Ayradel's Side Nag-stay kaming lahat sa isang room malapit sa backstage. Pinagsuot rin kami ng headphone, ani ng organizer ay para hindi namin marinig ang tanong sa Q&A at 'yong sagot ng co-contestant namin. "Miss Sheena Morales?" Tinawag na si Sheena, ibig sabihin ay ako na ang sunod. Humugot ako ng malalim na hininga at napatingin sa bintana. Sa spot kung saan umamin sa akin si Richard ng lahat-lahat. Hindi ko pa rin makalimutan ang lahat. Hindi ko akalain na all this time ay mag-isa niyang hinarap ang revelation tungkol kay Tita Vivian at sa mommy niya na si Dianne. It must be hard for him... sana noon ay naisip kong posibleng hindi niya mean ang mga nasabi niya noon. Sana naintindihan ko siya, sana naisip kong baka mayroon siyang pinagdadaanan. Napapikit ako sa kantang inilalabas

