Chapter 19
Hindi siya makapaniwala sa nalaman!ang babaeng bigla na lang niyang hinalikan sa gitna ng kalye ay ang babaeng nakakaranas ng mga panaginip na tulad ng sa kanya.
Kaya pala napakadali niyang lumapit sa babae noong araw na una niya itong makita.
Galit siya rito dahil sa nakikitang pagpapakatanga nito sa lalaking yon.
Naisip niyang tulungan ito.Parang may malakas na pwersa na humatak sa kanya patungo sa babae ng araw na iyon.
Kanina lang ay parang napagkit sa isa't- isa ang tingin nilang dalawa.Na parang sila lang ang tao sa paligid.Mabuti at kinalabit siya ni Lincoln.
Biniro pa siya ng kaibigan na hindi ito nagkamali ng hinala.
Magandang babae si Lucila tulad ni Aurora.Malayong-malayo at magkaiba ang dalawa.
Kung si Aurora ay matapang at palaban kabaliktaran nito si Lucila na mahina ang loob.
Wala sa loob na napaupo siya sa kama.
Hindi maganda ang pakiramdam niya.
Mukhang totoo nga ang sinabi ng kaibigan na kakainin niya ang lahat ng kanyang sinabi.
Kailangan niya ng pampakalma.Tinungo niya ang mini bar ng kanyang bahay at kinuha ang isang bote ng alak at baso.
Nagsalin siya at uminom.
Lucila......bakit ba hindi kita maalis sa isip ko....?!
Kanina pa siya hindi makatulog at pabiling-biling sa higaan.Hindi niya maalis sa isip ang lalaking yon.
Kaibigan pala ito ng may-ari ng ospital na pinapasukan nila.
Hindi niya na inalam pa kung anong pangalan ng lalaking yon.
Saan ko na nga ba siya nakita.....?pamilyar ang mukha niya.....
Huh ....! napabalikwas siya ng bangon at napaupo. Ang lalaking yon....siya yong.....oo nga!yong kasama ni sir Lincoln sa picture!
Ang lalaking tulad ko ay nakakaranas din ng mga panaginip!
Sinitchi mahal ko....maghihintay ako sa pangako mo....ipinapangako kong ikaw lang mamahalin ko maging sa kabilang buhay.....
Tumingin si Aurora sa larawan nila ng asawa.
Mahal ko.....maghihintay pa rin ako sa pagbabalik mo.....panghahawakan ko ang pangakong iniwan at sinambit mo sa akin noon....
Dalawampung taon na rin ng mamatay ang asawa niya.
Walang araw na hindi siya naghintay sa pagbabalik nito.
Bawat araw ay mas lalo niyang minamahal ang asawa.Lumipas pa ang labindalawang taon.
1976 ng tuluyang mamaalam sa mundo si Aurora at tahimik na humimlay sa tabi ng puntod ng mga magulang.Hindi na ito muli pang nag-asawa.
Mahal ko.....Sa wakas.....nagkita rin tayo....
Naalimpungatan si Dylan at nagmulat ng mga mata.Nakatulog pala siya sa sofa dahil sa kalasingan.Napanaginipan niya ang babaeng yon....Si Lucila.
Nahanap na raw siya nito.Ano ang ibig sabihin ng panaginip niya?
Alam mo Lucila imbes na magmukmok ka diyan samahan mo na lang akong magbar hoping.....diyos ko manang na manang ka at walang kamuwang-muwang sa mundo!minsan naman mag-enjoy at lumabas ka!wika ni Lineth.
Oo na sige na!she rolled her eyes because of her stubborn friend.
Pagkatapos ng duty nila ay umuwi sila at nagbihis saka tumuloy sa bar.
Maingay at mausok ang lugar.Hindi siya sanay sa ganito pero ayaw naman niyang iwan ang kaibigan.
Enjoy ang bawat nagsasayaw dahil sa ganda ng music na pinapatugtog ng DJ.
Hiyawan at mas lalong nag-iingay ang mga nasa dance floor.
Si Lineth ay naroon din sa gitna ng dance floor at nagsasayaw ang bruha.
Tumingin siya sa itaas at doon nakita niya ang pamilyar na mukha ng isang lalaki.
Napanganga siya ng makitang ito ang nagpapatugtog ng music.
Hindi lang ito isang sundalo magaling din
sa pagiging DJ!nagtama ang kanilang mga mata at tulad ng dati ay hindi nanaman maipinta ang pagmumukha nito.
Hindi nanaman normal ang t***k ng kanyang puso.
Napakaguwapo nito sa suot na simpleng white t-shirt at jeans.Nakasuot din ito ng itim na sumbrero.Nagmukha tuloy itong teenager.
Ipinagpatuloy nito ang ginagawa sa taas.
Nawala ang atensiyon niya sa lalaki ng lapitan siya ng isang lalaki.
Hi.....are you alone....?ngumiti ito sa kanya.
Ahhh ....Hindi yong friend ko nasa dance floor.....
Really won't you mind if I join you?wala bang magagalit?mukha namang mabait ito sa paningin niya.
Ahhh wala naman sure....upo ka....
umupo ito at tinawag ang waiter.
Nag-order ito ng cocktail para sa kanya at whisky naman para dito.
I'm Elliott Lewis....how about you...,?
Ahhh....Lucila....Lucila Montes....Nagkamay silang dalawa.
Nice meeting you Lucila....
Me too....
Ohhh here's your drink....inabot nito ang inumim niya at nagpasalamat naman siya.
Isa palang business man ang lalaki.Mabait ito at meron itong girlfriend na nasa ibang bansa ngayon dahil naroon ang trabaho nito.Every weekend ay lumilipad ito ng Macau para makasama lang ang taong mahal nito.
Mahal na mahal nito ang sinasabing girlfriend nito.Sana ay naging ganito karesponsable si Bryan subalit hanggang pangarap na lang ang lahat.
Hanga siya sa pagiging responsibleng boyfriend nito.
Kaibigan pala nito ang may-ari ng bar kaya lagi itong nagpupunta rito.
Ikaw ba Lucila do you have a boyfriend?tanong nito.
D-dati pero...niloko niya ako....
I'm sorry to hear that....you ex was such an idiot for cheating on you.
Ayos lang.....
Oh honey....look whose here....
Pareho silang natigilan ni Elliott ng may mga bagong dating.
Ohh Lucile....where is your new boyfriend?don't tell me hindi rin siya nakatagal sa'yo?may himig ng sarcasm ang tanong ni Bryan.
Ahhh h-hindi naman busy lang siya.
Ang baliw niyang ex at ang bago nito.Ito yong ipinalit sa kanya ng lalaki.
Excuse me....?kilala mo sila Lucila?tanong ni Elliott.
I'm Bryan pare.....Lucila's ex- boyfriend....
Oh nice meeting you pare....Nagkamay ang dalawang lalaki.
You have a wonderful and beautiful ex-girlfriend wika ni Elliott.
Lihim siyang nagpasalamat sa lalaki.
Honey let's go I like to dance aya ng kasama ni Bryan.
Ahhh excuse us ...paalam nito sa kanila.
Is that your ex?Hindi makapaniwalang tanong ni Elliott.
Ahhh .....
Yes exactly that b***h is her ex.....Lineth rolled her eyeballs in so much disappointment.
Narito ka na pala....
Yes I'm here napagod na ako eh....
Siya nga pala Elliott this is Lineth friend ko....Lineth si Elliott....
Hi....?Nagkamay ang dalawa.
Buti pala friend di ka nag-iisa.Salamat sa pagsama dito sa lukaret kong kaibigan baling ni Lineth kay Elliott.
Okay lang yon atleast may kausap ako sagot ng binata.
Anyway Lucila nakita mo na ba si mamang guwapo?abot-langit ang ngisi ng kaibigan.
O-oo.....tumingala siya sa itaas.Nahuli niyang nakatingin ito sa kanya.
Patay-malisya siya at di kayang salubungin ang titig nito.
See friend nakatingin siya sa'yo?!
Ahhh si Dylan ba ang tinutukoy niyo?sabad ni Elliott.
Siya nga sagot ni Lineth..ah basta dahil off natin bukas magpakalasing tayo ngayong gabi!cheers!
Pero paano mo nalaman ang pangalan niya?tanong niya sa binata.
He's my cousin.....