FIVE

1243 Words
Oh s**t! Tili ni Iona sa isip nang lumingon ang lalaking inuutusan niyang lumingon gamit ang “telepathy”. She desperately needed to see his face because she’s curious on how this man looked like. This very man whom she heard talking to his friend, asking him to find a bride. “Find me a bride. A hired bride, okay? Someone I can marry in secret and won’t spill the beans to anyone.” Hindi niya intensiyon na pakinggan ang usapan ng dalawa pero naantig ng mga ito ang interes niya nang madinig ang mga salitang iyon. Lumingon siya, dumako ang tingin sa lalaking nakatalikod sa kanya. Noon niya lang higit na napagtuunan ng pansin ang paligid niya. Dalawang mesa lang ang okupado—mesa niya at ng dalawang lalaki sa kabila. Na ang isa ay halatang proud member ng rainbow community dahil sa buhok at mga pilikmata nitong may glitters. Panay rin ang pilantik ng mga daliri nito habang nagsasalita. Sunod niyang itinuon ang pansin sa kausap nito. Nakatalikod sa kanya, prenteng nakasandig sa kinauupuan. He seemed too big for the rickety chair. Gitna ng likod lang nito ang nasusuportahan ng sandalan ng silya. At kahit nakaupo, halatang matangkad ang lalaki. Unat na unat ang makintab at lagpas sa mga balikat na buhok. Naisip niya na gaya ng kausap, queer din ito. Until he mentioned the part where he’s looking for a bride. A hired bride. Iona tried to glimpse his face. Subalit nakaharang sa mukha nito ang buhok. Mayamaya ay mag-isa na lang ang lalaki sa mesa nang magpaalam ang kasama. Mag-isa na rin si Iona. Kanina pa umalis si Jossa, hinahanap na ni Teddy. Natutukso siya na lapitan na ang lalaki at maki-share sa mesa nito. Gusto niyang kausapin ito, itanong ang dahilan kung bakit nagpapahanap ito ng bride. Gusto niyang makakuwentuhan ito, tingnan kung magkakasundo sila. And who knows? Baka magustuhan niya ito, baka mag-click sila. Baka matulungan nila ang isa’t isa. He’s looking for a bride and she needed someone to marry, too. This could be destiny! Pero wait…paano kung mukhang palaka pala ang lalaki? Napangiwi siya, kinilatis uli ang likod ng lalaki. Kung ang anggulong iyon ang pagbabasehan niya, panalo na ito. Wide shoulders and back, taut biceps, nice hair. Mukha itong mabango. Pero posible kasing guwapo lang kapag nakatalikod ang lalaki. Desperada siyang makahanap ng lalaking makakapareha hanggang huli pero may standards pa rin naman si Iona. Hindi siya naghahanap ng sobrang guwapo pero huwag naman iyong may mukhang puwedeng hulmahan ng sapatos. So Iona just stayed there, deciding if she’ll join the guy or not. Panay rin ang hiling niya na lumingon ito at ipakita sa kanya ang mukha nito. And then finally, he looked around and saw her. He held her gaze for a few moments and Iona’s inside felt as though they turned into jelly. Napatingin si Iona sa mga kamay na hawak ang props na menu. Nanginginig ang mga iyon. At dahil iyon sa nakitang histura ng lalaki. Hindi ito mukhang palaka. At lalong hindi mukhang paa. He looked more like the frog after a princess kissed him and lifted the curse away. He looked more like that man looking for the owner of the glass shoes. Mukha itong prinsepe! He was extremely good-looking. At kahit pangbabae ang buhok, he still managed to look very manly. And why does he looked familiar? Saan niya ba nakita ang lalaki? Sa future niya? Mahinang humagikgik si Iona. Sinaway rin niya agad ang sarili. Lasing na ba siya kaya kung anu-anong ilusyon na ang pumapasok sa kukute niya? Limang bote ng beer na ang naimom niya pero mataas ang tolerance ng katawan niya sa alkohol. She’s tipsy, yes. But she’s definitely not drunk. At may bright idea nang namumuo sa utak niya. May narinig na nag-scrape sa sahig si Iona. Sa sulok ng mga mata niya, nakita niyang tumayo ang lalaking may mahabang buhok. Her future hubby. Nag-sway ito, napahawak din agad sa sandalan ng upuan. Ilang sandali itong ganoon lang ang posisyon, nagpapahimasmas marahil. Senenyasan nito ang may edad na lalaki sa likod ng bar counter, iminuwestra ang nakatuping pera sa ilalim ng basong ginamit. Kapagkuwan ay naglakad na ito patungo sa pinto at nilamon ng dilim. Hindi na hinayaan ni Iona na lumapit ang matandang lalaki. Kinuha niya ang bayad ni Long Hair at dinala sa counter. Hiningi na rin niya ang sariling bill. It took the man several minutes to compute her bill. Inilapag niya sa counter ang bayad as soon as makita niya ang amount sa resibo. Hurriedly, she stepped out of the door, eyes scanning the area and instantly spotted the man a few meters away from her. Nakatayo ito sa tabi ng isang itim na kotse. Itinaas niya ang kamay, winagayway. “Sir!” she called out as she approached the man. “Wait lang! Can we talk—” Napahinto siya, pati mga paa niya kusang nag-preno nang makitang may lumabas mula sa dilim at dumikit kay Long Hair. At mula sa pagitan ng dalawang lalaki, mayroong kumislap na kung ano nang matamaan ng headlights ng dumaang kotse. Patalim. May nakatutok na patalim sa likod ni Long hair. Shit. Hino-holdap ang mapapangasawa ni Iona! “Hoy!” sigaw niya, instinct na naghanap ng gagawing armas bago sumugod sa dalawang lalaki. She spotted an empty flower pot made of clay on the ground. Mabilis siyang yumuko at dinampot ang paso. “Layuan mo siya!” sigaw uli niya habang malalaki ang mga hakbang na lumapit sa dalawa. Humanap siya ng buwelo nang nasa limang talampakan na lang ang layo niya. “Tulong! May holdaper!” At buong puwersa niyang ibinato sa holdaper ang flower pot. “Aw—f**k!” hiyaw ng tinamaan ng paso, bumagsak sa lupa. Natutop ni Iona ang bibig. “Sira ulo ka, Iona!” Hindi ang holdaper ang nasapul niya! Si Long Hair! “f**k!” muling hiyaw ni Long Hair, sapo-sapo ang mukha. At ang magaling na holdaper, tumalilis ng takbo palayo. Gusto na ring tumakbo ni Iona—kung hindi niya lang nadidinig ang mga daing ng lalaki. Nasaktan talaga ito. “Mister, okay ka lang? Hindi ko sinasad—inaykupo!” bulalas niya, nagimbal. May umaagos nang dugo sa mukha nito. “May dugo!” “And who’s fault is that?” paangil na tugon nito, may kinapa-kapa sa bulsa, isang panyo. Itinapal nito iyon sa noo bago tumayo. Upang mapalugmok lang muli sa aspalto. “I’m going to strangle you, Miss.” “Sorry! Sorry talaga. Hindi naman kasi—” “Stop talking! Drive me to the hospital, dammit!” He fished his car key out, unlocked his doors, and tossed the key to her. “Drive.” Then, without warning, he grabbed the back of her shirt, pulled hard enough to make her stumble, and flopped on the ground beside him. “Help me up, you lunatic,” mahina nitong angil, isinampay sa mga balikat nya ang braso. “Kapit ka lang,” aniya habang inaalalayan itong tumayo. The man was heavy. Somehow, nagawa niyang ipasok ito sa passenger seat. “Huwag ka matetegi, okay? I’ll save you.” “You already did. Look at me. I’m bleeding to death,” mahina nitong sabi, laylay ang tuka. Guwapo pa rin kahit mukhang mamamatay na. Pinatakbo niya ang kotse, abot-langit ang dasal na umabot sa ospital ang lalaki. Lord, please. Wedding photoshoot ang gusto ko, hindi mugshot!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD