkarating naman sa bahay ay Hindi agad ako pumasok sa Akin kwarto at nagpapahingan lang sa labas. Gabi na Kaya nakikita ko maliwanag na buwan. May dumaadaan ding kawal sa loob ng Vilya namin ,nag mamasid-masid.
"Binibini! ",tawag niya sakin kaya naalingon ako. Tumabi siya sa Akin.
Itinaas ko ang ating kamay at sinentro sa buwan na kunyaring nasa palad ko ang mga buwan.
"Ang liwanag niya! "
Isa din akong selenophile sa panahon ko kahit dito sa Joseon ay natutuwa parin ako makakita ng buwan lalo na pag sobrang liwanag.
Napangiti akong tinignan si Boyoung. "Salamat ah! "
"Para saan po? "
"Sa lahat. Sa pag -aalaga sa akin ,sa pag- gabay sa Akin , sa walang sawang pagsama sa Akin ", nginitian ko siya at ganun rin ang binigay niya sa Akin. "At sa pagiging kaibigan mo sa akin", dagdag ko Pa.
Nakakatuwa lang at kahit di kami magkapareha ng kapanahonan ay parehas parin ng trip sa buhay. Happy-go-lucky.
"Alam mo, Lady Kim. Maliit palang ako, wala na akong pamilya. Buti nalang anjan si Master jong. Ang tumayong pamilya sa Akin kaya bilang kapalit ng lahat ng ginawa niya sa Akin pinapangako ko sa sarili ko na paglilingkuran ko siya bou at tapat hanggang sa dumating kayo ,Ashi at si Madam Jae joon, si inang mo. Nga lang sa kasamaang palad binawian si Madam Jae hoon ng buhay dahil sa di malamang sakit! "
Kung sino mang Kim na napasukan ko panahon ngayon ay ang lungkot pala ng buhay niya. Pero di Bali, nawalan man siya ng ina, may ama naman siyang mapagmahal at kaibigang kasama araw-araw.
"Nga pala matanong ko lang, kailangan ko ba talaga makilahok bukas sa plasyo. Marami na ang kandidata tapos isa lang ang makukuha .Sigurado ako hindi ako makukuha doon, sayang naman yung oras natin . Gumala nalang kaya tay-----okay. Pupunta nga ako haysss! "
Pano ba naman kasi binusangutan na naman niya ako. Kahit anong aya ko sa kanya na gumala nakang kami kesa pupunta sa palasyo para makilahok. My god! Kahit kailan hindi ko pinangarap mag asawa ng maaga at sa isa pang crown prince oa tapos pag nasa kanya na ang trono,mag aasawa ulit siya, no---no-- its a big no sa Akin talaga. Mamatay man ang Kaptibahay naming malakas ang loob mag-videoke kahit panget ang boses
Ganun rin ang mga nababasa ko sa article. About sa pag-aasawa ng hari sa mga may mga dugong bughaw na babae, sa mga court ladies pag nagkataon na matipuhan ka ng hari o di kaya mga concubines. Tapos pwede Pa sila mag-asawa kung ilan ang gusto nila. Kahit may reyna na ang hari. Walang magagawa ang Reyna dahil tradisyon na sa palasyo ang pag-aasawa ng hari kahit marami.