SEVEN

735 Words
“Buwisit! Buwisit na lalaking ‘yon!” ngitngit ni Iona matapos ibagsak sa kama ang bag niya. Nasa loob na siya ng inuupahang silid sa inn. Mahigit isang oras na ang lumipas mula nang umalis siya sa hospital suite ni Gil Del Castillo ngunit hindi pa rin humuhupa ang init ng mukha niya, ang mabilis na tahip ng dibdib niya at ang pakiramdam na gusto niyang paulit-ulit na iumpog sa pader ang sariling ulo. She was mortified at herself, mostly. But her anger? That was all his fault. The long-haired labanos laughed at her face. As in halakhak to the max. Na para bang narinig nito ang pinakanakakatawang joke ng taon. Tumigil lang ang buwisit nang kumirot ang ulo. At nang makitang seryoso siya sa “proposal” niya, nahaluan ng pangungutya ang anyo nito. “Are you insane, Miss?” tatawa-tawa nitong sabi, binawi sa kanya ang kamay. “And please stand up. Don’t embarass yourself like this.” “Hindi ako baliw. Pero gaya mo, desperada din akong lumagay na sa tahimik.” Dumilim ang anyo nito. “So you’re eavesdropping on us last night. Was that also the reason why you stalked me to my car?” “Stalked?” palag niya, na-offend. Pero may bahid naman iyon ng katotohanan. “Fine, oo na. Sinundan nga kita dahil doon. I-o-offer ko ang sarili ko sa’yo dahil kailangan ko rin ng…ng mapapangasawa. Narinig ko rin ang conditions mo. Iyong hindi madaldal, iyong marunong magtago ng sekreto. Kaya ko ang mga iyon. I’ll be the perfect bride for you. I’ll be your closet bride, you secret wife.” “Closet bride, huh?” anito, bahagyang tumaas ang isang sulok ng bibig. “Let’s say you can keep a secret. The thing is, that’s not the only thing I’m looking for. I need someone I can bring home to my family. Someone I can walk down the aisle with, give my name to. Maybe we’ll become friends. Maybe I’ll even fall for her. And keep her forever.” He tilted his head. “And you, Miss Mabitag… don’t meet those requirements.” “T-Teka. Sinasabi mo ba na…” “Na hindi ka suitable para maging Mrs. Gil Del Castillo. You can’t be my bride because I don’t want you to. I’m rejecting your proposal. I’m sorry.” But he didn’t look apologetic at all. He looked amused. He looked as though he wanted to laugh again. Alam ni Iona na sa loob-loob nito, humahalakhak na naman ang hudas! “Ang hayup na ‘yon,” aniya sa pagitan ng malalim na paghinga. “Kung makapang-insulto siya.” Pati dead cells niya, nainsulto sa mga sinabi nito. “Eh ano kung guwapo siya? Kung mayaman at matangkad? Kung walang pores? Hindi na ako agad suitable para sa kanya?” Gusto niyang sabunutan ang lalaki kanina, o batuhin ng maaanghang na salita. Dahil sa sobrang shock, naging tuod na lang siya. Noon lang may lalaking nakapagsalita sa kanya nang ganoon. Walanghiya. Walang puso. Walang modo. Gil Del Castillo made her feel ugly and so unwanted. Sa huli, pinili niyang umalis na lang bago pa siya makagawa ng bagay na pagsisisihan niya. “Napakahambog,” aniya at pasalampak na umupo sa kama. “Guwapo at sikat pero naghahanap ng uupahang bride. Kung hindi may saltik, malamang bading ‘yon. Tama, bading nga siguro. Kaya mahaba at makintab ang buhok, para maitirintas niya gabi-gabi at malagyan ng maraming flowers!” Naiinis din siya sa sarili. Nalaman na nga niyang bigating tao si Gil Del Castillo, and yet, nag-“propose” siya sa lalaki. Ganoon siya ka-confident na papatusin siya ng kamoteng anemic na ‘yon? “Bakit hindi? May hitsura naman ako, ah,” pampalubag-loob niya sa sarili. “Stressed lang ako ngayon kaya ganito ang mukha ko. Pero kapag inayusan ako, puwede na akong ihanay sa mga artistang nakakasalamuha—” Kusa siyang huminto. What was she doing? Bakit kailangan niyang palubagin ang loob at lokohin ang sarili? If that talking r****h didn’t want her, fine. She didn’t want him either. Sure, she’d had a little crush last night, but that’s dead now. Buried. Cremated. Gone. “Kung sinuman ang mapapangasawa mo, ngayon pa lang, condolences na sa kanya,” bulong niya sabay dive sa kama matapos sipain paalis sa mga paa ang sandals. Pumikit si Iona. Mas mabuting itulog na lang niya ang inis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD