Ayradel's Side "Woah! Teka! Miss Entrep na ba yung kanina?! Taray mo te! May bonggang lines ka pa bago umexit!" tatawa-tawang sabi ni Lea pagkalayo namin sa classroom. Dito muna kami sa Linear tumambay, isang mahabang catwalk kung saan overlooking ang isang ilog. "Naku! Buti na lang umalis agad si Charles kundi jombag talaga 'yung mga malalandi na yon dahil inaaway nila si Ayra!" Napakunot naman ang noo ko. Bakit naman 'yon gagawin ni Charles? Hay. Actually hindi ko rin inasahan ang sarili kong sasagot kay Sheena kanina, karaniwan noong highschool ay tatahimik lang ako o kaya naman ay yayayain ko ang kaibigan kong umalis nang walang sinasabi. Napangiti ako sa freedom na nararamdaman ko sa dibdib, masarap rin pala sa feeling kapag nasasabi mo yung nararamdaman mo. Kapag hindi puro utak

