Alumpihit sa kinauupuan si Iona, hawak ang styro cup ng mumurahing kape na hindi na niya maubos. Pangatlo na niya iyon at ayaw nang tumanggap ng caffeine ang sistema niya. Hindi rin n’on natutulungan ang kondisyon niya.
Mas nag-pa-palpitate lang siya.
Itinapon niya sa trashbin ang cup at tiningnan ang relos. Alas siyete na ng umaga. Lagpas pitong oras nang tulog ang “pasyente” niya. Inilipat niya sa hospital bed ang tingin. Nginatngat na naman ng guilt ang dibdib niya nang makita ang naka-bendang noo ng lalaking tulog.
Gil Del Castillo.
Apparently, that was his name. Walang dalang ID subalit nakilala ito agad ng mga nurse. Because, of course, he wasn’t just anyone. He was that Gil Del Castillo. Actor. Heartthrob. The face on billboards and shampoo ads.
Kahit walang malay, he looked unfairly good-looking. Like a prince cursed into a hospital gown.
Si Iona ang tipong hindi obsess sa mga celebrity, subalit kilala niya ang pangalang Gil Del Castillo. She’d seen his face online enough times to know he wasn’t just famous. He was a brand. Isang Del Castillo. Mayaman. Maimpluwensiya. Untouchable.
‘Tapos binato mo lang?
“Nabato,” giit niya.
Na-out of balance sa car park—iyon ang ibinigay niyang paliwanag sa doktor kanina nang magtanong kung ano ang nangyari. Sinabi niya rin na PA siya ng lalaki. Laking ginhawa niya nang kagatin ng mga ito ang pagsisinungaling niya. Ipinadala sa private suite si Gil Del Castillo matapos gamutin at bihisan. That was seven hours ago. Saglit siyang nakatulog kanina. Subalit maya’t maya siyang ginigising ng paranoia at konsensiya niya.
Umupo si Iona sa tabi ng kama ng lalaki at nangalumbaba.
“Perfect,” hindi niya mapigilang sabihin.
Nakakita na siya ng guwapo dati, subalit hindi gaya ng isang ito. Bawat hulma ng mukha—mula sa kilay hanggang sa panga—ay tila nililok ng mahusay na iskultor. His skin looked smooth, his hair glossy, not a single split end. She suddenly felt embarrassed by her own frizzy hair.
Naniningkit ang mga matang pinagmasdan niyang muli ang bawat detalye ng mukha nito. “You’re too good to be true,” bulong niya, tumutok ang mga mata sa ilong nito. Napasingasing siya kapagkuwan. “Ayokong maniwala na may ganito kaperpektong tao. Sigurado akong lab-made ka. Mahusay ang gumawa ng ilong mo, infairness.”
“Wala sa lahi ng mga Del Castillo ang pango.”
“Ay putcha!” mura ni Iona, napalundag sa kinauupuan.
Nagmulat si Gil Del Castillo, ibinaling sa kanya ang ulo. Kinabakasan agad ng inis ang mga mata nito. For some reason, that made him look even more handsome. The line between his brows, his flaring nostrils…somehow, it all made him more magnetic.
Nasaan ang hustisya, Lord?
“G-Gising ka na. Finally,” bulalas niya matapos makabawi sa pagkabigla.
“Yes, gising na ako,” anito. “So you better start praying. Or find a good lawyer. I’m suing you for this, Miss.”
Nangatal siya sa narinig. Ito na nga ba ang sinasabi niya. “Teka. Huwag naman please. S-sorry na, oh. Sinubukan lang naman kitang iligtas sa gustong mang-holdup sa’yo.”
“I had it under control,” he said flatly. “Then you came in, playing Wonder Woman, and nearly split my skull.”
“Wala naman daw fracture sabi ng doktor. Madugo lang kasi sa ulo banda ang injury mo.” Hindi na lang niya binanggit na nagtamo ito ng apat na tahi sa noo. Bumuka kasi ang balat nito roon. “You’ll live.”
“And you’ll rot in jail, soon,” sarkastiko nitong tugon na nagpalamig sa dugo niya. Talaga bang ipapakulong siya nito? Bumangon si Gil pero bumagsak din uli sa unan ang ulo. Umungol ito kapagkuwan, mariing pumikit at ipinatong ang nakakuyom na kamao sa benda. “God, this is killing me.”
“Gusto mo bang tumawag ako ng nurse?”
“No!” angil nito na ikinapiksi niya. Nang balingan siya, parang gusto siya nitong hablutin at sakalin. “Was my family informed?”
“Hindi pa. N-Nasira yata ang phone mo. Kanina ko pa sinusubukang buksan. Sinubukan kong i-charge pero black screen pa rin. Nakuha ‘yan sa back pocket mo. Baka naipit no’ng matumba ka kagabi,” aniya, inilabas sa bag niya ang cellphone nito. Pinindot-pindot nito ang power button, nag-swipe at ininspeksiyon ang screen. Marahas itong nagpakawala ng buntong-hininga bago inilahad sa kanya ang palad.
“Your phone. Akin na,” wika nito.
Lihim na napaismid si Iona. Hindi man lang marunong mag-please.
“Oh.” Inilapag niya sa palad nito ang cellphone niya matapos itipa roon ang code niya.
“You know who I am, right? I mean, alam mo na artista ako?”
Tumango lang siya.
“Did you post this on your social media? Na may kasama kang artista sa iisang silid?”
“Bakit ko naman gagawin ‘yon? Hindi ako mahilig mag-social media.” Totoo iyon. Tatlong taon na since mag-sign up siya sa f*******: pero limang beses pa lang siyang nag-post at hindi pa nagpapalit ng display picture ever since. It was still her passport photo taken three years ago—noong may full bangs pa siya. Thirty six lang ang lamang ng friend list niya roon, karamihan ay mga dating classmates na in-accept niya lang ang friend requests para hindi siya masabihang isnabera.
Hindi nagbigay ng reaksiyon si Gil. Nagpipindot lang ito sa screen at mayamaya pa, may kausap na, inutusan iyon na pumunta sa ospital matapos itanong sa kanya ang pangalan at lokasyon.
“Mamaya na ako magpapaliwanag, okay? Get here fast. And don’t tell anyone about this. I repeat, anyone. That includes my family. Bring me some clothes. And my sunglasses.” Binalingan siya nito pagkatapos, ibinalik sa kanya ang aparato. “Honestly, I want you to pay for what you did. But filing a case takes a lot of work. I’m still thankful that you rushed me here last night kahit na ikaw mismo ang dahilan kaya nangyari ito. Palalampasin ko ito.”
Parang nabunutan ng tinik sa dibdib si Iona. “Thank you.”
“What’s your name? Your real whole name.”
Sumikdo ang puso ni Iona. Nabuhay ang munting kiliti sa dibdib niya kagabi nang masilayan ang guwapong mukha ni Gil. He’s asking for her name. Her real whole name. Ibig sabihin ba…interesado ito sa kanya? At kung tingnan siya nito nang sandaling iyon…nanunuot, nangingilatis. Parang sinasaulo pati bilang ng pilikmata niya.
“Macariona,” she said, almost breathless. “Macariona Mabitag. Iona na lang.”
“Okay. Miss Mabitag, you may go. And don’t you dare post this on social media. Or tell your friends about this. Ayokong makarating ito sa media.”
“Hindi ako mag-po-post. Promise.”
“Siguraduhin mo. I know your name and your face. If this leaks, I’ll find you, and have you thrown in jail. You know I can do that, right? Miss Macariona Mabitag?” Ikiniling pa nito nang bahagya ang ulo, umarko ang isang sulok ng labi.
Laglag ang panga ni Iona. Iyon ba? Iyon ba ang dahilan kaya hiningi nito ang pangalan niya? Kaya kung makatingin ito ay parang sinasaulo ang bawat detalye ng mukha niya? Para madali siya nitong maipahanap kung sakali. May naramdamang kurot sa dibdib si Iona.
Nadismaya siya. Napahiya. Anong klaseng gaga siya at naisip niya na interesado sa kanya ang taong ito? Mula pa kanina, wala itong ginawa kundi sungitan siya at angilan.
“Makakaalis ka na,” sabi pa nito.
She rolled her eyes at the ceiling and marched towards the leather couch. Kinuha niya ang bag, iniligpit ang ilang kalat niya roon. Sa likod niya, narinig niyang mahinang umungol si Gil. Nabigla pa siya nang paglingon at makitang nakaupo na ito, mahigpit na nakahawak sa dextrose stand at nakayukyok ang ulo sa isang braso.
“Ayos ka lang?” tanong ni Iona. “Gusto mo bang magbanyo?”
“I’m fine,” pag-insist nito at nagpumilit na tumayo.
Pero hindi ito fine. Nanlaki ang mga mata ni Iona nang makitang matutumba ang lalaki. Awtomatikong kumilos ang katawan niya papunta kay Gil para pigilan ito sa pagbagsak. Hindi niya kayang saluhin ang lahat ng bigat nito so she decided to just push him back to the bed. Iona’s body crushed against his, pain assaulted her nose when it hit something hard. Ilang sandali na nakapikit lang siya, maluha-luha sa kirot.
“Ano ka ba?” hindi niya napigilang asik. “Puwede ka naman kasing humingi ng tulong kung hindi mo kaya, ‘di ba?”
“Don’t you yell at me, okay?” came his annoyed voice.
Napatingala siya. Nagulat nang maka-face to face si Gil. Halos nose to nose na sila ng lalaki. Halos makita na niya ang sariling repleksiyon sa mga mata nito. At puwede na nitong i-connect the dots ang mga pekas niya sa mukha.
Nag-init nang leeg niya nang makitang gumalaw ang mga mata ni Gil, tila sinuri ang mukha niya. She knew he was staring at her freckles and it made her feel like hiding her head inside her blouse. Mula pa noon, insecurity na niya ang mga mantsang iyon sa balat. She tried removing them using beauty products pero tila mas nag-mu-multiply lang iyon. Sa huli, itinago na lang niya gamit ang make-up. Na hindi niya nagawa ngayon dahil nga ngarag na ngarag siya. Sa sitwasyon niya ngayon, kahit nga ang magsuklay ay hindi na niya magawa.
Tumikhim si Iona, iniiwas ang mukha at mabilis na lumayo sa katawan ni Gil nang makita kung ano ang posisyon nila. Mas nag-init pa ang mukha niya nang maalalang manipis na hospital gown lang ang suot nito. Ni hindi niya alam kung iniwan ng mga nurse ang salawal nito kanina nang palitan ang suot.
“G-Gagamit ka pa ba ng banyo?” tanong niya rito.
“Later. Hihintayin ko na lang ang PA ko. You may go.” He gave her face one last look before he lied back to bed. Pumikit ang lalaki subalit alam niyang hindi ito tulog. Pinapakiramdaman lang siya nito. Or maybe it was his way of telling her to leave.
Dinampot niya ang nabitiwang bag, isinukbit uli sa balikat. At tila noon lang tumimo sa kanya ang kinakaharap na problema. Problemang akala niya ay malulusutan na niya. She knew she can’t stay at the inn for the rest of her life. Hindi niya rin kayang idispatsa ang bahay. Babalik at babalik siya sa bahay na iyon. Sa bahay na minumulto ni Ate Cleo. Si Ate Cleo na aalis lang at patatahimikin siya kapag lumagay na siya sa tahimik.
Pinagmasdan niya si Gil, naalala ang sinabi nito kagabi. Nahimigan niya ang desperasyon sa boses nito, naroon din ang determinasyon. Kailangang-kailangan na nitong makahanap ng hired bride.
At nandito ako, naghahanap din ng mapapakasalan. Hindi coincidence ang pagtatagpo namin kagabi. Maybe this is fate.
“You’re still here,” puna ni Gil nang mamulatan siyang nakatayo pa rin doon. “May kailangan ka pa?”
Oo. Ikaw. Ikaw ang kailangan ko.
Humugot siya nang malalim na hininga at marahas na pinawalan. “I’ll do it,” she uttered. “Hire me, Gil.”
Kumunot ang noo nito. “I’m sorry—what?”
“As your bride,” aniya. “Hire me as your bride.”
His eyes widened in disbelief. “How did you—”
Humakbang na siya palapit at ginagap ang kamay nito. Lumuhod din siya sabay tingala sa guwapo nitong mukha.
“Let’s get married, Gil Del Castillo!”