Chapter 4

3414 Words
Chapter 4 "Binibini, andito na po tayo! " Kainis naman, o!  "5 minutes " Maya -Maya Pa ay bigkang bumukas ang pintuan ng palaquin at bumungad sa Akin ang mukha ni Boyoung. "Andito na po tayo,Binibini! " Kaya wala akong ibang agawa kundi lumabas sa palanquin.  Kinusot ko pa ang  ating nga Mata dahil sa nanlalabo paningin ko. Napatingin ako sa mga nakasabayan ko. Naka palanquin din sila at nakasout din ng nga magagandang kasoutan at palamuti. Nginitian ko ang ibang ngumiti sa akin,  pero yung iba kung hindi ako pinapansin,  pinapaikotan lang nila ako ng mata. Ang susungit! "Ay wow!  Nag exist na pala mga means girls dito ?  ", sabay irap ko rin sa kawalan na kunyari nasa harap ko sila. Kaming lahat ay nakapila sa labas ng Gate at isa-isa umaaoak sa maliit na kahoy gamit ang kanang paa.  Hindi ko alam kung anong gamit 'non pero ginaya ko nalang ang mga nauna sa Akin. Nakisabay na din ako sa kanila hangang sa may malaking bulwagan at isa-isa kaming pumasok roon. May tatlong babae naghihintay sa amin. Sila ang mga Lady Officer ng Palasyo. Ang isa ay naka green ng upper garments (Dangui) at kung hindi ako nagkakamali siya sa kanilang tatlo ay kagaya ng kasoutan sa mga dama ni Queen Dowager at ang dalawa naman ay naka light yellow naman , sila naman ang assistant Lady Officer.  "Ako si Lady Hae Be, ang pinuno ng Kababaihang opisyal rito sa palasyo. Ako rin ang mag tuturo sa inyo sa una nating Gawain. Sa Kabila ko naman ay si Lady Jae Geum at sa kanan ko maman ay si Lady hi kyu.  Alam niyo naman siguro kung bakit kayo naririto? ", maotoridad na sabi ni Lady Hae.. As if naman interesado ako. Kung hindi lang kagustuhan ni Queen dowager na makilahok ako dito, hindi ako mapipilit ni ama, no. "Isa-isa kayong magpakalala  at ang angkan ng iyong pinang gagalingan " "Ye , Lady Hae", pagkatapos namin nag bow sa kanila ay isa-isa na kaming nagpapakila sa kanila. Buti nalang ako pinakahuli. Hate ko Pa naman gawin  ang introduce your self kahit kanino. "Ako sa Lady Areum galing sa angkan ng mga Choi. Panganay na anak ni Minestro Choi Ji ho. ", seryosong sabi nung pangalawa . Siya yung babaeng umirap sa Akin kanina na akala mo naman ang ganda. Tumango lang si Lady Lady Hae at sunod-sunod na iyon.  Walo lang kaming kalahok hanggang sa ako na ang mag papakilala. Di ba sasayaw nalang ako o di kaya kakanta habang nagpapakilala para masaya.  Ang boring naman ng  intro nila rito. Nakahanda Pa naman mga t****k steps ko.  Pero wag nalang baka bigla silang maloka pag nakita nila akong sumayaw ng Fever ng Enyphen. "Ahmm!  Ako si Kim Diala o mas kilalang Lady kim mula sa angkan ng mga Kim at Jong. At nag iisang anak ni Minestro Jong! " Agad akong yumuko dahil kinakabahan ako sa mga titig ng mga kasama ko saka nag-angat ng mukha at isa-isa ko silang nginitian. "Kim at Jong ", pang-uulit ni Lady hae bee.  Hindi na ako sumagit bagkos tumango na lamang ako. "Ngayon uunahin natin ang tamang paglagay ng tsaa sa baso..Dapat pantay ang pagkalagay ng kamay at dahan-dahan lang ang pagkabuhos ng tsaa upang iwas pagkatapon. Maliwanag! " "Ye,  lady Hae ! " Kakaloka tong buhay na to.  Pati ba naman mag lagay ng tea sa baso big deal sa kanila rito.  Nasa paligid lang ang tingin at hindi ko sila tinignan para maramdaman nila na hindi ako interesado.  My gosh!  Kahit siguro 10 years old , alam na kung pano mag salin ng tea sa tasa. "Lady kim,  ikaw na ang susunod ! " Kakamot na sana ako ng ulo na mabilis hinampas ng stick ni Lady Areum. "Ay puta----hamnida ! ",saka ako napatakip ng bibig.  Deym! Saka ako nag peace sign sa kanila.  "Hindi ganyan dapat umakto ang isang babae, lalo na't sa palasyo ka, Lady Kim.  Gayahin mo sila !" Okay sana kaso anong gagayahin ko sa kanila.  Yung pagiging silent nila na akala mo di makabasag pinggan.  Tssk!  Sorry sila hiphoper ako,e.. Wag niyo na din tanungin kung anong connect.  Kasi first of all, wala talaga. "As if I care! ", bulong ko. "May sinasabi ka? " "Po ! Ah, hehehhe. Wala po ! Sabi ko tatandaan ko po lahat ng sinasabi niyo sa akin ngauon, Lady Hae. Sige lang, magalit kayo sa ----", muli akong napahinto sa pagsasalita na ang talim ng tingin sa Akin ni Lady Hae.  "Lady kim! " "Paumanhin po!  Di na mauulit! " "Mabuti! " Lumapit na ako sa maliit na lamesa at hinawakan ang kettle. English para dama.  May tatlong maliliit din na tasa paglalagyan ng sample . Hinalo ko muna ketle at wala pang sampung segundo ay nalagyan ko na ang tatlo tasa na walang natatapon. Ako pa talaga hinahamon nila,a. Expert kaya 'to sa pagsalin lalo na pag sa kanila ko i-dederetso yung tea.  "Tapos! ", masayang aniya ko.  "Hindi ganun ang tama pagsalin ng tsaa.  Di ba sabi ko, dahan dahan lang " "Parehas pa din yun ", saka ko narealize na mali yung sinagit ko goshh! . Kainis naman kasi."Pasensya napo, di na po mauulit-ulit", pambabawi ko sa sinabi ko. Magsawa sila sa Akin. "Sa presentasyon niyong walo, sayo lang ang mali, Lady Kim. Dahil ikaw ang pang huli dapat tinitignan mo sila kung pano nila ginagawa ng tama. Nag sisimula palang tayo, Lady kim. Marami Pa kayong mapag daanang hirap!" "Ye, Lady Hae! " "Pangalawa, naman ay ang tamang paglakad. Ilalagay natin ang babasaging Plato sa ulo niyo at siguraduhin niyong hindi mababasag ito.Nakalagay ang dalawang kamay sa tyan at Dapat dahan-dahan lang maglakad na may otoridad! " Ang lakas talaga ng trip ng mga 'to. "Ye, Lady! ",sagot nila.  Di nako kasali kasi di ako sang-ayon.  "Bibigyan ko kayo ng sampung minuto mag ensayo sa labas at pagkatapos ay babalik kayo rito para ipakita samin ang iyong mga napag-aralan paglakad! " "Ye, Lady.  " Isa-isa kaming lumabas ng bulwagan.May naisip ako. Nagpahuli ako sa kanila sa paglakad hanggang sa napaikot na sila sa kabilang area.  Minatili ko ding umiba ng direksyon at mag -liwaliw.  Bahala nga sila magrampa-rampa ,hayss! kakatamad. Tumakbo ako palabas sa Pavillion at hinihingal akong sumandal sa pader. "Jusko!  Kakatamad talaga!", pinunasan ko ang mga pawis sa noo at sumilip sa kinaroronan ko . Tinignan ko lang kung Baka hinahanap na naman ako Lady Hae.  At nang wala akong makita, ay nakahinga ako ng maluwag. "Tumakas ka na naman no.  " "Psshhh!  Wag ka maingay!  Secret lang natin! " , sagot ko at sa Pavillion parin nakatingin.  Nang mataoha ako kung kaynino galing ang boses na iyon ay napaharap ako bigla. "Ay bading----aray ko! " Napapikit ako sa sakit. Tumama kasi ng ulo ko sa bibig niya dahil saktong pagharap ko sa likuran ay nasa likod ko siya nakasilip rin at sinusundan ang tinitignan ko. "Ikaw na naman! ", naiinis kung usal. Kahit saan nalang talaga nakikita ko siya.  Di 'ba pwdeng once a year lang kami magkita ng lalaking to.  Epal! "Isa ako sa mga royal officer rito sa Palasyo... kaya asahan mong lagi mo akong makikita rito.  Eh ikaw din naman , lagi din kita nakikita rito? " Inirapan ko siya at tumalikod sa kanya. "Na e-stress ako hayss! ",umupo ako sa may hagdan  at kahit marumi  diko na pinansin. Tuyo naman ang lupa, e. "Lady kim!  Lady kim! " Napatingin ako sa likuran ko narinig ko ang pangalan ko.  "s**t! " Tumayo ako na akmang tatakbo na sana na bigla niyang hinila ang kamay ko at tumakbo kaya nagpahila narin ako. Hindi na ako pumalag dahil sa pagkakaalam ko isa ito sa labasan ng palasyo ang dadaanan namin. Mas mabuti nalang siguro 'to kesa makita ako ni Lady Hae at papagalitan Pa ako sa pagtakas ko. "Sakay! " "Huh! " "Sabi ko sakay! " "Saan mo ko dadalhin? " "Basta! " "Hindi ako marunong! " Wala siya ibang nagawa kundi naunang sumakay sa kabayo. Seryoso ba talaga siya na papasakayin niya ako sa kabayo na ganito ang outfit ko. "Halika! ", aniya sabay lahad ng kamay niya. Umiling ako dahil pag sasakay ako baka mahulog Pa ako kung mapuruhan baka mamatay akong virgen. Pano ako mabalik sa panahon ko. "Sasakay ka o ihahatid kita sa Pavillion! " Mabilis kung hinila kamay niya at sumasakay sa kabayo. "Sasakay Karin lang naman pala? " "May choice ba ako tsss---ahhhhhhhhh. O my goshhh!  D-ahan-dahan lang AHHHHHH!" Para na akong himatayin sa kaba .May galit yata kabayo nato sa Akin att ang lakas niya tumakbo. "Kapit ka lang!" "Mahuhulog ako! " "Wag ka mag-alala andito ako! " Feeling ko tuloy namblublush ako dahil bigla uminit pisngi ko hangang tenga. Pereng tenge nemen teng keseme ke? Lalawak na sana ngiti ko na mapagtanto kung hindi ako marupok kaya pilit ko nalang pinakalma sarili ko at iniisip na galit ako sa kanya dahil halos aatakin na ako kanina. Pagkarating namin sa isang lugar. Tamihik at maraming punong kahoy nakapalibot sa amin. Una siyang bumaba saka niya ako inalalayan pababa. Pagkababa ko agad ko sinalobong ng suntok sa dibdib. "Aray!  Aray ko! " "Walangya ka! Papatayin mo ba ako aa takot, huh! " "Diko sinadya saka mahina lang naman ang takbo ng kabayo! ", aniya at tumalikod sa Akin.  Sinundan ko siya tingin hanggang sa makarating kami sa may patag na bato. Mula rito ay nakikita ang boung palasyo at labas nito. "Woah! " manghang sabi ko. Umupo narin ako sa tabi niya. Muli akong napatingin sa kanya.  Diko namalayan na nakatitig ako sa mukha niya.  Talaga namang napaka pogi niyang nilalang at napaka ginoo niyang tignan.  May abs kaya 'to?  Napailing nalang ako sa naisip ko ang laswa. "Ba't mo pala ako dinala rito?Date ba natin'to? " "Sinabay lang kita! ", pagtatama niya. Tssh! E 'di oo na, sinabay lang .Sanay naman akong laging sinasabay, e. "Parehas lang yun.  " "Dito ako palaging pumuputa pag nababagot ako sa palasyo. Dito ako minsan nagpapahinga, natutulog, nagpapakalma ng sarili " Di'ko tinatanong.  Char! "Tapos? " "Dinala kita rito para mag usap tayo biglang magkaibigan! " Ano?  Kaibigan talaga, di ba pwede jowa.  Single naman ako at handa kung ibigay ang kapitbahay kung echosera para gawin niyang kambing para sa kanya. Pero dapat pa hard-to-get tayo. "Excuse me!.  Hindi kita kaibigan no at ayaw ko maging kaibigan ka, hmmp!" Kung Jowa,  pwede Pa! Tumaas bigla ang kanang kilay niya saka tumawa. Damn!  Bakit sa twing ngumingiti siya ay parang humihina bawat galaw ng paligid ko.  Yung tuwa niyang nakalula sa sarap pakinggan kahit nakakainis siya minsan. "Kakaiba ka sa lahat ng nakilala ko?" So pinaparating niya mukha akong, engkanto?  "kung hindi tayo magkakaibigan, ano tayo? " "Strangers ", mabilis kung sagot.."Di mo na naman na geta no. Duh! ...Sabi ko stranghero! " Wala naman siyang yang reaksyon. Nakatingin lang siya  ulit sa malayo. "Nga pala, anong ginagawa mo sa palasyo at laging kang may tinatakasan?" "Hay nako... Kung alam mo lang ang nararamdam ngayon katabi ka...char! ", sabay tulak ko sa braso niya kaya napatingin sa kamay ko at agad ko naman binaw.  "Biro lang,  yung to too kasi ayoko makilahok bilang kandidata sa hinahanap nilang Reyna . My gosh!  Mas lalo akong na e-stress dito? Kung sa 2021 problema ko jowa, dito naman taong 'to problema ko kung pano ako tatakasan ang pagpili nila.  Sabagay malabo naman akong mapili nila! ", tumawa Pa ako saka kumindat sa kanya. Nakatulala siya sa ngayon."Kasi babae din hanap ko? ",dagdag ko Pa kaso bigla siyang nasamid sa sinabi ko.  "Isa kang kandidata sa paghahap ng Reyna? " Tinignan ko siya. "Oo! You heard me, right .Honey !" Honey agad, bongang kalandian mga  mare! "Kasali ka! " "Paulit-ulit ka naman,  e nakakainis na. Sabi ko, oo kasali ako... Kahit ayoko man sumali e, wla naman ako magagawa Utos ng inang reyna sa ama ko na kasama ako sa eleksyon sa pagpili ng reyna . Saka tinatamad ako sa pagsasanay nila. " Napabuntong hininga ako at kumuha ng maliit na bato at binato sa kawalan. Wala naman siguro akong matatamang tao kasi masukal na sa baba namin. "Kaya ka pala laging tumatakas ,no? Yun ba?" ."Oo, kasi ayoko nga magpakasal at lalo na ayoko pa mag asawa! " "Kahit sa Prinsepe?" "Bakit? hindi ba dahik sa kanya   kaya lagi ako nandun sa palasyo. Mag isip ka nga Lee, syempre dahil sa kanya?Obob lang !" Ito Pa naman ang pinaka-ayaw ko yung magtatanong walang common sense. "Oh ba't ayaw mo? " "Basta ayoko. Kahit siya Pa ang pinaka pogi sa boung Joseon ayoko paring magpakasal sa kanya,no . " "Bakit? " "Chismoso Karin no? ", irita ko siyang hinarap at nakita kung bigla siyang napangiti.  "Mas lalo kang gumaganda pag naiinis? " Pinanlilisikan ko siya ng mata.  "Di ka nakakatuwa. Pero alam ko namang maganda ako kaya salamat nalang !" "Bakit nga? " Ang kulit ah! "Kasi marami akong nababasang mga article na maraming asawa ang hari.  My gosh!..  Pag ako nag asawa ako ayoko ng may kahati, no! Dapat ako Lang kasi selosa akong tao!" "Ako rin! ", mabilis niyang sagot kaya napatingin rin ko sa kanya.  "Ako rin, pag nag asawa ako dapat isa lang at mahal namin ang isa't isa." Tologo ba! "Pero sabi nyo kasi true love never exist, maybe there's a time but not all the time ! Just kidding! " Ano daw?  Pinag-isipan Pa niya kung anong sinabi ko pero narealized niya sa huli na wala talaga siyang maintindihan. Kahit ako mismo ang nagsabi ay hindi ko rin nagetness... Muli kaming nagkatitigan na tumingin siya sakin. "Kahit diko maintindihan ang sinasabi mo ay  nararamdam ka may galit ka sa pag ibig! ".. "Echos ka, hindi ah! " Hindi naman talaga, slight lang! "Nga pala, ano na balak mo? " "Hmm!  Diko alam. Siguro itutuloy ko pero hindi ko aayusin ang pamamalakad nila para di ako mapili", nag-iisip Pa ako kung ano nga gagawin ko talaga.  "Tayo nalang kaya magpakasal? " ,suhestiyon ko.  "Pogi ka naman, maganda ako. Matangkad ka,  medyo pandak ako. Tsaka parehas tayo ng trip sa buhay   Ano game? " Agad niyang pinitik ang noo ko kaya napasapo ako. Nilapit niya mukha niya sakin kaya napaurong akom. "Talaga lang ah! " Hindi ako makaimik.  Syempre kahit marupok ako,  mahiyain din ako no.  "Bukas ay isa ako sa manood sa ensayo niyi kaya dapat makita kita roon bukas. Pag hindi ....." "Pag hindi......? " "Ahh ,basta kailangan makita-kita roon at dapat galingan mo?  " "Aba, inuutusan mo ba ako! " Umirap ako sa kanya.  Baka nakalimutan niyang isa akong anak ng opisyal sa palasyo at hindi ako katulong-para utos-utosan niya. "Iyan ang utos ko sayo! " "Ye, kamahalan! " As if. Mauuto-uto niya ako. Oo gwapo siya pero nangingibaw parin talaga inis ko sa kanya. Hays ! Pano nalang talaga pag nahulog ako sa kanya---este sa kabayo kanina. Ewan ko nalang. "Nga pala, ba't iba ang iyong kasoutan kumpara sa ibang kawal! " Tinitignan ko siya lalo na ang kanyang kasoutan.  Iba sa mga kawal na nakikita ko sa palasyo.  Parang pang-ginoo na, e.  "Ahh,  basta . Isa ako sa may mataas na katungkulan sa palasyo... Kaya bukas ,kung hindi ka liliban sa ensayo niyo ay malalaman mo kung sino ako! " Ay pa suspense! Pwede naman ngayon na?  Basta siguraduhin niya lang na gwapo parin siya bukas.  "Nga pala nakikita mo ba ang Crown Prince.  Ano itsura niya?  Pogi ba?  Macho?  Bata pa?Yummy----" "Op---opsss!  Dahan-dahan lang sa pagtatanong, Binibini. Saka bakit ganyang ang iyong mga tanong? " "Para inspired akong makilahok bukas... Ibig ko sabihin para gaganahan ako sumali . Kung kasing gwapo mo siya para inspired ba. Basta ganun! " Kung may pinakalamandi na sigurong binibini sa Panahon na'to sa Akin na siguro mapupunta ang award.  Lumunok muna siya bago tumingin ulit siya sa malayo.  Maya Pa ay bigla akong nagulat na hinarap niya ako. *dug*dug*dug "Tingnan mo'ko? " Sinunod ko naman ang sinabi niya. Tinignan ko rin siya mata.  "Anong nakikita mo sa Akin? " "Ahmm!  May hitsura ka. Maganda ang kutis , makapal ang kilay, matangos ang ilong, mapula ang labi ,mapupungay ang iyong ,pilik-mata, -----" Lahat na yatang adjectives ay babangitin ko na sana sa kanya pero bigla siyang nagsalita. "Kung anong nakikita mo sa akin, ganun rin ang itsura ng Prinsepe! " "Ahhh! " Bigla kung nilapit ang mukha ko sa kanya na ikinagulat niya.  Tinitigan ko siya sa mata, sa ilong at sa labi. Napangiti ako ng biglang taas- baba kanyang Adams apple . Napapatitig ako ng matagal sa labi niya hanggang sa mata ulit saka ko kinurot ang pisngi niya.  "Aray! " Napabitaw siya magkabilang braso ko. "Hahahahahaha! " Hawak niya ang magkabilang pisngi niya na namumula ngayon. Echos 'to.  Alam ko namang gwapo siya pero hindi niya ako maloloko. Gusto niya lang siguro ako makilahok sa ensayo bukas para makita ko siya.  Eyyyy!  Mga galawan ng nga lalaki talaga! "At sa tingin mo naman mauuto mo ako, ah.  Oo alam kung gwapo ka at....", napahinto ako na marealize kung, pano kung tama siya. Siya talaga palasyo kaya alam niya hitsura ng prinsepe kesa Akin. Kahit anino lang yata ng Prinsepe ay hindi ko Pa nakita. Pano ba naman kasi,  pag nasa palasyo ako hindi siya nagpapakita sa Akin para makita ko kung anong itusa niya.  Baka bata Pa sa Akin o di kaya mga 10 years tanda sa Akin.  Para mapaghandaan ko kung pano takasan ang punyemas na seleksyon na yan. Binalik ko ulit making tingin sa boung tanawin para maibsan ang ilang sa amin. "Ehem !" Tinignan ko ngayon ang katabi ko na namumula parin ang mukha.  Maputi siya kaya masyadong halata ang kurot ko sa knya.  "Ang cute--- este ang pula ng pisngi mo! " Tinitignan ko lang siyang hinawakan ang kanyang pisngi.  Masakit nga siguro yataang pag kapisil ko kasi parang nasasaktan siya pag nahawakan niya. "May itatanong pala ako sayo at sana masagot mo? " "Okay!  Buti nalang bored ako masabayan ko trip mo?Saka pambawi narin sa kurot ko. Sige ,magtanong ka lang ?", sabi ko sa kanya. "Kung pag pipiliin kasa sa mabuti o tama. Anong pipiliin mo sa dalawa? " Napaismid ako sa tanong niya.  Anong klaseng tanong 'to?  Kung pag pipiliin ako, syempre siya.  Matik nayan. "Ikaw !" "Huh!  Ako! ", turo sa sarili niya.  Ang hina naman niyo.  Alangan naman ako. "Sabi ko, Ikaw . Ano sagot mo tanong mo? ", balik tanong. My gosh!  Di ako inform na may question answer portion sa era nato. "Eh!  Ako nagtatanong kaya ikaw sumagot? " Niyakap ko ang tuhod ko doon pinatong ang ulo bago sumagot. "Ahmmn!  Kung ako papipiliin sa mabuti o tama,  syempre doon ako sa mabuti. Sa mundo natin, lahat ng Tao ay pwede maging tama mula sa karunungan, sa gawa pero hindi lahat ng Tao ay kaya maging mabuti na bukal sa puso. Kaya pinili ko ang mabuti kasi kahit anong pagsubok na darating sayo pag ang kabutihan na mula sa puso ang mangingibaw sayo .Ikaw parin ang panalo. And that's it! " Nang tumingin ako sa kanya makikita ko sa mukha niya ang pagkamangha. "Ang swerte ng hari pag ikaw maging reyna niya .Nasa kanya ang karunungan naka agapay sa pag upo niya bilang hari. " "Tsss!  As if gusto ko maging reyna " Ang kaninang nakangiti na mukha ay napalitan ng lungkot.  Bakit ba?  E, ayaw ko nga ,e.  "Lahat ng kababaihan ay hinahangad na makuha ang puso ng prinsepe at mapiling susunod na Reyna pero ikaw, hindi ko nakikitang intersado ka." "Gustuhin ko man pero diko ramdam na karapa't dapat ako posisyon nayun saka isa lang hinihiling ko ngayon ang makabalik ako sa taon ko.  " Yun nalang naging sagot ko bago tumayo.  Gustuhin ko man maging reyna pero hindi pwede kasi aalis din ako sa taon nato at babalik sa taon kung saan ako nanggaling.  At ang pagiging reyna ay isa sa mahirap na tungkulin lalo na't kaagapay kanang hari para sa ikakaunlad ng bansa.  Problema ng hari, problema mo narin. Problema ng boung bansa,  problema mo narin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD